confrontation

2.2K 58 0
                                    

Nagising ako na nasa tabi ko si Mama,Kita ko ang pag aalala sa mukha nya.

"Ang baby ko..kamusta pakiramdam mo?" naiiyak pa yta si mama.

"Ma ok lang ako masakit lang ang ulo ko.. napansin kong may bandage ako sa ulo." nalala ko si Carlo.

"Ma, si Ca.. ang boss ko ok ba sya?" nag aalala kong tanong kay Mama

"Si Caloy? so sya pala ang boss mo. binantayan ka nya mag damag. Umuwi na sya ngayon lang, may meeting daw sya. Ang laki ng pinag kaiba ni Caloy noon sa ngayon." may parang ibig sabihin si Mama

Pero ang nasa isip ko ay ang pagbabantay ni Carlo sa akin. Hinde ko alam na nkatingin pala si Mama at kitang kita nya na nangingiti ako o mas tama ang sabihin na kinikilig.

"Bukas kapa pina pa discharge ng doctor mas maganda yun para ma obserbahan kapa ng mabuti." inilabas ni Mama ang kumot. May plano yatang bantayan ako ni Mama ngayong gabi.

"Ma, umuwi kana kaya ko naman. Mas makakatulog ka ng maayos sa bahay. Alam kong pagod kana."may pakiusap kong hiling kay Mama.

"Talaga bang kaya mo mag isa? Pupunta nalang ako ng maaga bukas at nang ma ipag luto kita ng sopas. Tawagan mo agad ako pag may kailangan ka ha? sumusumpong ulo ko. Kailangan kong itulog ng maayos." halata sa boses ni Mama na antok at pagod sya.

Inayos ni Mama lahat ng kailangan ko bago sya umalis. Sa tagal ng tulog ko kanina sa tingin ko wala na akong itutulog pa.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.. si Carlo!

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" wow hinde galit ang boses ni Carlo.

"Ok naman na ..Sir, medyo masakit lang ang ulo ko sa haba siguro ng tulog ko." awkward naman.

"Hinde ko alam na mahilig ka palang makinig sa pag uusap ng iba?." pormal na tanong ni Carlo.

"No.. Sir nandun ako para sa inventory, nagtago ako inakala kong may nagpapakitang multo sa stock room." para akong bata mag paliwanag.

"Hahhaha multo? at your age ? naniniwala ka sa multo?" nang aasar na sagot ni Carlo.

Ang sarap pakinggan ng tawa ni Carlo, buong buo ang boses nya.. bakit ba naging simpatiko ng husto ang mokong na to.

"Here i buy you some fruits, para gumaling ka agad. Ayokong isipin na iniligtas mo ako, dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit nalaglag ang mga boxes of perfume, but since nandon ako, kailangan kitang tulungan. Hope you wont misunderstood me. " sabay lapag sa side table ng hawak nyang mga prutas.

Natigilan ako sa mga sinabi nya. Heto na naman sya cold hearted na naman. Asar na ha!

"Since wala tayo sa work, kakausapin kita as Carlo. Galit ka parin ba sa akin? Pwede bang kalimutan na natin ang nakaraan? ok Sorry.. sana maging mag kaibigan tayo." pwede bang lovers ulit? sana may telekenetik sya yung nababasa ang isip ng tao. Para mabasa nya yung huling sinabi ko.

"Tapos na tayo, what made you think na nag se-self pitty ako nang dahil sa nakaraan natin? sa dami ng naging gf ko sa L.A. wala akong time ni saglit na isipin ka or ang paghihiwalay natin.. I had alot of fun there. " sarcastic smile ang nabasa ko sa mukha nya.

Tama bang ipamukha sa akin na marami na syang naging gf! so ako pala ang nakarma dahil ako ang nagiiyak ng malaman kong wala na sya sa Pilipinas. Sinubukan kong mag mahal pero ayaw ng puso ko. Ako pala tlga ang affected ng pag hihiwalay namin.

Namalayan kong mag isa nalamang ako sa room.Nasan na si Carlo? Iniwan nalang ako di manlang nag paalam sana nagstay manlang sya kahit konting oras ,alam nman nyang wala akong kasma.

Kahit konti ba wala syang nararamdaman sa akin. Yung panahon na mahal na mahal nya ko kahit konti ba dun wala na talaga. Bakit parang pinipiga ang puso ko. Bakit ang sakit na binabalewala ako ng taong dati mahal na mahal ako.

"Alam mo hanna kahit anong mangyari ikaw lang ang mamahalin ko at hihilingin ko kay Lord na ikaw ang ibigay nyang mapangasawa ko" bulong ni Carlo habang yakap nya ako sa likuran nasa Tagaytay kami first anniv. namin.

"Talaga ba? pano kung di pala tayo ang mag katuluyan?" pilit kong sinusubukan ang pagmamahal ni Carlo sa akin.

"Hihintayin parin kita..ipagdarasal ko parin na tayo ang magkasama hanggang sa huli , true love can wait. " sabay halik ni Carlo sa noo ko.

"You are my first love Carlo." humarap ako sa kanya at hinalikan ko sya sa labi.

Hanna wag kang iiyak.. ako pala ang di pa nkaka move on? Hanggang ngayon naiisip ko parin ang nakaraan namin.

MY SECOND FIRST LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon