heart beat

2.2K 59 0
                                    

One week na since nung huli kong makita si Carlo, minsan sinasadya kong dumaan sa office of The General Manager pero lagi itong naka sara. Iba ang way ng mga office staff. Laging sa likod nang mallsang way ko papasok.

Habang nag pupunas ako ng display kong mga branded perfume may isang lalakeng nsa singkwenta na ang edad nka tingin pababa sa hita ko. Umaangat kasi ang uniform ko pag tumuwad lang ako ng kahit kaunti.

" Hi Sir, you want perfume?"patay malisya kong tanong. Tanda na mahilig pa tong lalakeng to.

"Ikaw ba gusto mo? Ibibili kita Ms.Sexy?" sabay dikit ng braso nya sa kamay ko.. may kindat pa ang animal.

"Sir every day pwede akong mag amoy mabango dahil sa tester palang dito dumidikit na sa damit ko. Baka ikaw Sir kailangan mo ..baho kasi ng bibig mo!. sarap sapakin ng unggoy na ito.

"Bastos ka ah! customer ako dito! binabastos mo ko!" hahawakan nya ko sa braso syempre mabilis akong umiwas. Kadiri kaya  itong manyakis na ito.

"Ms. hanna! mag apologize ka!" si Ms. Jen ang visor kong leon. Na walang ginawa kundi bantayan ang bawat pag kakamali ko.

"Maam Jen, minamanyak ako ng matandang yan!" ako pa mag aapologize?

"Are you sure na minamanyak ka ng customer Miss new employee?" boses ni Carlo bumilis ang tibok ng puso ko.

Na blanko ang utak ko, di ako makapag salita gusto kong mag paliwanag.

"We were sorry for that Sir" natigilan si Carlo ng mag kaharap ang dalawa.

"Carlo! is that really you? when did you came? I thought your staying in L.A. for good?" kinamayan ni Mr. Manyakis si Carlo

"Mr. Javier! My dad needs me here." hinde ko narinig ang mga sumunod na pag uusap nila dahil lumayo na sila.

So sa L.A. pala sya tumira, kaya pala ang laki ng pinagbago nya.

"Ms. Hanna pinapatawag ka ng HR" Si Ms. Jen may nababasa akong hidden words sa mukha nya! Katapusan ko naba?

Ako na nga ang minanyak.. ako pa ang pinagalitan! kung di ko lang kailangan ang work na ito, baka sinigawan ko na silang lahat dun sa HR sabay resign.

Pero kailangan ko ang work na ito. Kailangan ko ng pera. Para sa buwanang hulog sa Bangko.

"Oopps sorry!" hinde ko namalayan na nabundol ako sa katawan ng isang lalaki.
Pag angat ko ng mukha.. si Carlo!

Walang reaksyon sa mukha ni Carlo.. tagusan ang tingin nya sa akin.. ng aakma na syang mag papatuloy sa lakad.

" Ah.. Ca.. Sir!" lakas loob kong nasabi.

tumingin lang sya sa akin.. nag hihintay sa sasabihin ko.

"Kamusta kana?" mabilis kong nasabi.

Kunot noo syang humarap sa akin.." Ms. Makalawing.." aray sakit nman sa tenga ng apelido ko pero kinilig ako ha.. meaning kilala nya ko.

"This is time for work.. hinde ka binabayaran ng company para mag flirt sa kung kanino!." may diin ang mga salitang binitawan ni Carlo.

Feeling ko may isang balde ng tubig  ang binuhos sa katawan ko. Flirt? kanino? Flirt na bang matatawag ang mangamusta?

"Sir! ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko at ni minsan hindi ako nakikipag flirt. Sorry Sir kung inisip mong flirting ang pangangamusta sa dating kakilala." nanginginig kong sagot kay Carlo.

"huh Kakilala?" sinabayan nya ito ng tawa na nakaka insulto. " Let me clear to you this.. I am your employer and you are my employee nothing more nothing less, did i make it clear Ms. Makalawing?!. sabay kuha ni Carlo ng cellphone sa bulsa nya at palayong umalis.

Ang naiwan nalang ay ang pabango na gamit ni Carlo naiwan sa hangin at pilit na nanunuot sa ilong ko.

Ibang iba na tlga si Carlo dati amoy ng pampaligong sabon ang madalas kong maamoy sa kanya. Isa yun sa namimiss ko sa kanya. Na mimiss? Sabay tapik sa pisngi. Ok ka lang hanna! Gising!


MY SECOND FIRST LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon