Chapter one

26.6K 718 55
                                    


Chapter one..


"Hoy Wendelaria! Gumising ka na! Pasado alas otso na malate ka na sa interbyu mo!"

Kinalampag ng kanyang Mama ang kanyang kwarto upang magising siya.

"Shit!" Napabalikwas siya ng marinig ang sigaw nito

"Hoy late kana!"

"Opo Ma! Gising nako!" Tumakbo na siya nang mabilis sa loob ng kanilang banyo. Nilagpasan niya lang ang kanyang nanay na walang ginawa kundi pagalitan siya

"Kaya ka walang matinong trabaho dahil ang bagal bagal mong kumilos. Bilisan mong maligo diyan. Late kana!" Sigaw pa nito habang naliligo siya

Sanay na siya sa kanyang Mama Neneng. Matalak talaga ito ngunit mahal na mahal niya ito.

Tiniis niya ang lamig ng tubig sa kanyang pagligo. Nag toothbrush din siya bago sumilip sa pinto
 
"Ma t...tuwalya po. Nakalimutan ko!"

"Anak ka ng putragis oh oh. Sa lahat ng makakalimutan mo etong tuwalya pa? Ang bata bata mo pa makakalimutin ka na. Kung hindi nakadikit yang pekpej mo sigurado makakalimutan mo din yan!" 
Kinuha nito ang tuwalya niya at inabot saknya

"Peace tayo Ma. Aga aga pa high blood na agad kayo" Tinangap niya ang tuwalya at binalot niya yun sa kanyang katawan.

Tumakbo na siya paakyat sa kwarto upang magbihis.

"Sino bang hindi ma-high blood sa bahay na to? Walang asenso ang buhay! Mga babae mga anak ko nagsipag asawa ng maaga! Mga lalake naman mga nakabuntis ng maaga! Diyos ko nakakastress ang bahay na to!"

Pinaparingan nanaman ng kanyang Mama ang mga kapatod niya. Paano halos sabay sabay nagsipag-asawa ang mga ito.

As usual binabalewala lang ito ng mga kapatid niya.

Siyam sila. At si Wendy ang panganay.

She's 26 years old now.

Kakaresign niya lang sa dating trabaho niya dahil mababa ang pasweldo. Kulang iyon para sa kanilang pamilya.

Bank teller siya sa isang banko. Ngunit ngayon jobless nanaman siya. Tama ang Mama neneng niya hindi siya nagtatagal sa isang trabaho dahil palagi siyang naghahangad ng mas mataas na sweldo

Katulad nalang ngayon. Pupunta siya sa isang job interview sa makati dahil nabasa niya sa news paper ang tumataginting na sweldo dito ay Thirty five thousand per month bilang accounting assistant. Kaya naman nag resign agad siya sa banko.

Malaki iyon kumpara sa dati niyang sweldo na twelve thousand pesos.

Ipinusod niya ang kanyang buhok upang magmukha siyang propesyonal. Nag suot siya ng palda na itim na hangang ibabaw ng kanyang tuhod. Tinernuhan niya iyon ng white long sleeves.

Sa jeep nalang niya naisip na mag makeup tutal lipbalm lang naman at pulbo ang ginagamit niya.

"Ma alis nako! Mga panget alis nako! Wish me luck!" Paalam niya sa Mama niya at sa mga kapatid niya. Hinalikan niya din ang kanyang apat na pamangkin bago siya tumakbo palabas ng kanilang bahay.

Maliit lang ang bahay nila pero dito lahat nakatira ang mga kapatid niya dahil hindi pinanagutan ng mga nakabuntis sa mga ito.

Wendy - 26yrs old
Carlita - 24 yrs old
Carlito- 24 yrs old kambal nito si carlita
James-22 yrs old
Jayson -21 yrs old
Cristine- 19 yrs old
Chirstof-17 yrs old
Lalaine- 15 yrs old
Mengay- 13 yrs old

Yan ang mga kapatid niya. Si Carlita may anak 3 yrs old. Si cristine 2yrs old na ang anak. Si lalaine at mengay parehong kakapanganak palang. Lahat ng mga ito hindi pinanagutan ng mga nakabuntis dito

Mr.Basted Returned?! SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon