Chapter two

22.8K 561 10
                                    

Chapter two.

"Ate? Taeng tae nako! Ano bang ginagawa mo diyan sa banyo kanina ka pa diyan!" Sigaw ni Carlita habang namimilipit ito sa sakit ng tiyan sa labas ng banyo ng kanilang bahay.

Dinedma lang ito ni Wendy. Kinukuskos niyang maige ang kanyang katawan ng papaya soap upang kuminis siya ng husto.

First day of work ko today carlita wag kang makulit nauna ako sa banyo eh. hihi kaya ko nga inagahan para makaligo ng maayos eh! --Sa loob loob niya habang nagsasabon siya ng kanyang katawan

"Huy ate wends?! lalabas na! Jusko ate aabutan nako dito!"

"Grrr kainis naman tong si Carlita eh!" Napilitan tuloy siyang mag banlaw. Sumilip siya sa pinto

"Ano ba? Naliligo ako. Pagbigyan mo nako mga ten minutes nalang pwede?" masungit niyang pagalit sa kanyang kapatid

"Jusko ate mapupudpod na yang balat mo kakasabon! Mapapagalitan ka pa ni nanay inuubos mo yung papaya soap niya eh!" Tinulak na ni Carlita yung pinto ng banyo kaya nakapasok ito sa loob

"Hoy hoy hoy anong ginagawa mo--"

"Taeng tae nako ate. Takpan mo nalang yang ilong mo" Naghubad na ito ng short kasunod noon ay nagpasabog na ito ng likas na kayaman ng sikmura nito

"Grrr Carlitaaaa!!" Napatakbo tuloy siya palabas ng kanilang banyo. Mabuti nalang nakapag tapis agad siya ng kanyang tuwalya

Hindi siya pinansin ni carlita at todo ire ito.

"Grrr. Mama oh si carlita!" Nagdabog siya papunta sa kusina kung saan nagluluto ng agahan ang kanyang Mama neneng.

Sa lahat ng kapatid niya siya ang panganay ngunit minsan siya ang parang bunso dahil madalas isip bata siya.

Katulad ngayon todo tulis ang kanyang nguso dahil naamoy niya ang mabahong utot ni carlita.

"Hay nako wendelaria tigilan niyo ako ke-aga aga binubwisit niyo nanaman ako" pagalit sakanya ng kanyang mama neneng

"Eh kasi naman si carlita hindi makapag hintay naliligo ako eh--"

"Isa?" Akmang ibabato sakanya ng kanyang mama neneng ang sandok na hawak nito kaya napatigil siya sa pagsusumbong. 

"Sabi ko nga po magbibihis nako eh.." Napalabi nalang siya at walang magawa kundi umakyat sa kanyang kwarto.

"Ang titigas ng ulo ng mga anak ko! diyos ko. Malas na nga ako sa mga naging asawa ko malas padin ako sa mga anak ko! Haaay!" Parinig pa ng kanilang mama neneng.

Nasa paligid lang ang kaniyang ibang kapatid. Karga karga ng mga ito ang mga anak.

Napabuntong hininga nalang si Wendy. Kailan kaya sila aasenso? Siyam silang magkakapatid pero iba iba ang kanilang mga Tatay. In short magulo talaga ang buhay nila

Napapailing nalang si Wendy habang paakyat siya sa hagdanan.
 
Never naman ako na-appreciate ni mama e. Sa lahat ng anak niya ako nalang ang walang asawa dahil pag aaral inatupag ko at eto first day of work ko ngayon pero balewala lang kay mama kahit sinabi ko sakanya mataas ang sahod ko

Pero ayos lang yon. Sanay nako

Napapangiti nalang si Wendy mag isa habang nag bibihis siya dahil nagpapaka-emosyonal nanaman siya.

humarap siya sa salamin at kinausap ang kanyang sarili

"don't worry self.  Maaahon mo din sa hirap lahat ng kapatid mo. fighting!" Pagpapalakas loob niya.

Naisipan niyang tawagan si Yoona. Tutal maaga pa naman dahil alas-siyete palang ng umaga.

Nine AM pa kasi ang pasok niya sa Hoffman's Hotel

Mr.Basted Returned?! SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon