Chapter four

22.9K 594 53
                                    

Chapter four

Kanina pa gutom na gutom si Wendy

Buong araw siyang nagtrabaho sa loob ng private room ni Jared. Bored na bored siya dahil hindi siya nito pinapansin simula ng ituro nito sakanya lahat ng kanyang gagawi.

Sobrang busy nito sa pagtatrabaho kaya naman nahihiya siyang mag-paalam upang kumain.
 
At sobrang sungit din nito

Napatingin siya sa orasan.

Yes! Its 6PM already.

Ibig sabihin uwian na niya. 9-6 kasi ang kanyang working hours. Sa wakas makaka-kain na din siya

Nagligpit na agad siya ng kanyang mga ginagawa at tumayo na siya upang magpaalam sa kanyang masungit na Boss.

"B..Boss uwi na po ako. 6PM na."

Nag angat ito ng tingin sakanya

"Shoo" tinaboy siya nito gamit ang kamay nito bago ito naging busy muli. Para bang isa siyang langaw na binugaw lang nito palabas ng private office nito

Grrr!

Napasimangot nalang si Wendy

"Shoo? A..Ano ako aso?" bulong niya sa kanyang sarili habang papalabas siya ng private room nito

"Pst. Teka may nakalimutan akong sabihin sayo"

Napahinto siya sa paglabas ng office room nito dahil sa sinabi nito.

"Ano po yun?" Walang gana niyang tanong at humarap siya dito

"Hindi ka kumain buong araw diba? Hindi din ako kumain. Nagugutom ako samahan mo ako.." Tumayo na ito at parang hari na nag suot ng black tuxedo nito.

Napa-nganga nalang si Wendy dahil sa sinabi ni Jared.

"Po??" Napakunot yung nuo niya
 
"Let's go" Nauna na itong lumabas ng private office nito at nilagpasan siya

"P..Pero boss uuwi na po ako. Tapos na yung working hours---"

"Bakit may curfew ka ba?" Bigla itong lumingon sakanya. hindi niya napaghandaan ang kagwapuhan nito sa malapitan kaya naman natahimik nalang siya at umiling

"W..Wala po"

"Samahan mo ako. And thats final"  lumakad na ito papunta sa elevator. Para itong hari kung umasta. Maganda ang tindig nito. Pati ang paraan ng paglakad nito halatang propesyonal.

Nasa likod lang siya ni Jared habang naghihintay silang bumukas ang elevator.

"B..Bakit po wala sa oras ang pagkain natin? Araw araw bang ganito?" lakas loob na tanong niya kay Jared

"Ngayon lang. Bukas doon kana sa 30th floor. Dahil naiistorbo mo ako" masungit nitong sagot habang nakapamulsa ito

Napataas ang kanyang kilay

Siya istorbo? Hindi nga siya gumawa ng kahit anong ingay e.

Pero mabuti nalang at ililipat na siya nito dahil bored na bored siya sa private office nito

Bumukas ang elevator akala niya mauuna itong pumasok sa loob

"Ladies first.." pinauna siya nito pumasok kaya nagtaka siya

Wow gentleman?

Tinaasan niya ito ng kilay

"Why?" kunot nuong tanong nito

"W..Wala po" Pumasok nalang siya sa loob ng elevator at sumunod ito sakanya.

Habang nasa loob sila ng elevator pakiramdam niya ang sikip sikip ng loob nito kahit sobrang laki naman ng elevator.

Mr.Basted Returned?! SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon