CHAPTER 6

322 14 0
                                    

ZEINE'S P.O.V.

"Kaibigan niya lang ako" nakangiting sabi ko sa bata at tumango siya tapos dumating yung parents niya I assume

"Naku! Ang basa-basa niyo! Pumasok na kayo at magbihis baka magkasakit pa kayo nyan! Pahiramin mo nalang ng damit yang kaibigan mo Joshua" sabi nung nanay niya kaya tumango si Joshua bago tumakbo papunta sa itaas kaya napalunok ako dahil naiwan ako dito mag-isa kasama ang mga magulang niya pati kapatid niya

"Pasensya ka na sa bahay namin iha, halatang mayaman ka at malaki ang bahay niyo" sabi ng tatay ni Joshua kaya ngumiti ako at umiling

"Wala po yun sa bahay Mr. Villamor, ang mahalaga ay kasama mo ang pamilya mo kasi pantay-pantay lang naman tayong lahat" nakangiting sabi ko kaya napangiti sila ng malaki

"Tatay at Nanay nalang ang itawag mo samin, ang bait mong bata. Mabuti nalang at naging kaibigan mo ang anak namin" nakangiting sabi ni Tatay kaya ngumiti ako sa kanya tapos napatingin ako sa bata nung bigla nitong hinawakan ang kamay ko

"Ate Ganda, ano po pangalan mo?" tanong niya kaya ngumiti ako bago umupo para maharap ko siya ng maayos

"Zeine ang pangalan ko, Ikaw? Anong pangalan mo?" nakangiting tanong ko tapos ngumiti siya ng malaki

"Jake po Ate Ganda" nakangiting sabi niya kaya kinurot ko ng mahina ang pisngi niya

"Ang cute mo Jake" nakangiting sabi ko tapos namula siya kaya napatawa ako ng mahina

Tumayo ako at hinawakan niya ang left hand ko na nakangiti

Napalingon ako dahil may batang biglang umiyak kaya tumakbo duon si Nanay at Tatay at sumunod naman kami ni Jake

"Uwaaaa!" umiiyak na sabi nung baby kaya kinarga iyon ni Nanay para patahanin

"Shhh Andito lang si Mama, Jane" sabi ni Nanay kaya napangiti ako at lumapit si Jake duon bago hinawakan ang paa nung baby

"Andito si Kuya" nakangiting sabi nito dahilan para mapangiti ako lalo at mapaluha

I miss my brother...

"Uwaaa" umiiyak pa rin ito kaya lumapit ako at nginitian si Nanay

"Ako na po" nakangiting sabi ko kaya binigay niya iyon sakin at hinele ko si baby na naka-upo sa braso ko

"Twinkle twinkle little star how I wonder what you are up above the world so high like a diamond in the sky" kanta ko at tumigil naman ito sa pag-iyak bago tumingin sakin

"Twinkle twinkle little star" sabay naming kanta ni baby kaya napangiti ako at hinalikan ko ang noo nito

"Magaling ka pala mag-patahan ng bata iha, may kapatid ka ba?" tanong ni Tatay kaya tumango ako bago binigay si baby kay Nanay at tiningnan si Tatay

"May Kuya po ako" sabi ko kaya napakunot ang noo niya

"Paano mo natutunan yun?" takang tanong ni Tatay kaya ngumiti ako

"Ganun po kasi yung ginagawa ng tita ko sa baby niya kapag umiiyak ito" nakangiting sabi ko kaya tumango siya sabay ngiti

"Siguradong successful na ang kuya mo ngayon, nasan ba siya iha?" tanong ni Tatay kaya napabuntong hininga ako at ngumiti ng konti

"Patay na po, 2 years ago" sabi ko kaya nakita kong lumungkot ang mukha nila pati si Jake nalungkot din

"Sorry iha" paghihingi ng tawad ni Tatay kaya umiling ako sabay ngiti

"Okay lang po yun" sabi ko na nakangiti ng konti

"Tatay naman eh! Pinalungkot niyo naman si Ate Ganda eh! Dun nalang tayo sa taas Ate" sabi ni Jake at hinila ako papunta sa taas tapos ngumiti samin yung mga magulang nila

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon