ASTRO five

1 0 0
                                    

Astro SIX

Mamaya puntahan mo ko sa canteen kukwento ko sayo ang tungkol sa kanila at tutal baguhan ka palang naman ehh....

Nanina ko pa iniisip kung pupunta bako o hindi. Wala namang masama kung pumunta walang mawawala.

Nag lalakad na ko sa may hallway ay may napansin ako,  parang lahat sila ay balisa at ang likot ng mata parang may tinataguan sila at takot na takot sila.

Nung makarating nako sa may bandang gitna ay nalaglag ang dala kong gamit agad yun napansin ng mga ibang estudyante.

Nakatingin lang sila habang pinupulot ko ng mga gamit ko. May narinig akong nag uusap sa likod ko.

Patay may bago makatagal kaya yan dito?

Mukhang di yan mag tatagal.

Kawawa naman sya.

Kabahan na tayo dahil pag may bago may madadamay kapag nakipag kaibigan sa kanya.

Oonga lumayo na tayo habang maaga.

Sa mga sinabi nila ay parang nananakot sila.. Kinakabahan tuloy ako natatakot ako sa school na tohh.

Dahil madami akong gustong malaman ay pumunta ako sa canteen.

Hinanap ko yung babaeng naka usap ko kanina,nilibot ko ang tingin at nakita ko sya sa sulok?. Parang natataranta nanaman sya,  ina abangan nya talaga ako. Pupunta ko na sya pero may nasagi akong isang lalaki.

"Ay kuya sorry di ko po sinasadya". Sana okay lang sakanya.

"Di kaba tumutingin sa dinadaanan mo". Pasigaw nyang sabi sa akin.

"Sorry na talaga kuya pasensya na po". Nakakainis kasalanan ko to ehhh.

Biglang may bumulong yung lalaki dun sa lalaki na kasama nya dun sa na bangga kong lalaki. Biglang Tumingin sakin yung lalaki at nanlaki ang mata nya. Madaming nakakita sa nangyaring pag bunggo ko sa lalaki halos lahat ng tao sa canteen.

"Ay sorry...  Ahmm ako ang dapat na mag sorry... Sorry kung mapag taasan kita ng boses.".  Para syang naiiyak habang binabanggit nya yun,  teka ako yung naka bangga at ako dapat ang mag sosorry teka ang gulo.

Bigla nalang syang tumakbo palabas ng canteen at di nya alam kung saan sya dapat pumunta.

Di ko nalang pinansin yung lalaki at agad akong dumaretsyo sa pwesto nung babae na nakausap ko kanina.

"Hi ano nga pala ikukwento mo".  Tanong ko sa kanya habang kinakalikot nya ang dalawa nyang kamay.

"Sige maupo ka na". Habang nakatingin sa paligid ang mata nya.

"Sige ano yung tungkol sakanila, alam mo ba yung nag lalakad ako ay parang lahat sila takot,  tapos yung nalaglag ko yung mga gamit ko  parang takot sila sakin?". Kinakabahan kasi ako kaya dapat malaman ko ka agad.

"Sige ano pa. ". Tanong nya na nag mamadali.

"Ahhmm kanina oo kanina yung lalaki na nabangga ko ay nagalit sakin tapos biglang may binulong yung lalaki tapos nag sorry sya sabay takbo palabas ng canteen". Gustong gusto ko na talaga malaman at Bkit parang iniiwasab ako ng mga studyante dito.


"Kaunting information lang ang kaya kong ibigay pag katapos nun ay lalayuan na kita". Parang natatakot na din sya sakin.

"Teka bakit pati banaman ikaw?". Naguguluhan na talaga ako ano bang nagawa ko.

Nag gulat ako ng agad  agad syang nag salita.

"Ikaw dahil bago ka palang dito kaylangan mong dumistansya sa mga estudyante sa loob ng tatlong buwan kung hindi lahat ng magiging kaibigan mo ay madadamay sa pag papahirap ng ASTRO 6".

"ASTRO SIX? ". Anong astro Five yun pa astro astro pa, ano daw papahirapan sino? ako papahirapan nila.

Mag tatanong pa sana ako ng nag salita ulit sya.

"Oo sila lang naman ang namumuno dito sa school, at sila lang ang pwedeng manakit sa mga estudyante dito lalo na sa nga bago". Teka bago baguhan lang ako dito patay.

"Ang ASTRO FIVE ay binubuo ng limang grupo yun ay sila ALEXANDER ZAMORA, DRAKE EVANGELISTA, LEE CASTRO, CLIFFORD GARCIA, CLARK GARCIA at ang pinata pilyong leader nila na Mala demonyo maglit na si TRISTAN JIN DELA FUENTE". ayyy kaya pala hayss parang teka sila ba yung lima.... "Kung ano man iniisip mo ay tama sila ang anim naka salubong ko kanina na nag buhos sakin ng tubig kung tutuusin ay di lang dapat yun ang inabot ko kung di masahol pa dun". Ahhh teka ano ng gagawin ko.

"Ahhh bakit sila ganun sa mga estudyante dito may ginawa ba silang masama sa kanila para magalit sila at mang damay pa ng iba?" 

Pag ka tanong ko ay agad syang tumingin sa orasan nya at kinukuha na ang kanya gamit.

"Uy teka di pa ako tapos mag tanong". Sabi ko sabay tayo nya.

"Hanggang dito nalang ang kaya kong ibigay na inpormasyon sayo sige na ito narin ang huli nating pag kikita".

"Huy teka lang". Agad syang lumabas ng canteen ako nalang pala ang naiiwan dito teka anong oras na ba.?.

4pm palang naman kaya tinext ko na si kuya Jeff para sunduin ako.

Habang nag lalakad ako ay napansin kong wala na masyadong studyante nag mamadali na silang umuwi.

Biglang may naka agaw ng pansin ko parang sa isang room sa dulo ay may sumisigaw pero dumaretsyo nalang ako para kasing nakakatakot mamaya may multo dun.

Napadaan ako sa library at pumasok dun tutal wala pa naman ang sundo ko. Dalawa lang kaming tao dun ako at ang nag babantay,  dahil Busy sa CP yung nag babantay ay pumasok nalang ako dun ng di nya na papansin.

Nag hahanap ako ng libro nang biglang may narinig akong pagsara ng  pintuan.

Agad akong pumunta sa pinto pero wala na sarado na nung na abutan ko na lock ako sa library.

Pano na ko dito na ba ako matutulog?.  



Again Where stories live. Discover now