Library
Hay ano na gagawin ko walang signal dito.
Kanina pa ako sigaw ng sigaw halos mapaos nako dito.
"MAMA HUHUHU TULUNGAN NYO PO AKO DITO KUYAAAA HUHUHU". Di ko na kasi alam talaga ang gagawin ko pano ako makakapag bihis bukas may pasok ano dito nalang ba ako matutulog.
Sumigaw ako ng sumigaw pero parang wala nakakarinig sakin mamaya ay na gulat ako na may nag salita sa likod ko.
"Napaka ingay mo ano akala mo ikaw lang tao dito." Sabay bagsak nya ng libro. Nugulat ako dahil sobrang lakas ng pag bagsak nun. Pero ang cold ng boses nya.
Napahinto ako sa sa pag sigaw dahil sa boses na narinig ko alam kong sya yung isa sa mga lalaking nag pahiya sakin.
Haharapin ko na sana sya kaso di ako makagalaw dahil na akala ko yung sinabi ng babae sakin kanina. Tumayo kusa yung balahibo dahil sa takot.
Nakarinig ako ng mga hakbang, akala ko yung hakbang nayon ay palayo sa akin.
Pag harap ko ay saktong may sumandal na kamay sa pintuan at nagulat ako dahil katapat ko sya unting unti nalang ay maglalapat na ang aming mga labi. Di man lang naalis ang tingin nya sa mata ko at ako din.
Sobrang ganda ng mga mata nyang color blue tapos yung buhok nyang bagsak. Woahhh napaka gwapo nya talaga.
**********************************
Lee Castro POV
Nauna na ko sa mga tropa ko dahil alam nilang mag aral pako. Supportive yang mga yan sakin alam kasi nila na kaylangan ko munang makapagtapos ng pag aaral. Binilin yun ng aking mga magulang bago sila namaalam at silang apat ang nakatistigo nun.
May pupuntahan pa daw silang apat. Di ko na tinanong dahil alam kong di yan maganda.
Dun ako sa library matutulog tutal may secret room ako dun kaming lima lang ang nakaka alam nun.
Habang ako ay nag lalakad ay may call of nature ako kaya dumaan muna ako sa C.R.. Lahat ata ng studyante dun ay nag silabasan.
Teka aanohin ko ba sila haystt palibhasa takot mapag tripan pero okay narin tohh. Dapat matuto silang matakot ewan ko ba kasi dito sa T.J na tohh lahat nalang ng makita nya gusto nyang pag tripan.
Well ibahin nyo ko, mabait talaga ako, nag aaral talaga ako ng mabuti dahil pangarap yun ng mama ko sakin.
Oo tama mahirap lang kami dati. Paano ako naka pasok sa school nato syempre kayla T.J kaya itong school.
Bestfriend ang mga magulang namin nila T.J.... May isa pang nabanggit si mama sakin tatlo daw silang mag be bestfriend kaso di ko kilala yung isa.
Dahil ayoko sa madrama stop na. Naalala ko yung babae kanina, kawawa naman sya napaka amo ng mukha nya inosenteng inosente sya. Ang masama kasama sya NEWDENT OR NEW STUDENT. ( madrama talaga ako 😂)
Ayokong manakit ng mga babaeng inosente pero kasama yun sa rule.
Pag kalabas ko ng C.R ay dumaretsyo nako sa library wala namang tao kaming dalawa lang yung librarian ang natira.
"Hoy wag ka nang mag papa pasok ng ibang studyante dito". Habang nakatingin sa kanya ayun di na mapakali parang gusto ng umuwi.
Agad akong dumiretsyo sa secret room ko. Nag bit bit nadin ako ng ibang books para dun nalang ako mah babasa at mag papahinga.
Matutulog muna ako ng saglit para mamaya basa nalang ng basa.
Nakaiglip naman ako pero sobrang sarap ng tulog ko at may narinig akong boses na sumisigaw yun na talaga ang nag pagising sakin at nag patayo para puntahan kung anong nangyayari dun.