Mom
Pag gising ko ay tiningnan ko yung oras 5:30 palang pala. Pero nagulat ako ng may kumot na nakabalot sakin. Kumot? San galing?
Naiglip din ako na kaunti dahil maaga pa lang naman 7:30 pa ang time.
7:45am
Miss gising na...
Miss...
Ano bayan ang sarap sarap ng tulog ko ehh.
Bumangon ako at tinignan yung oras at tinignan yung lalaking gumising sakin sya yung librarian dito. Nag palipat lipat ang tingin ko, halatang naguguluhan sya sa kinikilos ko.
Agad akong nag ayos ng buhok at isinuot ang eye glasses ko.
Lumabas na ko ng library at nakita ko yung kotse namin na naka park.
Teka andito sila mama car nya yun huh?
Pinuntahan ko yung car ni mama pero ang na abutan ko lang dun ay ang driver namin na si kuya Leo.
"Kuya Leo si mama nasaan?"
"Ikaw na bata ka san kanaman nag galing nag aalala ang mama mo sayo pinuntahan na rin nya bestfriend nya para itanong kung nakita kaba at para I check yung CCTV." aalalang sabi sikin ni kuya leo.
"San sya nag punta sa office ba?" Kinakabahan na talaga ako siguradong nag aalala na sakin si mama.
Nag lalakad ako sa hallway ng naabutan ko si mama na may kausap na babae. Mukha namang mag kasing edad lang sila ni mama. Baka sya yung may ari ng school or for short bestfriend ni mama.
Narinig kong may pinag uusapan sila.
"Okay lang yan Bess mahahanap din natin ang anak mo pinatawag ko na ang anak ko para mabilis natin mahanap ang anak mo Bess". Sabi nung kasama ni mama.
"Sige na bess maraming salamat sa tulong mo uuwi narin yun."sabi ni mama na alam kong sobrang nag aalala na sakin.
"MAMA!!!." sigaw ko sa kanya at tumakbo sya sakin bago yun ay hinarap nya na bestfriend nya.
"Geh na bess ayan na pala ang anak ko maraming salamat sa pag tulong sakin." Mabilis na lumapit sakin si mama at sinalubong ako ng yakap.
"Cristine saan ka nag punta bakit di ka umuwi ng bahay."nakatingin sakin si mama sabi ko na nga ba ayan agad ang itatanong nya sakin. Ayaw na ayaw nya kasing nawawala ako dahil nawala na ako dati.
"Ma sorry, na lock kasi yung pinto sa library nakulong ako dun sorry na ma.."/. Paliwanag ko kay mama.
"Okay lang yan basta ang importante nakalabas ka, halika kana umuwi na tayo!". Huh ako uuwi teka may pasok pako.
"May pasok pa po ako di ako pwedeng mag ditch ng class". Di naman talaga ako pwedeng mag ditch second day ko palang mag di ditch na agad ako ano ako special.
Lumingon si mama sa sa bestfriend nya at lumingon din ako may kausap yung bestfriend ni mama na lalaki anak nya siguro yun?.
"Napaalam na kita sinabi ko yun kanina na kapag bumalik ka ay iuuwi muna kita". Agad naman akong hinila ni mama papunta sa parking.
Nasaloob na kami ng kotse pero wala man lang nag sasalita samin ni mama ewan ko kung galit sya sakin, di ko naman yun kasalanan.
"Ma.. Bat dito nyo ko nilipat ng school?, ayos nama sa dati kong school huh?". Oo nga no buti natanong ko sa kanya ngayon.
"Bakit mo na tanong di ka ba okay sa bago mong school". Sabi nya sakin, tumingin nalang ako sa salamin.
"Kasi Ma bakit kasi kakaiba yung mga tao dito. Parang others talaga ako sa kanila?!". Totoo naman yun dapat nga i welcome nila ako at kaibiganin ehhh, alam ko namang nerds ako madalas yang sinasabi sa dati kong school pero tinatrato parin nila ako bila classmate at school mate samantalang dito mukhang lugi a mukha ko.