Prologo
"You need to go. Umalis ka na rito. Kailangan mo ng umalis!" Pagtataboy niya sa akin ngunit nagmatigas ako.
I shook my head as I felt my tears started to build in my eyes.
Hindi... Hindi ako aalis dito! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko siya kasama! Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganitong uri ng pagmamahal sa isang tao kaya kahit napaka-selfish pakinggan, hindi ko hahayaang mawala iyon sa akin.
"I will never leave in this place without you. Never." Mariing sabi ko. Sinabunutan niya ang sarili dahil siguro sa frustration na nararamdaman. Nahagip ng mata ko ang butil ng luha sa kaniyang mga mata kaya mas lalo akong napaiyak.
Hindi ito ang gusto kong mangyari sa relasyon naming dalawa. It's true that we can't be together but damn! Ang sakit ipagtabuyan ng taong mahal mo!
"Please, Soraia. The time has come. Kailangan mo ng umalis, please. I-I don't want you to see what will happen next," pumiyok ang boses niya sa mga huling salitang binanggit.
Hirap akong lumunok dahil sa sakit at awa para sa kaniya. Alam kong hirap na hirap na siyang ipagtabuyan ako pero ano bang magagawa ko? Ayoko... ayokong umalis.
Nagulat na lang ako nang makaramdam ako ng paghawak ng kung sino sa magkabila kong kamay. Nanlalaki ang matang tiningnan ko ang mga kawal na nakahawak sa kamay ko. Nang makita ko sa mukha nila ang determinasyong mapaalis ako sa lugar na ito, mabilis akong nagpumiglas.
I tried and tried. I even kick one of the soldiers but to not avail, their grip did not loosen. Para silang bato dahil mukhang wala lamang para sa kanila ang lakas ko! And it frustrates the hell out of me!
Tumigil ako sa pagpupumiglas at umiiyak na ibinaling na lang muli kay Zacheus ang paningin.
I hope this time, pakinggan niya ako. Kahit... kahit awa na lang ang ibigay niya. Hindi ko na hinihiling pa ang pagmamahal galing sa kaniya.
"Zacheus... Zacheus, please. D-dito na lang ako. Parang awa mo na. Hayaan mo na lang akong manatili rito... Please," I pleaded. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil hindi ko inakalang ang isang tao na kagaya ko ay magmamakaawa nang ganito para sa lalaking mahal niya.
Kahit ako, hindi ko na marinig ang sariling boses ko. My own voice, my own plea, sounds so foreign for me. Nakakapanghina.
He looked at me, coldness is very evident in his face. "Walang may kailangan sa'yo rito kaya umalis ka na," malamig na turan niya dahilan para matigilan ako. Para akong nabingi sa sinabi niya at pakiramdam ko ay nanghina ako.
Kung ganoon... Wala na pala talagang pag-asa. Hanggang dito na lang pala talaga kami. Ako lang pala talaga ang nagpipilit sa sarili ko.
Nakakatawa. Nakakatawa kung paano ako magmakaawa para sa kaniya para lamang hindi niya ako paalisin sa mundong ito. Nakakatawa kung paano ako nag-iba para lamang sa kaniya. Love hurts. Bigtime.
Naramdaman ko ang paghila ng mga kawal sa akin palapit sa wardrobe. Hindi na ako nagpumiglas. Wala na akong pakialam. Dahil ngayon, hanggang dito na lang kami.
"Leave in this place. Sooner or later, you'll wake up and you will not remember me. Sa oras na magising ka, makakalimutan mo rin lahat ng ito, kasama na ako." That's the last words I heard from him before the big doors closed.
***
This story is a work of fiction. Names, characters, places, and events are fictitious, unless otherwise state. Any resemblance to a real person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All right reserved.
No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.
PLAGIARISM IS A CRIME.
Credits to MizzyFantasia para sa napakagandang book cover! Maraming thank youuu po!
BINABASA MO ANG
Tale 1: A Royal's Tale (COMPLETED)
FantasySoraia, the world's biggest competitor in terms of business. A businesswoman who has a blood of royalty. The woman who is said to be the savior. Her journey starts when she found out that the wardrobe her mother gave to her was surrounded by magic...