Kabanata 30

301 15 1
                                    

Kabanata 30

End of War

"Hirac..." Rinig kong bulong ni Atlas sa hangin habang nakatingin sa kaniyang asawa. Ramdam ko ang pangungulila niya rito ngunit dahil wala siyang magawa, hanggang tingin na lamang siya.

Dama ko rin ang pinipigilang aura ni Zacheus na nasa may kanang bahagi ng likuran ko. I felt the tension between the people not far away from us and these two I am with. Tila parehas nilang pinipigilan ang kanilang mga sarili upang hindi makagawa ng bagay na ikapapahamak nila.

"What a good scenario we have," ani King Alfius bago mabagal na naglakad papalapit sa amin. Sabay-sabay kaming umalertong tatlo kaya namamanghang napatigil sa paglalakad si King Alfius at bahagyang napatawa.

"Woah! Huwag kayong mag-alala. Wala naman akong gagawin sa inyo," aniya na tila nang-aasar. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya na mukha namang napansin niya.

"You look very angry, my dear niece. Chill out," he said calmly. Mas lalo tuloy sumama ang tingin ko sa kaniya dahil mukhang ako pa ang masama rito.

"You're a fucking traitor," I stated the fact. He laughed softly before it gradually became louder. Nag-e-echo ang halakhak niya sa bawat sulok ng lugar sa palasyo na kinaroroonan namin. Mukhang sayang-saya siya dahil sa sinabi ko at inabot pa ng ilang minuto bago siya makahuma sa pagtawa.

"Oh, I'm sorry," he apologized when he realized that he's the only one laughing. "But yes, yes! I am a fucking traitor," he added before laughing again. Hindi ko alam kung anong nakakatawa at kung ano man ang dahilan ng pagtawa niya ay wala na akong pakialam.

Muli siyang tumigil sa pagtawa at huminga pa siya nang malalim dahil mukhang kinapos siya ng paghinga dahil sa kaniyang pagtawa. Kung puwede nga lamang na mabulunan na siya sa sariling laway ay mas ayos siguro.

"So, where are we?" He asked and started walking again to our direction. Atlas readied his wand, Zacheus for his sword, and me for my archery. Hindi naman nagpatinag doon si King Alfius at ipinagpatuloy pa rin ang paglalakad na ngayon ay malapit na sa amin.

Nang magkaroon ng ayos na layo sa pagitan ng bawat isa ay tumigil na siya at ngumiti, lalo na sa akin.

"Ah! I can't wait to strangle you again but now, with my hands," he exclaimed while looking at me. Nanlaki ang aking mata sa itinuran niya at pakiramdam ko rin ay natuod ako sa aking kinatatayuan. Kahit si Zacheus ay naramdaman kong natigilan dahil sa sinabi ng haring kaharap namin.

"W-what do you mean?" I asked even though I already have a suspicion. He looked at my eyes with amusement before he plastered a grin.

"Didn't know you forgot things easily, Soraia. Do you want me to do it again so you will remember?" He beseeched.

Hindi ako nagsalita. Kumuyom ang aking kamao habang pinipigilan ang sariling gumawa ng kahit ano. This fucking bastard almost killed me! How dare him!

"I hope you die," I whispered, enough for him to hear. Mas lalong lumawak ang ngisi niya sa akin ngunit tila may laman iyon. Hindi ko alam ang ibig sabihin sa likod ng mga ngisi niya ngunit nang maramdaman kong sumisikip ang aking dibdib habang tila lumulutang ako ay saka ko napagtantong binabalak na naman niya akong patayin.

Pero hindi ako papayag na magtagumpay siya. If sacrificing my life just to save this world is a must, then I will willingly give it. Pero sisiguruhin ko ring lumaban ako nang ayos, para may saysay ang pagsasakripisyo ko.

"Soraia!" Rinig kong sigaw ni Atlas at Zacheus. I tried to look at them, and I saw Zacheus forming an electric ball in his hand before releasing it to the King. Walang buhay na inilagan lamang iyon ng hari kahit pa hindi ito nakatingin kay Zacheus. Sa tingin ko ay konsetrasyon ang ginagawa niya para mapalutang ako at masakal.

Tale 1: A Royal's Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon