Kabanata 8
Mission
This is the day. Ang araw kung kailan kami pupunta ng bundok ng Olympus. Hindi ko na kailangan pang pumunta ng mag-isa do'n dahil kasama pala nila ako sa mission, kaya naman hindi na rin ako mahihirapan pa.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin bago kinuha ang dadalhin kong bag para sa paglalakbay. As a businesswoman, sanay ako sa nga ganitong paglalakbay lalo pa at nagkakaroon ng activity ang kompanya at kasama doon ang hiking. I'm not new to this.
Nang makalabas ako ng kwartong tinutuluyan ko ay awtomatikong tumaas ang isang kilay ko nang makita ang nakasandal na si Zacheus sa pader sa harap ng pinto.
"Kahit kailan talaga ay napakabagal mo kumilos. Tara na," aniya kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Who told you to wait?" Seryosong tanong ko dito na ipinagkibit balikat lamang niya. "Tsk." Huling sabi niya bago naunang lumakad.
Madaling araw kami magsisimula ng paglalakbay dahil anila ay hindi dapat kami abutan ng pagkagat ng dilim sa daan.
Sumakay na kami ni Zacheus sa pegasus at mabilis itong pinalipad patungo sa may lawa malapit sa Elysium. Pagdating doon ay nakita kong kumpleto na ang mga ito at kami na lamang dalawa ang hinihintay.
"Soraia!" Impit na sigaw ni Xylene at mabilis akong niyakap pagkababang pagkababa ko pa lamang ng pegasus. Inalis na rin naman niya ang yakap at saka tiningnan si Zacheus.
"Ang tagal n'yo, huh! Kanina pa kaya kami dito, lalo na si Claude. Hmp." Ani Xylene na parang nagtatampo. Tatawa tawa namang lumapit si Zhiya at saka hinila palikod si Xylene.
"Don't mind her. Kadarating lang din namin, well, except Claude haha." Yumakap din siya sa akin at pagkatapos ay kay Zacheus na hinalikan pa nito sa pisngi. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mamula mulang tenga ni Zacheus kahit pa medyo madilim ang paligid dahil hindi pa sumisikat ang araw.
"Let's go," malamig na sabi ni Claude at nagsimula ng maglakad patungo sa may gubat. Sumunod na rin kami sa kaniya at tahimik na naglakad, maliban kay Xylene na hindi matigil ang bibig sa kakukwento.
"Alam mo ba, Soraia, na ang Elysium ang may pinakamagandang kaharian sa buong Celestial World? Hindi mo alam 'no? Hindi kasi sinasabi sayo ni Zacheus!" Sabi niya sa akin at saka inirapan si Zacheus na kumibit balikat lang.
Ngumiti na lang ako sa kaniya ng tipid at nakinig sa sinasabi niya. "Ang Elysium kasi ay parang paraiso. Napupuno ito ng mga bulaklak na dito lamang makikita at pati na mga kakaibang hayop. Kung ang Celestia ay may Carson Forest tapos Eutopia ay may Brist Woods at ang Thabitra ay may Twine Forest, ang Elysium naman ay may Elysian Paradise! Elysian Paradise talaga ang gustong gusto kong lugar sa buong Celestial World. Sobrang ganda ng paligid!" Namamangha at proud na proud na sabi niya.
"You're over-reacting, Xylene." Malamig ang boses ni Claude nang sinabi niya iyon.
"Hindi kaya! Maganda talaga ang Elysium! 'Di ba Soraia?" Baling niya sa akin. Napatigil naman ako sa paglalakad gano'n din ang iba pati na si Claude na nauuna. Wala akong choice kundi ngumiti ng bahagya at saka siya tanguan. May sinabi pang kung ano-ano si Xylene ngunit hindi ko na iyon napagtuunan pa ng pansin dahil sa malamig na titig na nanggagaling kay Claude.
Hindi rin naman nagtagal ang titigan namin ni Claude dahil biglang nagsalita si Zacheus. "We should continue. Malayo pa ang lalakbayin natin at paniguradong aabutan tayo ng dilim kung hindi tayo magmamadali."
Nagpatuloy kami sa paglalakbay at nadaanan namin ang kaharian ng Elysium. Tama nga si Xylene. Maganda ang Elysium dahil mukha itong paraiso. Ang kaharian ng Elysium ay kulay berde na may halong ginto at napalilibutan ito ng mga vines at bulaklak. Nag-go-glow ang mga ito at may mga fairies na lumilipad sa bawat palibot ng kaharian. Hindi ko pa man nakikita ang ibang kaharian ay pakiramdam ko ay sumasang-ayon na ako sa sinasabi ni Xylene. This is so magical at ngangayon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar sa tanang buhay ko. This is beyond beautiful!
BINABASA MO ANG
Tale 1: A Royal's Tale (COMPLETED)
FantasySoraia, the world's biggest competitor in terms of business. A businesswoman who has a blood of royalty. The woman who is said to be the savior. Her journey starts when she found out that the wardrobe her mother gave to her was surrounded by magic...