Kabanata 7

336 20 0
                                    

Kabanata 7

Royalties

Isang linggo na ang nakaraan simula ng magpunta kami ni Zacheus sa Academy. Naayos na ang building na nasira na gawa ng isang elementalist at binigyan naman ito ng parusa na naaayon sa bigat ng kasalanang ginawa niya.

Sa loob ng ilang araw na pananatili ko sa palasyo, inuubos ko lamang ang oras ko sa pagbabasa sa library nila. Humanap na rin ako ng mapa ng buong Celestial World nang sa ganon ay mapuntahan ko na ang sinasabing Wizard ng matandang nakausap ko sa shop.

Kasalukuyan akong nasa garden ng palasyo ngayon at pinagmamasdan ang leon na nakatayo sa fountain. Pakiramdam ko ay may kakaiba dito dahil nakatingin ito sa direksyon ko na tila pinapanood ang ginaagawa ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa isa sa mga batong upuan na nasa hardin at naglakad patungo sa fountain. Katulad ng una kong kita dito ay lumiliwanag ito.

Nang makarating sa harap ng leon ay nakipagtitigan ako dito. Nang akmang hahawakan ko ang mukha nito ay siya namang pagtawag ng kung sino sa pangalan ko.

"Soraia." Humarap ako sa taong tumawag ng pangalan ko at sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Zacheus.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito. Tinitigan ko pa ito ng ilang segundo bago huminga ng malalim at umiling.

"Wala. May titingnan lang sana ako," sagot ko dito. Naglakad na ako patungo sa may direksyon niya at akmang lalampas na ako sa kaniya nang hawakan niya ang braso ko, dahilan para matigilan ako sa paglalakad.

"Maghanda ka. Dadalhin kita sa Orion," aniya na siyang nagpakunot sa aking noo.

"Orion? Saan 'yon at bakit?" Binitawan niya ang aking kamay at humarap sa akin.

"Ang Orion ay ang meeting place o hideout ng aming grupo na dati kong kasama noon sa academy. Malapit ito sa lawa ng Elysium. At kun bakit, malalaman mo rin pagpunta natin do'n. Bilisan mo. Hihintayin kita sa labas ng palasyo," aniya at naglakad na paalis. Wala akong nagawa kundi tingnan na lamang siya ng masama at iiling iling na pumasok sa loob ng kastilyo.

***

Nang matapos akong makapagbihis ng isang komportableng damit ay nagtungo na rin ako sa labas ng palasyo. Nadatnan ko doon ang bugnot na itsura ni Zacheus na nakasandal sa isang puno.

"Ang tagal mo," reklamo niya na siyang inirapan ko lang. Parehas naming ni-summon ang pegasus na siyang ginamit namin noong nagpunta ng academy at sabay iyong pinalipad.

Hinayaan kong mauna ng kaunti si Zacheus sa pagpapalipad ng pegasus dahil hindi ko naman alam kung saan kami papunta.

Mula sa taas ay kitang kita ko ang kabuuan ng Celestia. Kitang kita mula dito ang bayan, gubat at ang academy.

Lumampas kami sa academy at napansin ko ang puro punong nadadaanan namin. Kita ko sa 'di kalayuan ang isang tila kumikislap na lawa at sa paligid nito ay mga puno at bulaklak.

Nagmistulang isang paraiso ang buong lugar dahil napapalibutan ito ng namumukadkad na mga bulaklak. Pansin ko rin ang mga tila maliliit na kung ano na lumilipad sa paligid.

Nang bumaba kami ni Zacheus sa gilid ng lawa ay halos mamangha ako nang makitang mga maliliit na fairy ito. Napansin ko ang ibang fairies na may isinasaboy sa mga bulaklak na siyang nagpapabukadkad nito. Manghang mangha ako sa paligid ko na hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako.

"You're smiling," puna ng kasama ko na muntik ko ng makalimutan. Agad ko siyang tiningnan nang masama at ang kaninang nakangising mukha niya ay napalitan ng isang pilit na seryosong mukha. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano niya pinipigilan ang paglabas ng ngiti niya. Inirapan ko na lamang ito at muling ibinaling ang paningin sa mga lumilipad na fairies.

Tale 1: A Royal's Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon