...
I.
Hindi madali ang maging matanda, minsan maiisip mo sana'y nanatili ka nalang batasa pagiging bata kung saan ang paglalaro ang inaatupag maghapon
walang kaso kahit ikaw ay madapa, sapagkat sa ganitong uri ng sakit ay masasabi kong
walang wala kumpara sa hapding dinadanas mo sa kirot na dulot niya,
ngunit Okay lang na kahit sobrang sakit, ay nakukuha mo paring ngumiti
upang matakpan ang pighati na sabihin na nating kayang ikubli ng iyong mga labi
ngunit hindi ng mga mata, na siyang nagpapakita ng malinaw na teorya kung sino ka
kung bakit sa larong tagu-taguan ay mas pinili mong maging taya.
II.
tama ka ikaw ang taya, sitwasyong mahirap pakisamahan lalo na kung pakiramdam mo ikaw ay naghahanap sa wala
naghahanap ng mga posibleng mataya, pero sa takbo ng buhay hindi ito basta basta taguan
bagkus ito ay isang serye na dapat mong pakitunguhan
mga taong susubok sa iyong tibay at katatagan
maaring ikaw yung tipong mabilis mapanghinaan at uupo na lamang sa isang tabi
at sasabihing "ayoko na" "suko na ako" "lumabas na kayo"
at sila ay tatawa at sasabihing ikaw ay talunan, kahit ang totoo ay hindi mo na nais pang mahirapan
Oo, tama ka hindi ikaw yung tipo ng taong pinaglalaruan.
III.
pero kaibigan hindi ka isang musmos upang mapanghinaanikaw ay isang taong may pagkamaygulang, kung kaya't marapat na iyong maintindihan
na ang sitwasyon ng iyong buhay ay parang tagu-taguan, marahil ikaw ang taya at pinagkakaisahan
na sa bilang ng isa hanggang sampu ay ang sandaling ikaw ay nakapikit
walang kaalaman sa nangyayari sa iyong gilid, tila isang bulag na salat sa detalye ng paligid
pero huwag mag-alala dahil darating din ang punto na ika'y didilat na
at sa pagdilat na ito ay posibleng malaman mo kung nasaan sila
kung kaya't talasaan ang mata dahil ang Mundo ay punong puno ng mga taong mapagsamantala.
IV.
hanggang dumating sa punto na kayo ay nagkasawaan
nagkayayaan ng ibang larong mapaglilibangan, larong mas nakakapagod kumpara sa taguan
na kung hindi ka mabilis paniguradong ika'y mapagiiwanan, tumpak ito nga ang habulan
tulad ng ikaw sa kasalukuyan na naghahabol sa mga taong ika'y tinatakbuhan
pinipilit maabot ang atensiyong kahit kailan ay hindi ikaw ang naging tuon
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Tagalog )
PoetryAng mga tulang aking ginawa ay patungkol sa iba't ibang aspeto ng buhay kung saan naglalaman ng mahahalagang aral at "huGoat" sa buhay . Hindi lamang para sa iyo kundi para lahat kung paano mo maikakapit ang mga aral na ito sa iyong sarili at sa iyo...