Hello guys sa tinagal tagal ngayon lang ulit ako naka pag publish, sobrang busy sa work at the same time minsan wala ng oras sa sarili, but this time gumawa ako ng tula para sa aking Special someone <3---
I'm just happy na masaya na ulit ako sa tinagal tagal ng paghihintay dumating din siya, soon magkikita rin kami <3
ang tulang ito ay hindi lamang naglalaman ng pagmamahal ko sa kanya, kung hindi ang aral na sana ay tumatak sa ating isipan
--
*na hindi indikasyon ang distansiya para sumuko ka, bagkus ito ang magpapatunay na paglayuin man kayo ng mga hangganan at karagatan di nito matutumbasan ang pag-ibig na dalisay para sa isang taong iyong pinakaiingatan*I.
Sabi nila ang pag-ibig daw ay bulag
ngunit akalain mong nakita kita?
sa layo ng distansiyang
namamagitan sa ating dalawa
natagpuan kita, sa panibagong yugto.
at sa paghawi ko ng
panibagong pahina
hindi manghihinyang bumalangkas ng
istorya lalo na't kung
ikaw ang kasama aking prinsesa.II.
diko parin malilimutan
ang unang gabi, mga oras
na tayong dalawa ay nagkakila
sa social Media
sa simpleng pag accept
nagsimula ang istorya
hanggang sa ako'y bumati
di maipaliwanag
ang ngiti sa aking mga labi
sadyang di ako mapakali kung ano
ang iyong masasabi
sa aking pag pagpapansin
Binibini <3III.
hanggang sa tayo'y
naging magkaibigan
napagusapan ang mga bagay
kung saan tayo may hinanakit
at nahihirapan.
hindi ko lubos akalain na mabibihag mo
ang puso kong pihikan,
sa bilis ng pangyayari ay nais na kitang ingatan
hawakan, yakapin at sabihing
pwede bang ikaw nalang?
dahil kung oo ang sagot mo
Mahal, ora mismo
mamahalin at iingatan ko ang tulad mo.IV.
at tila isang himala
ang buong katawang lupa ko
ay hindi makapaniwala,
ng aking makita na ikaw mismo
ang nais mag-ingat sa isang gaya ko
isang gaya ko na hindi naman gwapo
pero kaya kang mahalin
higit sa nagagawa ng ibang tao,
isang gaya ko, na handang ibigay ang puso ko
sa isang tulad mong
kayang mahalin at ingatan ang tulad ko
isang gaya ko, na hindi lang sa una
magaling bagkus
binibini ikaw ay mamahalin
at araw araw kang pipiliin.V.
lumipas ang mga araw na kay saya
tila ayoko ng matapos pa ang
mga sandaling sa atin ay nagpapasaya
nagdudulot ng ngiti,
sa labi ng bawat isa
mga biruan na parang nagliligawan
tila mga paro-parong
naghahabulan sa madilim
ngunit nagliliwanag na buwan.
ang boses mong naging musika
na hinahanap ng aking tainga
diko na nais pang mawala,
ang ganitong pagkakataon na kasama ka.VI.
ngunit hindi natin maiiwasan,
na sa isang relasyon ay
magkaroon tayo ng alitan,
ginagamay ang kahinaan at kalakasan,
dahil sa pag-ibig kailangan nating malaman
na hindi lang puro saya o kilig ang
pwede mong maranasan.
maari tayong magkainitan,
o di kaya'y magkasumbatan
sa galit ng dalawang nagmamahalan
nakakalimutan na nilang sila
ay nagiibigan,
dalawa tayong magkalayo,
ngunit magkadikit ang puso.VII.
Sa malupit na Mundo
at di maintindihang sistema ng tao,
napakapalad mo kung makahanap ka
ng taong totoo at magpapahalaga sayo.
na kahit galit ka,
na kahit naiinis ka
na kahit ganyan ka
at kahit hindi mo malaman
kung ikaw paba ang nagsasalita
ay iintindihin ka niya,
at ibubulong niya sayong
"tama na, Mahal na mahal kita"VIII.
kung kaya't ng dumating ka sa buhay ko
Jane Cathleen Mallo
napagtanto ko
na masarap pala sa pakiramdam
mahalin ang taong mahal ka rin.
ikaw at ako, tayo ay magsasama rin
sa panahong walang takda
nais kong makasama ka
hanggang sa pagtanda.
tatawanan ang mga naging problema
at alalahanin ang unang
araw ng ating pagkikita.
dalawa man tayong magkalayo
ngunit puso natin ay magkasundo
dalawa man tayong magkalayo
pagmamahal ng bawat isa ay buo.IX.
Hindi hahadlangan ng oras at distansiya
ang pasensya ng isa
sapagkat araw-araw ay sasamahan kita
sa saya
maging sa kalungkutan
o di kaya sa kabagabagan,
kung pakiramdam mong nag-iisa ka
at parang walang gustong dumamay sayo sinta
nandito ako,
ang pareha ng iyong puso
na kahit malayo
ay iibigin ka ng buong puso.
ikaw at ako, tayo
dalawang magkalayo
ngunit magkadikit ang puso.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Tagalog )
PoetryAng mga tulang aking ginawa ay patungkol sa iba't ibang aspeto ng buhay kung saan naglalaman ng mahahalagang aral at "huGoat" sa buhay . Hindi lamang para sa iyo kundi para lahat kung paano mo maikakapit ang mga aral na ito sa iyong sarili at sa iyo...