Ang Kastilyong Hagdanan

54 2 0
                                    

----
Ito ang tulang ginamit ko sa pampaaralang patimpalak na may paksang "Growing with society creating change"
--
sa tulang ito nasasalamin ang kinakaharap nating kalagayan sa kasalukuyan

....

I.

uupo, kasabay ng iyong pagdating 

ay ang aking pagtayo 

upang ikay' puntahan,lapitan at upang masabihan 

o kung ika'y nasa kalagayan 

maari mo akong maka kwentuhan,

tungkol sa iba't-ibang isyung kinakaharap ng ating lipunan,

lipunan, tila isang kastilyong hagdanan

kung nais mong umakyat

di ako magaatubiling ang isang tulad mong naliligaw

ay samahan.

II.

Samahan, sa rutang may tuwid na daan

mga katanungan, sa iyong isipan

na kung ika'y nagtataka, 

napapaisip kung saan ka nga ba pupunta

walang masabihan, walang matanungan ng 

mawalang galang, 

Ate / kuya, Lolo / lola 

nasaan po ba ang tamang daan?

nasaan po ba ang daan ng isang lipunan

kung saan binalangkas ng

matitibay na pagkakaisa at di matatawarang

pag-asa, pag-asa na siyang naging simulain 

tungo sa pagunlad hindi lamang ng lipunan

kung hindi ng bawat isa.

III.

kung kaya't kaibigan huwag ka nang mabalisa

sapagkat ang iyong hinahanap 

ay abot kamay mo na

kailangan mo lamang ihakbang ang iyong mga paa

isaisip na hindi ka nag-iisa

kasabay mo kami sa mga tunguhin

at mga hakbang, hakbang sa bawat baitang 

ay isang pakikipagsapalaran 

nag-aalalang madapa o di kaya'y

matisod ang iyong mga paa,

mga problema na bumabagabag sa isa

huwag mo sana isiping ikaw ay nag-iisa 

IV.

sa Mundong napakaraming nais mapag-isa

wari'y ikaw ang isa na hindi na nais pang mapasama

sa magulong sistema ng isa 

na siya at ang kanyang mga kasama ay ang 

dahilan kung bakit ang lipunan na tinatawag niya

ay hindi maituturing na tahanan

bagkus ay isang kulungan 

na napakaraming kakulungan

na may nakasentrong iisang sistema

nakapiring na mga mata, tikom ang bibig

at ang mga nakagapos na paa.

hudyat na walang pag-asa at pagkakaisa.

V.

ngunit ng masumpungan ang ligaya

Oo, sapagkat sa kastilyong hagdanan tayo ay pamilya

isang lipunan na parating nagkakaisa 

sa sakuna man o sa panahong ng sagana

Kastilyong hagdanan, na isang lipon ng mamayan 

na handang magdamayan.

Kastilyong Hagdanan, binuo ng mga piraso 

ng pag-asa upang makabuo ng mga pangarap

na mabisa.

kastilyong Hagdanan, 

Oo, Kastilyong maari mong matakbuhan

hindi na mahalaga

kung ano ang antas mo sa lipunan.

VI.

Ang mahalaga sa akin, Ang mahalaga sa amin

ay ang angtas ng ating pagkakaibigan 

ang tibay ng bawat samahan 

Oo, ikaw ay nasa kastilyong hagdanan

aabutin hanggang sa pinakaamataas na baitang

minsan ay nahihirapan, ngunit hindi ka nag-iisa

sapagkat tayo ay iisa, bubuo ng mga pagbabago

na may iisang tunguhin, adhikain at misyon

na sama-sama nating haharapin

uupo, titingin upang sa aki'y magpasalamat 

na iyong napagtanto

na ang isang lipunan tulad ng kastilyong hagdanan 

ay matuturing na isang kaibigan.

Ps: Thanks sa nagbasa I hope na may napulot kayong mhga punto na makakatulong sa inyo
PPS: ginamit ko to sa contest mga pips

Ang Lipunan ay isang lipon ng mamayan na nagtutulungan at hindi nagplaplastikan,
kung kaya't ikaw sigurado kaba sa iyong pinasukan?

Spoken Word Poetry ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon