Ang tunay na Mukha ng isang Manunulat

125 2 0
                                    

Sa buhay ng isang manunulat? ano nga ba ang tunay na kalagayan nila?

masaya nga ba ako? o may dahilan paba para sumaya?

...

I.

Sa mga nagdaang sitwasyon sa aking buhay marahil ay hindi narin nakakapanibago,
kung ang isang gaya ko ay kakikitaan ng tamlay
tamlay na hindi mo makikita sa akin,
sapagkat ako'y nakangiti sigla na para bang walang dinadalang problema.
kasama ang kaibigan, kasama ko rin ang bigat na minsan ay sinubukan kong panghawakan
kahit sobrang hirap
ngunit tandaan na isa akong manunulat na sa likod ng matatamis at mabubulaklak na salita
ay ang masasakit na sugat na unti unting nagpapamulat
sa hindi maalis na mga pilat

II.

pilat ng kahapon, na unti unting humihilom
sa bawat paglakad kasabay ng aking pagsulat,
kung dimo ako kilala, mas mabuti nayon kaibigan
nang sa gayon ay makita mong masaya talaga ako
kahit na hindi totoo.
mas mainam na makita mo akong nagbibiro
kaysa ang makitang mong binibiro ako ng sarili ko.
isa akong manunulat kaibigan yan ang iyong pakatandaan
isa sa mga bagay na kailangan mong maintindihan
ang depinisyon ng aming nararamdaman.

III.

mga sandaling kausapin mo ako
at tanungin kung Okay ka lang?
isa sa pinakamagandang bagay na nagawa mo sa araw nato
dahil bilang isang manunulat mas pinipili na lamang namingtumawa
kaysa ang magdramangumiti kaysa ang sabihin sa lahat ang aming problema
ituon ang atensiyon sa mga bagay na masaya
dahil sa totoo lang,
Sobrang hirap ng mag-isa
isipin napapasaya mo sila
ngunit sa kabilang bandaikaw ay umiiyak
dahil pakiramdam mo'y dika mahalaga.

IV.

Kaibigan isa akong manunulat,
bagay na hindi maiintindihan ng lahat,
nais ko lang naman sumaya at makaramdam ng kaaliwan
baka naman may dala ka diyan kahit konti kaibigan
at iyong mamarapatin ako sana'y iyong bahagian
bahagiaan ng saya mga matatamis na ngiti na umabot hanggang tenga
at kinang ng mata na nagpapahiwatig ng tunay na saya
dahil sa paglipas ng panahon masyado na akong napagod
sa pagkukunwaring ako'y malakas
isang manunulat na ninais ikubli ang kanyang sarili sa likod ng mapapait na rehas.

V.

Ang tunay na mukha ng isang manunulat
tama ka kaibigan,
sapagkat dimo makikita kung hindi mo titignan
nagpapadala sa agos ng kasiyahan,
ngunit ang isa ay nalulunod na sa labis na kalungkutan.
ngunit may dahilan pa para sumaya kaibigan,
kung kaya't ako'y naririto, pilit na iniintindi mga bagay na sobrang tindi
na bakit ako magiging malungkot,
kung may dahilan pa para sumaya
bakit ako mapopoot,
kung ang pag-ibig ng Diyos ay labis na nanunuot
kung kaya't walang dahilan para mayamot
may dahilan pa para sa tunay na saya.

VI.

mukha ng manunulat,
Oo kaibigan parte kung saan mahihirapan kang isulat
ang tunay na sinasambit ng kanyang pabalat
ngunit masisisyahan naman kung iyong mababasa ang kabuuan ng aklat
sapagkat ako yung tipo, na hindi gwapo
pero misteryoso ang siyang ulat.
kung kaya't huwag kang mag-alala kaibigan
sa kung ano ang sa ngayong estado ng aking nararamdaman
sapagkat sa ngayon ay unti unti ko nang hinahanap ang kasiyahan
kahit mahirap sapagkat aking napagtanto
na wala na akong oras para sa kalungkutan.

VII.

kalungkutan na labis nagpabaha sa aking higaan
kalungkutan na siyang dahilan kung bakit basa ng luha ang aking unan
kalungkutan na minsan ko ng pinakisamahan
kung kayat ang aking buhay ay tila isang sorbetes kung titignan
mukha lang matamis at puno ng kasiyahan
ngunit sa isang banda ito ay nakaangkla sa apang matabang at walang lasa.
kasiyahan na pinilit kong hanapin kahit saan
ngunit sa katulad na paraan ang lahat ng mga ngiti
ay may kapalit na labis at di malilimutang karanasan.

VIII.

at sa katulad din na paraan
ay ang indikasyon upang masumpungan ko ang salitang kasiyahan
na sa kabila ng mapagkunwaring mukha ng isang manunulat
ay ang tunay na ngiti
na minsan mo lamang masisilayan
ako'y isang manunulat na may iisang pangarap
yoon ay ang magkaroon ng tunay na kasiyahan
kasama ang aking mga kaibigan
at ang mga taong walang sawa upang ako'y mabigyan ng kaaliwan

IX.

sa buhay ng isang tao hindi lamang sa akin
na isang manunulat
kailangan mong malaman na walang masama sa pag-iyak
bagkus isa itong senyales na ikaw ay buhay
Oo, magmula nang ika'y sanggol katunayan ito na ikaw ay buhay
at may pandama
huwag mo sanang hayaang lamunin ka ng problema
at ang ideya ng pagsosoot ng maskara
upang maging kaaya aya sa mata ng iba
hindi ka man isang manunulat, pero tao ka upang mamulat.

Ps: sadyang madrama lang itong writer niyo ngayon

PPs: Goodluck sa mga Couple stay strong

utut HAHAHAAHHA !

Spoken Word Poetry ( Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon