HATASHI’S POV
Ang pamilya naming ay kilala sa buong China at nasa dugo naming ang maging isang monghe.
Nakatira kami sa templo ng Yell na nakalugar sa pinakataas ng bundok kung saan tanaw mo ang buong bayan.
Dito sa lugar namin, sa templo ay may mga batas na dapat sundin. At kapag nasuway o nalabag ang batas ay may kaparusahan sa iyo.
Una sa batas naming ang “Bawal Umibig sa isang mababang tao o ordinaryong tao na walang kapangyarihan o kakayahan.” Dahil daw kapag napaibig ka sa taong ordinaryo o walang kapangyarihan masisira daw ang reputasyon namin at mawawalan kami ng focus dahil mga panira lang daw sila sa amin.. sa atin.
Ako si Hatashi ng templo ng Yell, isa ako sa mga napamanahan maging tagapagbantay.
Binata pa lang ako sinasali na ako ng magulang ko para maging tagapagmana, dahil sa madami na ang angkan naming ay kailangan pa kaming piliin at ihantong sa mga iba’t-ibang pagsubok.
May kapatid din akong lalaki. Yuri ang pangalan niya isa din siya sa napil. Ang sabi ko nga sa mama ko na si yuri na lang kahit ako ang pinakapanganay pero kailangan daw lahat ng lalaki ay makasali lalo na at kasama ako sa angkan. Pareho kaming 17 ni Yuri matanda nga lang ako ng buwan. Pilyo din itong kapatid ko, mana sa akin e hehe. Palibhasa hindi siya nakakalabas ng templo dahil bawal talaga kaming lumabas. Pero ako patagong pumupunta sa templo.
Ewan ko nga kung bakit hindi nila ako nahuhuli. Mga mang-mang. HAHAHAHA.
Kapag nagpupunta ako ng bayan nagbabalat-kayo lang ako para hindi ako makilala. Tulad ngayon pupunta na naman ako ng bayan dahil may kasiyahan doon. Ito na naman ako sa pagbabalat-kayo.
"Bili na kayo masarap ito." sabi sa akin ng tindera.
"Salamat na lang ho."
Naglakad-lakad na lang muna ako at tingin-tingin lang sa paligid.
Ang ganda-ganda talaga dito. Pero bakit hindi nila kami hinahayaang makalabas kapag may mga ganitong okasyon? -_____-"
May nakita akong magandang palawit.
Paborito ko dragon.
Kaya nilapitan ko na... Kaso pagkahawak ko may babae din na hahawak.
"Miss bibilin mo ba?" tanong ko
*nod* *nod* lang siya
"Sige sa iyo na." nginitian niya lang ako. Kaya ngumiti din ako.
Pipi ba siya?
Ang ganda niya pa naman. Sayang. -____-+
Nagstay muna ako doon ng mga 5 min. Hinintay ko talaga siya magsalita pero kahit kausapin siya ng tindera hindi siya nagsasalita. Tango at ngiti alng ang ginagawa niya samahan pa ng mga hand gestures.
"Alam mo ba kung anong ibigsabihin ng dragon na iyan iha.?" sabi sa kanya ng tindera.
Napatingin ako sa kanya at nagkibit balikat lng siya sa ale.
"Ang ibigsabihin niyan ay true love or soulmate."
Nanlaki lang ang mata niya at tinitigan ang hawak na keychain.
Napatingin siya sa pwesto ko kaya umiwas na ako ng tingin at naglakad na palayo.
Naglibot-libot ako ulit baka sa kaling may makita akong keychain na kaparehan nung kanina
Lakad.......
Lakad......
Lakad....
"Uhmmmmm!!!" sabi ng nabunggo ko
BINABASA MO ANG
Yakusa Hatashiro (The Forbidden Love)
FanfictionA story of two lovers that one of them will sacrifice love for the sake of his/her true love.