CHAPTER 5

62 2 0
                                    

Hatashi's POV

Ang saya kahapon.. :))

Kasama ko ang taong mahal ko.

Kahapon, kami lang dalawa ni Andy na naglilibot sa bayan at bumili kami ng keychain na magkadikit. Parang yung unang kita ko sa kanya dahil sa keychain. Haha napagkamalan ko pa nga siyang pipi e kasi hindi nagsasalita.

Nahawakan ko din ang kamay niya ng matagal.

Ang lambot at ang kinis pa.

Habang naglalakad kami, magkahawak kasi kami ng kamay. Hindi ko alam kung bakit hinawakan niya kaya naman hindi na ako pumalag. ^______^

Kapag ba hinawakan na niya kamay ko ng matagal mahal niya din ba ako? Ano? Sagot kayo?!

FLASHBACK

"Hatashi tara sakay tayo sa cable car!!!" aya niya sa akin.

".............." ako no comment -____-

"Sige na please! Please! Please!" Andy

"Wag na lang diyan. Tara na sa iba na lang."

"Eh gusto ko dito eh!! Pangarap ko kayang makasakay dito!! Sige na!!!!!"

"O-oo na nga sige na." ako

Ang totoo takot ako sumakay sa cable car dahil namatay ang papa ko dahil diyan.

Umakyat na kami sa taas.

 "Yes! Nandito na tayo! Tara na!!" sabi ni Andy.

Tuwang tuwa naman siya...

Biglang nanigas ang paa ko. Ayaw kong pumasok sa loob..

"W-wag na lang Andy."

"Ano ka ba! Halika na naandito na tayo." hinatak niya ako papasok sa loob at tumakbo naman ako sa sulok. Nakakainis parang hindi tuloy ako lalaki sa kilos ko bwisit!.

"Hahahaha! Ano ka ba? Lalake o babae?"

"HOY LALAKE AKO AH!"

"Eh bakit ka naandiyan? Halika nga dito umupo ka sa tabi ko."

Umiling lang ako..

"Wag ka ngang matakot! Paano mo to maeenjoy na kasama ako kung naandiyan ka lang sa sulok?" Andy

Hinatak na niya ako paupo sa kanya.

"Bakit ba takot na takot ka?" tanong niya sa akin.

"Dahil namatay dito si papa kasama ako."

"............." Andy

Hmp. Speechless siya?

"Sorry."    (__.__) siya

"Okay lang atleast parang nalalabanan ko na yung takot ko ng dahil sayo."

(^_______^) siya

 END OF FLASHBACK

Pagkatapos naming sumakay nun, kumain naman kami.

Ang dami niya ngang kinan eh. Lahat ng madadaanan namin na may tindang pagkain bibili siya.

Pati yung bawal na pagkain para sa kanya kinain niya din.

FLASHBACK

"How much ?" Andy

" 5 "

"Okay I'll take two squids" Andy

Tapos binigyan siya ng tatlo dahil daw ang ganda-ganda niya.

Sakanya lahat yun. Hindi naman ako kumakain nun bawal.. Haist! Ayan na naman yang bawal na yan!!!!!!

"Alam mo ba Hatashi, allergic ako dito." sabi niya habang ngumunguya.

"OH?! AKIN NA NGA YAN!!" kinukuha ko yung stick pero nilalayo niya naman.

"WAG KA NGA!! MASARAP EH" Andy

"Bawal pala sa iyo pero kinakain mo pa din!!!" Ako

"TSK. Paano mawawala sa iyo yung allergy mo kung binibigyan mo ng special treatment? Hindi masasanay ang katawan mo kung bine-baby mo lang."

"..........." ako

"Dapat kung bawal pero gusto mo ipaglaban mo kung sa tingin mo ay tama at makabubuti sa iyo. Tandaan mo yan Hatashi."

"........." Ako

"AAAAAHH--...." ako

Paano kinurot ako sa gilid

"HOY NAKIKINIG KA BA!!!!???"

"Oo nakikinig ako wag kang sumigaw!"

"Tara bili tayo maiinom"

"Okay"

END OF FLASHBACK

Ang kulit lang ni Andy pero masaya siyang kasama.

Ngayon? Hindi kami magkikita ni Andy dahil sabi niya pahinga muna daw.

Pero wala akong magawa ngayon...

Nagpunta na lang ako sa favorite place ni Andy. Parang favorite ko na din ito.

Matagal na panahon na din kami palaging nagkakasama ni Andy...

Ano na gagawin ko? Talagang nahuhulog na ako sa kanya...

Ano kaya kung aminin ko na ang nararamdaman ko? Agree ba kayo?? Tulong naman oh!! PLEASE

Baka mahal niya din ako diba? Ano sa tingin niyo? Mag comment naman kayo..

Paghahandaan ko talaga tong gagawin kong pag amin sakanya.

Ang gumugulo lang sa isip ko ay bakita ayaw niyang ihatid ko siya sa bahat nila...

Gulo niya pero mahal ko siya yun ang hindi magulo..

_________________________________________________________________

A/N:

Whats up guys?

Sorry at napaka sobrang tagal kong mag UD. Problem sa pc eh tsaka writer's block. Hirap!! >.<

Nasaan na ba yung mga readers ko dito? Nawala na haaayy (__.__)

Ibabalik ko kayong lahat.. Next UD ko POV ni ANDY.. Malalaman niyo na yung iba kung bakit ganoon, kung bakit ganito...

Sorry talaga ha..

Please leave a comment. Thanks.

Love ko kayong lahat! :')

Yakusa Hatashiro (The Forbidden Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon