WIS[14]
Extra Chapter
Karen's POV
Wants you to know that every time I take a breath, every time my heart beats, I think of you. I am helplessly in love with you...
Ang hirap pala ng ganito.
Yung tinatago mo yung feelings mo para sa isang tao.Nagpapakatanga ka para sa kanya,pero lahat ng effort mo nasasayang lang,binabalewala niya,kasi may mahal na siya.
Ganito ba ako katanga?.Yung halos maubos na ang oras mo,para lang sa kanya.Yung halos maubos na ang pera mo maibigay mo lang ang gusto niya.
Bakit ganun?.Kinalimutan ko na nga yung taong tunay na nagmamahal sayo para lang sundin ang tinitibok ng puso mo,para lang mahalin ang taong minahal mo na binalewala lahat ng effort mo.Ngayon naman,kung kelan natutunang mahalin,saka ka iniwan.Bakit tayo pa ang nasasaktan?.Bakit tayo pa ang napupuruhan?.
Pag-ibig nga naman.Sadyang mapaglaro.Bakit kasi nasasaktan tayo dahil lang sa love na yan?.Akala ko,Sa PAGMAMAHAL,WALANG NASASAKTAN,KASI PAGMAMAHAL nga eh,diba?.Pero bakit ganun?.Ikaw na nga ang nagmahal,ikaw pa ang nasaktan.
Minsan nga naiisip ko,ano ba ang dapat kong sundin?,ano ba ang mahalaga?.Ang puso na madaling masaktan?o ang utak na madaming alam?.
One day,habang nasa kwarto ko ako.Umiiyak ako.Para kasing nagtatalo ang lahat ng parte ng katawan ko.
Sabi ng utak ko,"Madami pang lalaki diyan sa mundo."
Sumagot naman ang puso ko,o"pero hindi sila ang gusto ko ;("
"Ikaw naman mata.Wag mo siyang iyakan dahil lalaki lang yan!"utak.
"Oo lalaki lang siya.Pero...pero hindi mo naman kasi alam ang nararamdaman namin eh.Nag-iisip ka lang pero hindi ka nagmamahal"sagot ni mata.
"Ikaw naman katawan,kumilos ka.Para maipamukha mo sa kanya,na kahit wala siya,kaya mong mamuhay sa mundong ginagalawan mo."galit na sabi ni utak.
"Eh,sa hindi ko kaya eh!"katawan.
At sumabat naman si Bibig."Wag kayong magtalo diyan,dahil lahat tayo may kasalanan.Katawan,Kung hindi ka naglakwartsa di mo siya makikilala.Ikaw mata,nakita mo lang siya tsinismis mo na agad kay puso.Ikaw naman puso,naikwento lang sayo ni mata,minahal mo na agad.Grabe!.At nung niligawan naman ng lalaking iyon si Karen,ginamit mo ba ang katalinuhan mo utak?Hindi!.At ako naman si tanga.Sumagot ako ng Oo.Kaya pareparehas tayong nagkamali,sana naman naiintindihan niyo ako.Sana naman magtulungan tayo.".
At iyon ang last day na nagtalo ang mga internal at external parts ng katawan ko.
Hay!Buhay!
Sabi ni Kris."Love,love,love!"
Ako naman si tanga,sinunod siya.Kaya ito ang napala ko ngayon.Inaasar tuloy ako ng konsensya ko.Sabi niya "Cry,cry,cry!"
Oo alam kong bakla ako.Oo alam kong walang taong magmamahal sakin.Pero masama bang magmahal?.Masama bang magmahal ang isang baklang tulad ko?.
Tao din naman ako.Nasasaktan.Umiiyak.Lumalaban.At Higit sa lahat Nagmamahal.
*Phone Rings*
"Hello!,Good Afternoon.This is Karen Mendoza.May I help you?".sagot ko.
"Bah!Galing mag-english ah."unknown number/person.
"Who's this?"
"Karen,ako to.Si------"
To be Continued........
A/N;Ayos lang ba?
Siningit ko lang si Karen,kasi may lovestory na siya.Abangan niyo na lang po.Ang pamagat po niya ay,
The Returned
or
The Original
(Karen's Love Story)
Sana po suportahan niyo siya.Sana po gawan niyo po siya ng ingay dito sa wattpad,at gawan niyo na rin po ng ingay itong What Is Love?.Sana po mag-vote kayo (^_^)v.

BINABASA MO ANG
What Is Love? [ON-HOLD]
TienerfictieAno ba ang Pagmamahal? Yun bang pinaasa ka na,umaasa ka pa? Yun bang iniwan ka na,hinahabol mo pa? Yun bang minahal mo na,naghanap pa ng iba? Yun bang may mahal ng iba,minamahal mo pa? O Yun bang may HAPPY ENDING talaga? Siya si Chloe B. Sorinones.G...