Fourteen

27 1 0
                                    

Nagising ako sa kwarto ko. Narinig ko sina Mama at Papa may kausap sa labas. Si Nadine naman nasa tapat ng pintuan may kausap sa phone niya.

"She'll be alright. Kinakausap na nila Tita yung Doctor niya. I'll give you an update kung ano man... Sige Daniel... Pwede ka na dumalaw... Oo, sige. Akala din nila Tita ikaw ang naghatid sa kanya dito. Bye."

Binaba na niya 'yung phone at lumingon sa direksyon ko.

"Oh! Buti nagising ka na. Lahat kami nag-aalala na sa'yo. Ganda ng fainting act mo kanina teh! Pak na pak! Bonggang-bongga!" Pagbibiro niya.

"Ano... Ano bang nangyare?" Tanong ko.

"Saan?" Pagbabalik niya ng tanong sa akin habang inaayos ang kama ko.

"Kanina. Sa... sa barkada... Kay... Daniel at Claude?"

"Ah... Wala naman. Paghatid namin sa'yo dito gusto pa sana nilang mag stay ang kaso sabi nila Tita 'wag na muna, bukas na lang sila pumunta para makapagpahinga ka at pati na din sila." Pagpapaliwanag niya.

"Eh, bakit ikaw?" Tanong ko ulit.

"Ikaw hinmatay ka lang two times in a day ang dami mo nang tanong." Taas kilay niyang saad.

"Eh malay ko ba. Sinong kausap pala nila Mama?" Tanong ko ulit habang sinusubukang umupo.

"Oops!Bawal ka pang umupo. Diyan ka langat sasabihin ko kina Tita na gising ka na."

Pero bago pa siya makalabas tumunog na naman ang phone niya. Tiningnan niya'yung phone bago tumingin sa akin.

"Gusto mo kausapin?" Tanog niya sa akin.

Napaisip ako. Hindi ko alam kung sino ang tumatawag pero sure akong dalawa lang ang posibilidad kung sino iyon...

Si Daniel o si Claude.

Iniisip ko kung handa na ba akong kausapin ang isa man sa kanila. Pero kahit na ganun , kahit na masakit ang mga nangyayari sa amin alam ko na gusto ko din silang makausap.

"Si... Sige." Iniabot ko ang phone ni Nads at sinagot ito na hindi man lang tinitingnan ang caller I.D.

"H-hello?"

Pinakinggan ko ang kabilang linya. Hindi siya nagsasalita pero naririnig ko ang hikbi niya. Hinintay kong magsalita siya.

"F-Fiona... Sorry..." Nang marinig ko ang boses niya, naiyak ako. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.

"Fiona, sorry kasi wala ako sa tabi mo ngayon. Sorry." Sabi niya na pinipigil ang pagcrack ng boses niya.

"Elina, mag-usap tsyo. Pag-usapan natin lahat. Mag-e-explain ako nang maayos. Lahat sasabihin ko sa'yo. Please." Humupa na ang pag-iyak niya pero maririnig pa din ang mahihina niyang hikbi.

"Claude, hindi ko pa kaya. Masakit pa lahat. Iniwan ako ni Daniel na dapat kami na dahil sa'yo. Sa'yo na dati kong mahal. Naguguluhan ako kung mahal pa kita o mahal ko na siya. Hayaan mo muna ako mag-isip. Kahit... kahit tatlong araw lang."

Narinig ko na naman ang pag-iyak niya. Masakit ba 'tong ginagawa ko sa kanya? Eh bakit noong iniwan niya ako hindi niya man lang inisip kung masasaktan o nasasaktan ako?

"Elina, babalik ka huh? Hihintayin kita. Magpapaliwanag ako. Please. Hihintayin kita pagtapos nang tatlong araw. Magpahinga ka maigi.Alagaan mo sarili mo. Mahal kita. Sorry."

Then I hang up the phone. I cried. Umiyak ako na parang bata.

"Besh, tahan na. Magiging maayos din ang lahat." Sabi sa akin ni Nadine habang yakap ako.

I Haven't Told YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon