Thirteen

37 1 0
                                    

Agad kong tinanggal ang mga braso nyang nakayakap sa akin. Dumistansya ako sa kanya bago ako humarap sa kanya ng dahan-dahan,

Iniisip ko na sana hindi totoong nandito na sya.

Pero nabigo ako.

Nandito talaga sya.

Umatras ako para magdagdag pa ng distansya sa amin. Ngayon ay nasa gitna ako ng dalawa. Sa gitna ng lalaking yumakap sa akin at ni Daniel.

Tiningnan ko sya. Tinitigan kung totoo bang nandito na sya.

Lahat ng classmate namin tahimik, lahat nanunuod lang, lahat nag-aabang ng unang magsasalita.

Tumayo si Nadine at ang buong barkada. Lumapit silang lahat sa amin.

“Fiona, kamusta ka? Namiss kita.” Masayang-masaya bati sa akin ni Claude.

Humakbang sya papalapit sa akin pero umatras ako kaya napahinto siya sa paglapit. Nawala ang ngiti sa mga labi nya nang makitang papalapit sa akin si Daniel.

Tiningnan ko sya na parang hindi ako makapaniwalang nandito na talaga sya. Lahat ng naramdaman ko bago pa sya umalis isang buwan ang nakakalipas nararamdaman ko ngayon.

Lahat.

Galit.

Inis.

Disappointment.

Pagkamiss.

At…

Yung pagmamahal.

Tumulo ang mga luha ko na hindi ko man lang napigilan. Lumapit sa akin si Nads. Hindi sya ang inaasahan kong unang lalapit sa akin, besides alam kong lumalapit si Daniel sa akin kanina. Pero kahit hindi ko sya katabi ramdam ko ang sakit na dinudulot sa kanya ng nangyayaring ito sa amin. ‘Yung pain na nraramdaman nya na nakikita nya akong nagkakaganito just seeing Claude.

Lalapit sana si Claude pero pinigilan sya ni Ian. Kita ang pagkainis sa kanyang mukha.

“Claude, do’n na lang muna tayo sa labas. Do’n na lang natin pag-usapan.” Sabi nito sa kanya bago sya hinawakan sa balikat.

Tinanggal nya ang pagkakahawak na iyon sa kanya ni Ian.

“Gusto ko lang kamustahin si Fiona.” Puno ng inis at pagkairita nyang sabi habang tinititigan ako at si Daniel.

“Sa labas na lang Claude. ‘Wag dito. Lalabas na din sila maya-maya.” Puno ng authority na sabi ni Ian bago hinawakan muli si Claude at naglagay ng kaunting pwersa para mapaalis si Claude sa kinatatayuan nito.

Hindi iyon pinansin ni Claude at patuloy na lumaban sa pwersa na iyon.

“Kamusta ka Fiona? Bakit ka umiiyak?” Biglang lambing na sabi nito.

I Haven't Told YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon