Batchi naman... bakit ako? Bakit hindi na lang si Kat? Ang dami kong pending, wala akong time for vetting...
Andito ako ngayon sa opisina ng napakahusay kong boss, nakikisusap na wag sakin iassign ang vetting process ng isang bagong resort. Hindi naman sa ayaw ko ito gawin... pero... ayaw ko lang talaga gawin.
Huy! Kapal mo Althea, kung makapasa ka ng work sakin, feeling mo di ako busy? Ano ko, mascot lang dito? Provider ng moral support? Display item lang ang peg te? Dami ko rin kaya pending. I'm also in the middle of renegotiations with the bus company...
Eto namang si Kat, ang dami namang comment...
That is precisely the reason why I'm making you do this thea... Mula ng lumipat ka dito, wala ka ng ginawa kungdi work. Inuuwi mo pa trabaho mo. Kasama mo magalmusal paperwork mo. Pananghalian mo, kape, laptop screen, itineraries, at more coffee! Tsong naman... When was the last time you actually went back to the roots of this company. To be a traveller. To experience what we want our guests to experience. Three nights lang naman... Technically work naman yun. Pasalamat ka nga, hindi kita binigyan ng forced leave...
Wala akong naisagot kay Batchi kung hindi isang malalim na buntong hininga... Para akong batang nasermonan.
Ay boss! Sige, ako na lang bigyan mo ng forced leave!
Ay sige Kat! Gusto mo, permanent leave? Kaloka ka, 2 weeks pa lang since your last holiday ha.
Ayan na naman, magsisimula na naman ang bangayan nilang dalawa...
Workaholic daw ako. Well, at least according dito sa dalawang 'to. Si Kat ay isa ring assistant area manager for the company. Masasabi kong siya at si Batchi ang tumatayong pamilya ko dito. Ganun naman talaga pag malayo ka sa totoo mong pamilya, nagiging kapatid ang mga kaibigan. Kami ang nagdadamayan, nagtutulungan, nagbabangayan, nagiinuman at nagaalagaan sa isa't-isa.
So, thea, this is not open for discussion, protests, snide comments, or unfavourable reactions, ok? The reservation is confirmed, you'll be staying there for 3 nights. No early checkout, ok? I'll email you the details.
Ano pa nga bang magagawa ko... Di bale, dalhin ko na lang laptop ko and I'll do some work there...
No laptops, no work. Barred ang access mo to our network for that weekend. Incognito nga diba? Obvious ka pag nagdala ka ng work dun! Immerse yourself in the experience dude...
Anakanang tipaklong naman.
Batchi naman... Magiingat ako. Never pa naman ako nabuking as a "secret guest" diba?
Huling protesta ko na ito.
Alam mo Batch, pag humirit pa si thea, gawin mong 2 weeks unpaid leave yan.
Eto namang si Kat, gatong. Tumango at sumang ayon naman si Batchi...
Sabi ko nga, ako na gagawa ng 1st round of vetting diba? Ok na boss, understood na.
Sabay ng pagsuko ko ang tawang tagumpay nila ni Kat.
Well, Hopehaven Beach Resort, here I come.