Pito

392 15 5
                                    

Kamusta...?

Halos sabay naming tanong sa isa't-isa. Parehas lang kaming nangiti bilang sagot.

Ilang segundo kaming nanatiling nakatingin sa isa't-isa. Parehas na maraming namumuong mga tanong sa labi pero walang nagkukusang lumabas.  Isang lagok ng alak at isang malalim na buntong hininga ang naging buwelo ko...

So, Jade... Andito ka ba for a holiday...? Kelan ka pa andito? Hopefully Queensland has been kind to you so far...

Pilit kong pinakakalma ang naghuhuramentado kong puso. Umaasa na hindi niya napansin ang panginginig at konting pamimiyok ng aking boses.

Uhm... Actually, I'm here for work. For good. I mean, this is my work... This is our resort. So, I'm here for good... Ikaw? From the way you speak, you seem like a local...

Bakas ang pagkabigla sa aking mukha nang sinabi niyang pagaari nila ang resort. Mabilis ko rin naman itong isinantabi at tinuloy ang pakikipag usap...

Yeah, I am. I actually live not too far from here...

Oh? Then you're here just for a drink and the view then?

Hmmm... Not really? I'm actually checked in. Staycation, I guess? Just for the weekend. A little change of scenery.

Nagkangitian na lang kami matapos ang maikli at mababaw na paguusap.

Sadyang mapagbiro ang tadhana. Sa dinamidami ng lugar sa mundo, dito pa talaga kami nagtagpo. Akalain mo nga namang ang resort na pinagtulakan ni Batchi na i-vet ko ay pag-aari pala niya.. nila... Teka, ano nga ba ang ibig niyang sabihin sa "our resort"

Siya at mga kasosyo?
Siya at mga kaibigan?
Siya at pamilya niya?
Pamilya... Asawa...?

Bakas siguro sa mukha ko ang pagkabalisa kaya bigla na lang niya akong tinanong...

Thea are you ok? Is your drink no good? Sabihin mo lang, we can remake it...

No, no, no... The drink is fine Jade. I just got lost in my thoughts.

Sure?

Yes, I'm sure.

Biglang nilapitan si Jade ng isa sa mga staff. Tila may dala itong balita na nangangailangan ng agarang atensyon ni Jade...

Uhm, sorry, I have to go. I have to check on something, but I'll be right ba...

No Jade, it's ok. You don't have to apologise for looking after your work. I'll see you around.

Ngiti na lamang ng pagintindi ang naisukli ko sa medyo balisa niyang mukha. Mabilis na rin itong naglakad papunta sa direksyon ng main lobby.

Minabuti ko na ring pumunta sa aking kwartong tinutuluyan matapos kong maubos ang aking inumin. Kahit na gustuhin kong manatili pa sa bar at magpatuloy sa paginom, wala akong tiwala sa kakayahan kong maging kalmado ulit sakaling magpakita ulit si Jade. Lalo na kung may alkohol ako sa sistema. 

Pagpasok ko sa kwarto, agad kong tinawagan si Batchi...

Batchi, hindi ko pwede ituloy yung vetting...

Ano na naman excuse mo this time thea? Checked in ka na ha... Anjan ka na nga eh oh. Tatlong gabi lang naman tsong... Trabaho pa din nam...

Andito si Jade.

Oh... Eh ano naman kung andiyan si Ja.. WAAAAIIIITTT. SI JADE? YOUR JADE? THE ONE THAT WENT AWAY JADE? THE ONE THAT BROKE YOU INTO TINY UNRECOVERABLE LITTLE PIECES JADE??!

OO NGA! Sige! Isigaw mo pa Batch! Sarap sa tenga! Ayun nga... Andito si Jade, siya ang owner ng resort.

Hmmm... Hindi mo ba kaya maging objective thea? Tipong, swipe left muna sa feelings, focus on the work side of things.

Honestly batch, I'm not sure. Siguro kung hindi ko siya maeencounter, kaya naman. Pero...

Pero her presence takes up all of your attention? Na tipong kung andiyan siya sa paligid, nagmemelt away ang mundo at ikaw at siya lang ang meron?

Exag medyo Batch...

Asuuuus. Pero wala kang denial. Sige, ganito na lang. Send ko na lang si Kat diyan tomorrow para may partner for vetting ka. Para kahit papano, kapag nabubulag ka sa ex mo, may guide dog ka. Hahahaha

Hahahaha susumbong kita kay Kat... Guide dog ka diyan... Pero seryoso, salamat at pasensya na Batch...

Ano ka ba Thea, best friend mo pa rin naman ako. Of course I have your back.

Thank you...

Siya, sige na, for now itulog mo na lang yang feelings mong nareresurface! Babush!

What the...

Hay... Feelings? Normal lang naman medyo marattle ka kung out of nowhere makita mo ang ex mo na iniwan ka diba? Anim na taon, walang paliwanag... Hindi naman sa hindi pa ko nakakamove on... Pero... Walang closure. Tama, wala lang kasing closure para sa akin.

Nagsimula na akong maghanda para makapagpahinga na. Nakaligo na ako at ngayo'y nagsisipilyo ng biglang may kumatok sa pintuan.

Pagbukas ko ng pinto, isang biglaan at mahigpit na yakap ang tumambad sa akin...

Sakaling MatagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon