Third Person POVPagkagat ng dilim ay lumisan na ang exo, pumunta sila sa lagusan na nag uugnay sa kanilang planeta at mundo ng mga tao.
Pagdating nila ay nandoon na rin si Cassiopeia..
"bago ko buksan ang lagusan may mga kailangan muna kayong malaman at tandaan
una, kailangan niyong itago ang totoo niyong pagkatao at kung kinakailangan wag na wag niyo gagamitin ang mga kapangyarihan niyo sa mundo ng mga tao"
"bakit naman naming kailangan gawin yung? mas mapapadali ang paghahanap namin kung gagamitin namin ang mga kapangyarihan namin" sabi ni Suho
"uulitin ko hindi niyo pwedeng gamitin ang kapangyarihan niyo dahil sa oras na gamitin niyo ang kapangyarihan na taglay niyo maaari kayong mapahamak dahil sa mga tao at isa pa kailangan niyo ring pangalagaan ang mundo ng mga tao, ingatan niyo ang planeta nila dahil kaugnay ng planeta natin ang planeta nila at sa oras na mapahamak ang mundo nila pati yung atin maaari ring mawala, naiintindihan niyo ba ko?"
tumango naman ang exo senyales na naintindihan nila ito
"pangalawang kailangan niyong tandaan, maaaring mapunta kayo sa lugar na iba ang kanilang pananalita kaya bago kayo pumasok sa lagusan gagamitan ko kayo ng kapangyarihan ko nang sa ganoon ay maintindihan niyo lahat ng lengguwahe sa mundo ng mga tao. Pangatlo, kakaiba ang pamumuhay sa mundo ng mga tao, ang pananamit, ang pagkain, ang uri ang oras at araw na meron sa kanila kaya sa oras na mapunta kayo sa mundo ng mga tao ang una niyong kailangan gawin ay matutunan kung paano mamuhay ang mundo ng mga tao. Huling dapat niyong tandaan at ito ang pinakaimportante sa lahat wag na wag kayong iibig sa kahit na sinong mga mortal dahil maaari silang maging sagabal sa paghahanap niyo sa mga susi at misyon niyo. Pag Ibig yan ang dahilan kung bakit karamihan sa mga katulad nating elemental na tumawid sa mundo ng mga tao ay di na nakakabalik dito sa mundo ng mga tao at yan rin ang dahilan kung bakit nasa mundo ng mga tao ang mga susi para mabuksan ang pintuan ng pinakamalakas na kapangyarihan dito sa EXOPLANET, naiintindihan niyo ba ko?" mahabang salaysay ni Cassiopeia
"inang Cassiopeia, kailangan rin ba namin dalhin dito ang mga may hawak ng susi?" tanong ni kyungsoo
" muntik ko ng kalimutan, oo kailangan niyo madala ang mga may hawak ng labindalawang susi dito.. sila ang pinakaimportante sa misyon niyo ang madala sila dito na ligtas at buhay dahil sila rin ang magbubukas ng mga pintuan. Gawin niyo lahat ng makakaya niyo para madala sila dito sa mundo natin kahit buhay niyo pa ang kapalit" sabi ni Cassiopeia
"hindi ba't mga tao lang sila at hindi nila makakaya ang kapangyarihan ng lagusan, maaari silang mamatay" sabi ni Lay
"kayo ang pinakamalakas dito sa EXOPLANET kayo rin ang nagbubuklod ng mga element niyo dito at isa sa tinataglay ng kapangyarihan niyo ay makapagbigay ng kapangyarihan sa iba mapatao man ito o mapa elemental"
biglang kumunot ang mga noo ng EXO dahil sa sinabi ni Cassiopeia dahi alamn nilang napakadelikado ng misyon nilang ito
"maaari kaming mamatay sa oras na magsalin kami ng kapangyarihan sa kanila.." nag aalalang sabi ni Luhan
"wala tayong ibang pag pipilian, dahil kung meron lang hindi ko ito ipapagawa sa inyo Lalo na't napakadelikado nito , nasa mga kamay niyo naka salalay ang ikaliligtas ng exoplanet at ng mg Eris...ngayong alam niyo na ang maaaring kapalit ng misyon niyo, tutoloy pa ba kayo?" tanong ni Cassiopeia sa kanila
napaisip ang exo dahil kahit anong gawin nila isa lang ang maaari nilang kakahantungan yun ay ang kanilang katapusan pero naisip rin nila ang ERIS na umaasa sa kanila, di nila kayang Makita ang mga taong iniingatan nila Lalo na ang pamilya nila ni hindi na nga sila nakapag paalam sa kani kanilang pamilya dahil sa agarang pagpunta nila sa mundo ng mga tao.
"pumapayag na ko" biglang sabi ni baekhyun
kaya napatingin sa kanya ang exo at Nakita nila ang tapang at determisyon sa mata ni Baekhyun kaya pumayag na rin silang lahat.
"masaya ako sa naging desisyon niyo, ngayon palang nagpapasalamat na ko dahil kaya niyong itaya ang sarili niyo para lang maligtas ang exoplanet" natutuwang sabi ni Cassiopeia
ngumiti naman ang exo
"maghanda na kayo dahil bubuksan ko na ang lagusan"
may lumabas na putting liwanag sa kamay ni Cassiopeia at kasabay nun ay ang paglabas ng matingkad na liwanag sa harapan nila at maya maya ay naging isa itong portal..
"yan ang magdadala sa inyo sa mundo ng mga tao, pero kailangan niyong tawidin ang ilang lagusan nito dahil kung hindi maaari kayong mapunta sa ibang dimension, sa oras na pumasok kayo kailangan niyong dalian ang pagtawid dahil baka magsara agad ang lagusan, pitong buwan ang kaialangan niyo para mamalagi sa mundo ng mga tao, katumbas nito ay ang pitong taon sa mundo ng mga tao..kung wala na kayong tanong , pumuwesto na kayo"
pumuwesto na ang exo
" Inang Cassiopeia, kayo na po muna ang bahala sa EXOPLANET" sabi ni Kris
ngumiti si Cassiopeia
"wag kayong mag alala ako na muna ang bahala sa EXOPLANET... hangad ko na sana'y magtagumpay kayo sa inyong misyon Hanggang sa muling pagkikita natin EXO"
pagkatapos nun ay ang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa EXO at pumasok na sila sa portal na ginawa ni Casiopeia
pag alis ng EXO ay nawala na ang liwanag at ang portal..tumingin si Cassiopeia sa kalangitan..
di ko alam kung ano ang mangyayari sa inyo EXO pero hiling ko na sana'y makabalik pa rin kayo ng buhay
-------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: sorry natagalan ang update ko..so busy kasi sa school...but I'll do my best para kahit once a week maka update ako..thank you readers...lovelots
STREAM
Tempo and Love shot
SARANGHAEYO EXOL
BINABASA MO ANG
THE EXOPLANET
FantasiaThey are came from in different world.. Where powers and magic are exists.. They are here because of one mission.. What will happen in their journey? They are going to succeed or they are going to lose? If They will encounter the thing called "lo...