Chapter3 Andro

9 4 0
                                    

   Andro saan mo ba nadampot ang isang to?

   Makinis siya ah!Aray naman!Bakit nambabatok ka?!

  Ang dugyot kasi ng utak mo !

Nagising siya dahil sa ingay na narinig.

Umalis na nga kayo!Baka magising niyo siya!

Oo na !Oo na Aalis na!

   Iminulat niya ang mga mata at mukha ng lalaking tumulong sa kanya kahapon, ang nabungaran niya.

Pasensiya kana .Nagising ka tila ng mga kaibigan ko.

Hindi naman ok lang.
Nakangiting tugon niya.

      Nilibot niya ang tingin. Kulay itim ang kulay ng kisame pati na rin ang dingding. Pati ang kamang hinihigaan niya ay itim din ang kulay . Maging punda at kumot ay itim din. Puro itim halos ang makikitang gamit sa kwarto. Para tuloy araw araw namatayan ang may ari nito.

  Mabuti naman kung ganun binibini.Siya nga pala narito ka sa silid ko.

    Her eyebrow arches immediately with what she heard. Kahapon niya pa napapansin ang matatas na pananagalog nito di lamang niya napagtuonan ng pansin dahil nga, na-distract siya sa taglay nitong ka-gwapuhan.

     Sobra pala ito kung magmahal sa sariling wika! Makaluma ang pananalita nito pero ang panlabas nito'y nagsusumigaw ng kasalukuyan! Balak nga sana niyang tanungin ito kung may lahi ba itong koreano, dahil sa kulay nitong sobrang puti. Ang kaso ay nahihiya siya.

Siya nga pala, hindi ko pa naipapakilala ng pormal ang aking sarili.Ako nga pala si si andro.Ikaw binibini ano ang iyong pangalan?

    Nasamid siya sa sariling laway. May pinanghuhugutan ba ang isang ito?Sobrang lalim ng mga pinagsasabi nito!Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita .

  Flair. My name is Flair Edha Santiago
Pakilala niya sabay abot ng kanang kamay sa lalaki, para sana makipag shakehands, pero ganun nalang ang pagkagulat niya ng inabot nito ang palad niya sabay hinalikan nito ang likod ng palad niya. Muntik na tuloy niyang mahigit pabalik ang kamay niya dahil sa sobrang gulat, mabuti na lamang ay nakapag pigil siya na gawin iyon .

  Kinagagalak kong makilala ka flair

   Natulala siya saglit dito.

Kinagagalak ko ring makilala ka.

  Nawala siya saglit sa sarili kaya naman, awtomatikong lumabas nalang galing sa bibig niya, ang mga salitang yun. Wala sa sariling napatakip siya ng bibig. Pati siya ay nadala na rin sa pagka makata nito.

Bumunghalit ito ng tawa.

Napatingin siya dito dahil doon. Nasisiraan na ba ito? Pinagtatawanan nito ang paraan kung paano ito mag salita!

   Hindi parin ito tumitigil sa pagtawa, kulang na nga lang ay ay mapahiga ito sa sahig katatawa e. Nakahawak pa ito sa tiyan pagkatapos ay pumapadyak padyak pa.

  ' Buti nga!
Sana ay sumakit pa lalo ang tiyan ng bwisit!'

   Maktol niya sa isip. Dinampot niya ang unan na ginamit, pagkatapos ay binato si andro at tinamaan ito sa mukha. Napatigil ito saglit sa pagtawa pero nang makabawi sa pagbato niya, ay dinampot din nito ang unan at binato iyon pabalik sa kanya. Sapul siya sa mukha. Di naman siya nagpatalo at gumanti ulit siya. Kaya ang ending e, ayun! Nagbatuhan sila! :)
______________________________
    
    Please leave your comments ,vote and recommend to your friends .Thank you*^_^*  -TinetineIIV

   

That Guy on the bridge (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon