Chapter 14 Symptoms

5 0 0
                                    


   Ano bang nangyari Flair?
Tarantang tanong ni Adolfo sa kanya. Hindi niya alam kung anong dahilan ng pagkawala nang malay ni Andro. Kaya kinakabahan siya at nanginginig ngayon.
Hindi ko alam. Basta bigla nalang siyang nahimatay.

   Sa sobrang pagka bigla niya nang mawalan ito nang malay ay nakalimutan niyang pasyente pala siya . Heto siya ngayon, gulo gulo ang buhok, naka damit pang pasyente at naka paa lamang.  Nang himatayin si Andro tumawag agad siya sa mga kaibigan nito at si Adolfo ang unang dumating. Nasa loob pa si Andro at sinusuri ng mga doktor kaya heto sila, naka upo at tulala.

   Ihahatid muna kita sa kwarto mo Flair. Ako na ang magbabantay kay Andro. Wag ka nang mag alala sa kanya.
Lumapit sa kanya si Adolfo para alalayan siyang tumayo pero napa iling siya. Ayaw niyang iwanan ang binata. Gusto niyang malaman kung bakit bigla nalang itong nahimatay. Bakit napaka raming pasa sa katawan nito? Gusto niyang matiyak na okay lang ito.

   Dito lang ako. Hindi ko pwedeng iwanan si Andro, Adolfo.  Gumuhit ang pag aalala sa mukha ng kausap.
Pero Flair, mas mag aalala si Andro kapag nalaman niyang nandito ka at balisa. Mabuti pa mag pahinga ka na. 

  Alam mo na hindi ako matatahimik hanggat hindi ko natitiyak na okay lang talaga siya. Gusto ko dito lang ako.
Napabuntong hininga ito. Alam niya na wala na siyang magagawa. Hindi na niya mapipilit pa ang dalaga.

  Gising na po ang pasyente.

  Napatayo sila nang marinig ang boses ng doktor.

   Kamusta ang lagay niya doc?

   Okay lang ba siya doc?

  Pasensiya na kayo pero hiniling nang pasyente na wag sabihin sa inyo ang totoong lagay niya. Maiwan ko na kayo.

   Bakit ayaw ipaalam ni Andro ang lagay niya? Napatingin siya kay Adolfo. Napa iwas ito ng tingin at naglakad papasok sa silid kung saan naroon si Andro. Paki ramdam niya ay may kung ano na hindi nito sina sabi sa kanya.

   Pinilig niya ang ulo dahil sa naisip. Kung anu ano na naman ang pinag iisip niya. Sumunod na lamang siya dito at pumasok na rin sa silid na kina lalagyan ni Andro. Nadatnan niya si Andro na naka ngiti habang nakikipag usap kay Adolfo. Napangiti rin siya. Mukhang okay na ito kaya naman nakahinga siya nang maluwag.

   Malawak ang ngiti niya habang palapit sa kinaroroonan ng mg ito. Pinag alala siya nito nang husto! Halos himatayin na nga siya nang mawalan ito ng malay kanina! Dahan dahan ang lakad niya palapit sa mga ito, para sana hindi maistorbo ang pag kukwentuhan ng mga ito pero nagawi parin sa kanya ang tingin ni Andro.

  F-flair? Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nagpapahinga ka?
Takang tanong nito sa kanya. Napangiti siya rito.
Okay na ako Andro. Stress at pagod  lang daw sabi ng doctor kaya  nahimatay ako. Ikaw kamusta na ang paki ramdam mo?
Napaiwas ito ng tingin at nahagip ng mga mata niya na tila napangiwi ito pero agad din namang napalitan iyon ng munting ngiti.
A-ayos lang naman ako. Mabuti na ang lagay ko. Nasobrahan lang siguro sa pagtatrabaho sa bakery .

   Nanlaki bigla ang mga mata ni Flair. Habang nag sasalita kasi ito, bigla nalang may umagos na dugo mula sa ilong nito.

   M-may dugo!

   _______________________________

  Please leave your comments , vote and recommend to your friends .Thank you*^_^*  -TinetineIIV

That Guy on the bridge (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon