Chapter 6 Surprise

5 2 0
                                    


        Nagdaan ang dalawang linggo at sa wakas ay gumaling na din ang sprain ni Flair. Hiyang hiya na talaga siya ng sobra kay Andro, dahil sa loob ng dalawang linggong iyon ay hindi siya nito hinayaang mag kikilos. Baka daw lalong lumala ang bali niya.

       Gabi niya lang ito halos nakakasama dahil busy ito sa trabaho kapag araw. Gusto nga sana niyang tanungin kung ano ang trabaho nito ang kaso ay nahihiya siya. Simula ng dalhin siya dito ng binata, sa kama na siya nito natutulog. Napaisip nga siya kung saan ba ito natutulog gayung isa lang naman ang kwarto nito?

    Nalaman niya lang na sa sofa pala ito natutulog ng minsang nauhaw siya at lumabas ng kwarto, para uminom ng tubig. Naawa tuloy siya dahil halatang hirap na hirap itong mahiga sa sofa. Sinubukan niya itong gisingin at ayaing sa loob nalang matulog, pero tumaggi ito.
Okay lang naman daw siya doon kaya wala na siyang nagawa pa.

    Palagi niya itong hinihintay sa gabi pero bigo naman siya dahil nakakatulugan na lamang niya, ang paghihintay dito. Namamalayan na lamang niya na naka uwi na ito kapag ginigising siya ni Andro at pinapalipat sa kwarto. Pagkagising naman niya sa umaga ay wala na ito.
Napabuntong hininga siya. Why does it seems that she miss him? Binatukan niya ang sarili. Bakit naman niya ito mami miss?

      Napasimangot siya at napatingin sa bintana. Mag didilim na. Nahagip ng paningin niya ang orasang nakasabit sa taas ng pintuan. Kaya pala. Pasado ala singko y media na rin pala ng hapon.

    Gusto niyang surpresahin si Andro kaya't naisipan niyang mag luto. Nakangiti siyang nagtungo sa kusina at nagsimula ng magluto. Ngayon na magaling na siya, ito naman ang pag sisilbihan niya. Saka isa pa, gusto niya itong mas makilala pa ng lubusan. Simula kasi ng magkakilala sila ay wala itong na kwento na kahit ano tungkol sa buhay nito. Tanging pangalan lang ang alam niya tungkol dito.

      Nang matapos ang pagluluto niya ay mabilis niya itong inilapag sa mesa. Madali ang kilos niya dahil paniguradong maya maya lang ay darating na ang binata. Napapangiti siya habang naghahanda. 'Sana magustuhan niya ang mga niluto ko!'
Excited siyang naupo pagkatapos maihanda ang mga pagkain. Nakatutok ang tingin niya aa pintuan habang nakaupo at matiyang hinihintay, na magbukas iyon para makita na niya  ang kanina pa hinihintay. Napangiti siya nang magbukas iyon at iniluwa ang taong kanina niya pa inaabangan. Si Andro.

     Tumayo siya at nahihiyang napangiti dito. Ngiti lang din ang tugon nito pagkatapos ay nabaling ang tingin nito sa mesa. Lumapad lalo ang ngiti nito. Mabilis itong naupo sa mesa at sinundan naman niya. 
Niluto mo itong lahat?
Namamangha nitong tanong. Nahihiya man ay tumango siya. Mukhang na surprise nga niya ito. Nagdiwang ang kalooban niya.

   Kaya lang ay kinakabahan siya baka hindi nito magustuhan ang luto niya.
Sana magustuhan mo ang mga niluto ko Andro. Yan lang kasi ang alam kong paraan para makaganti man lang sa kabutihan mo. Although, hindi ito sapat na kabayaran.

    Napayuko siya. Sa sobrang kabaitan at pagiging  matulungin nito pakiramdam niya, hindi niya iyon matutumbasan ng kahit na ano.

Naiiling siyang tiningnan ni Andro habang matamang napatawa. Sobra kasi ang pasasalamat nito. Nakakailing pasasalamat na ito sa kanya at medyo naiilang na siya dahil doon.

Flair
Tawag nito sa kanya. Napaangat siya ng tingin dahil sa pagtawag nito. When she look at him, their eyes met. Nag init ang magkabilang pisngi niya. Nakaka ilang itong titigan!  Bakit ba kasi ang gwapo gwapo nito?! Napapikit siya para iwaglit sa isipan ang naisip, at agad na ibinalik ang tingin sa binata.

Flair?

    Tawag ulit nito. Bakit kapag ito ang bumabanggit sa pangalan niya pakiramdam niya siya na ang may pinakamagandang pangalan, sa buong mundo? She laughed secretly. Thanks to this guy dahil pansamantala niyang nakalimutan ang problema niya. Balak na rin niyang maghanap ng trabaho para makahanap na rin siya ng matitirhan. Wala siyang balak na magmukmok pa, dahil lang broken hearted siya. Ayaw na niyang magmukmok dahil baka maisipan na naman niya ulit na magpakamatay!

    Napangiti siya. Nagbibiro lang naman siya e. Narealize na kasi niya na wala naman siyang karapatan na tapusin nalang basta basta ang buhay niya. Dapat ang problema ay di tinatambayan kundi dina daanan lang! Salamat ulit sa lalaking kaharap niya ngayon dahil ito ang nag pa alala nun  sa kanya.

Flair nakikinig kaba?

    Nabigla siya sa pagtawag nito kasabay ng pag yugyog sa balikat niya. Shett! Nag space out na naman siya! Nakakahiya talaga! S-sorry  

   Napayuko siya.
'Gaga ka talaga Flair!'
kanina pa yata nag sasalita ang kaharap niya tapos heto siya, kung ano anu ang iniisip?! Sermon niya sa sarili.

   Ayos ka lang ba Flair?

     Ramdam niya ang sinsiridad sa pananalita nito. Bakit ba napakabait nito?  Napaka perpekto tuloy nito sa paningin niya. Napaka swerte ng magiging girlfriend nito. Kung siya nga na tinutulungan lang nito ay inaalagaan nito, ano pa kaya sa girlfriend nito? Hindi niya tuloy maiwasang mainggit sa girlfriend nito kung meron man.

Alam mo
Panimula nito pagkatapos ay sumubo ng pagkain. Nilunok muna nito ang kinakain saka nagsalita ulit. Napalunok din siya dahil doon.
 
    Kapag gumawa ka ng kabutihan hindi ibig sabihin non maghihintay ka na ng kapalit. Gumawa ka ng kabutihan kasi gusto mong  makatulong at yon ang tama. Daan din yon para mabago ang pananaw ng ibang tao. Tinulungan kita hindi dahil may hinihintay akong kapalit, tinulungan kita dahil gusto ko at masaya ako doon. Mahabang lintaya nito.

    Napakabuti talaga ng taong kaharap niya ngayon. Mas lalo siyang humanga dito dahil sa mga sinabi nito.

S-salamat.
Taos sa pusong wika niya. Ngumiti ito at dahil doon hindi na halos makita ang singkit nitong mga mata. She felt her heart instantly skipped from beating.

Siya nga pala Flair, ang sarap nitong  mga niluto mo. Nagustuhan ko. Salamat.

  Nahirapan siya biglang huminga. May sakit ba siya sa puso?

_________________________________
A/N: Yiee. Tweet naman niyan. Haha∆_∆

  Please leave your comments ,vote and recommend to your friends .Thank you*^_^*  -TinetineIIV

That Guy on the bridge (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon