Matalik Kong Kaibigan

2.2K 37 8
                                    

Bakit mo ako biglang
Iniwasan?
May nasabi ba aking mali sa ating usapan?

Kung meron man sinabi mo nalang sana
Para hindi ako nagmu-mukhang tanga

Parati akong gumagawa ng paraan
Para kahit minsan naman ako ay iyong sulyapan

Nami-miss ko na ang iyong matatamis na ngiti
Na hanggang ngayon ay akin paring minimithi

Sa tuwing ikaw ay kakanta
Ang boses mo ay parang langit sa aking tenga

Sa tuwing ikaw ay may kasamang iba
Para akong binagsakan ng langit at lupa

kung mas masaya ka sa piling ng iba
Hahayaan kita kasi diyan ka masaya

Kung sakali man ako ay iyong hahanap-hanapin
Andito lang ako para ikaw ay yakapin.

~*~

Credits to: myxveh

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon