CHAPTER 2- New School

17 6 0
                                    

Sheena's P. O. V.



Nanghihina na ako habang lumalakad sa kalsada.. kasama na din ang malakas na pagbuhos ng ulan ang luhang tumutulo sa mga mata ko..... Ang sakit ehhh.... yung malaman mo na sa bibig ng bestfriend mo ang katotohanan?



Napatingala ako sa kalangitan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng malakas na kidlat....


Napa-upo ako sa side walk atsaka ako umiyak na parang bata... bigla ko lang naramdaman ang hapdi na nanggaling sa balikat ko mismo! Nilingon ko ito...
bakit umiilaw 'to?! bigla naman akong napatayo dahil sa takot....


Biglang bumigat ang pakiramdam ko... teka... anong nangyayari sa' akin? Tumingala ako sa kalangitan kasabay ng pagbagsak ko sa lupa..


Pero bago ako mawalan ng malay ay may narinig akong boses ng isang di pamilyar na tao...

"My Queen" narinig kong sabi nito



but... all went to black

*********************



naalimpungatan ako dahil sa ilaw na tumatama sa mga mata ko... agad naman akong napa-upo pero nabigla ako ng makita ko ang tita Samantha ko na galit-na-galit niya akong tiningnan..


"Ano ka bang bata ka!! Kung saan-saan ka lang pumupunta!! Tingnan mo ang nangyari sa'yo!!" sigaw ni Tita Samantha....... Hayyyyyy!!! Ang ingayy!

"At?" walang ganang sabi ko.

"Anong at?! Akala ko nga.... Iiwan mo na ako.... Akala ko nga..... Ma-ymangyayari s-ayong masama.... Akala---" sabi niya habang nag-aarte siya sa harap ko...

"Lahat ng akala mo..... Akala mo lang 'Yon!" sabi ko at itinaboy siya sa kwarto ko..

"Ah... so ngayon?! Matapos kitang pinalaki at pina-kain itataboy mo lang ako? wala ka bang utang na loob?" pag-iinarte niya pa at kunwaring umiiyak... Napa face-palm nalang ako atsaka ko siya tiningnan ng masama..

"OA!"

"Ano ba Sheena! Bakit ba 2 letters lang 'yang sinasabi mo?! Tipid-tipid lang ganun?!" sabi niya... tss... bahala sya. hanggang sa mapagod' yan sa kasasalita dyan..

"Alis ka nga dito!!!!" taboy ko sakanya...

"Wow! Sheena! Akalain mo 'yun?! May improvement! PERFEKERS! 4 words 6 syllables at 13 letters yun ah!!!" sabi niya atsaka tumatalon sa kama ko...

-_- parang bata...

"tsssskkk... "  irap ko sakanya atsaka ko siya binato ng unan..

"Bumaba ka nga d' yan!" sigaw ko atsaka binato ko uli siya... agad naman siyang tumatawa pababa sa higaan ko.

"Nga pala..." sabi niya at humarap saakin

"Oh?!" iritang sabi ko...

"Ah wala!! heheh babushh!!" agad naman siyang umalis... (-_-) bwesit!!!

"Sheena!!!"  sigaw niya at bumalik ulit sa kwarto ko.... Isa pa... pupugutan ko talaga ng ulo 'tong babaeng ito!

"O?!" inis na sigaw ko....

"ahh---" pinutol ko na! (-,-) kainisss!!.

"Isa pang Ah-Ah mk d' yan!!! Paghindi ka magsasalita ng diretso! di ako magkakamaling pupugutan kita ng ulo!" pagbabanta ko sakanya.

THE UNDENTIFIED POWER OF THE LOST PRINCESS OF AZURIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon