1

8 0 0
                                    


HER POV

"Ate Paris!" napalingon ako sa tumawag sa akin at agad napangiti ng makita si Neneng at Johan na tumatakbong papalapit sakin habang kumakaway. Gula gulanit ang damit ni Neneng ngunit malinis ang itsura nito habang si Johan ay naka t-shirt at short kumbaga'y maayos itong manamit dahil anak ito ni Mayor Abdueda. Si Neneng ang kanyang ina ay labandera at ang ama naman nito'y barker sa paradahan ng jeep pero kulang na kulang ang kita ng mga ito upang ibili ng bagong damit si Neneng kung kaya't luma at gula gulanit ang damit nito. Naging magkaibigan ang dalawa dahil sa pista noong isang taon hayan at matalik na silang magkaibigan , hindi naman kasi maarte si Johan dahil talaga namang mababait ang mga magulang nito.

Agad ko silang sinalubong ng yakap , nakakatanggal ng pagod ang mga yakap nila.

"Ate Paris galing ka pong trabaho?" tanong sakin ni Neneng. Ngumiti naman ako sa kanya bago sumagot.

"Oo Neneng kaya medyo pagod ako" sabi ko pero nakangiti pa rin at hindi pinapakita ang pagod sa aking mukha. "Ate magpahinga ka na po baka po magkasakit ka" sabi naman ni Johan

Nakakatuwa talaga ang mga batang ito , sobrang bait at maalalahanin palibhasa'y pinalaki ng maayos na paraan.

"Oo Johan mamaya pagdating ko sa bahay ay magpapahinga na ko ,ikaw ba? Kamusta si Mayor?" tanong ko. Mabait si Mayor at ang asawa nito sila ang tumulong sakin para magkatrabaho kahit maliit lang ang sweldo pero sapat na para sakin at tinutulungan ko.

"Maayos naman na po sya at sabi nya po sakin kapag daw po nakita kita sabihin ko daw po na pumunta ka daw po agad sa City Hall may sasabihin daw po syang importante" magalang na saad nito

"Sige bukas pupunta ako kapag maaga ako nakauwi galing trabaho ok?" Tumango lang ito at ngumiti.

"Tara na muna sa bahay" aya ko sa kanila.

Habang naglalakad tawanan at kwentuhan lang ang ginagawa namin. Marami rin ang bumabati sa akin habang naglalakad papunta sa bahay.

"Hi Paris!"

"Paris salamat ulit ah?"

"Kumusta Paris?"

Marami pang pagbati ang naririnig ko at lahat iyon ay sinusuklian ko ng tango at ngiti.

Malapit na kami sa bahay ng humarang ang grupo nila Daniel sa harapan ko. Sila Daniel ang siga sa lugar na ito, kinatatakutan sila pero mababait sila saksi ang mga tao sa baryo namin na mabait sila pero nakakatakot magalit lalo na pag naaapi ang mga bata at taga baryo namin. Sabay sabay silang ngumiti at pumwesto na parang sasayaw.
May narinig na lamang akong tugtog na 'Boom boom ' ng Momoland , natawa ako ng magsimula na silang sumayaw halatang hindi sila marunong sumayaw dahil mukha silang tuod kung sumayaw. Tuwang tuwa ng nanonood sa kanila pati sila Neneng at Johan ay tuwang tuwa. Nakisayaw na ang lahat ako naman ay napapaindak nalang. Natapos ang kanta at nagtawanan ang lahat at nagpalakpakan.

Humarap sakin si Daniel at ngumiti inabot nya ang isang tangkay na pulang rosas. Inabot ko naman ito ,ngumiti sa kanya at nagpasalamat.

"Salamat Daniel " nakita kong namula ang pisngi nya at napakamot naman sya sa batok nya.

Magandang lalaki si Daniel hinahangaan sya ng lahat dito sa baryo ,matikas ang pangangatawan ,matangkad ,matangos na ilong , brown na mata at mapupulang labi dahil hindi ito nagyoyosi ,alak lamang ang tanging bisyo nito at minsan pa sa isang buwan ito kung uminom ,na syang katangian nanagustuhan ko sa kanya.

Boyfriend ko si Daniel ,sya ang first boyfriend ko kailanman ay di ko naramdaman na hindi nya ko nirerespeto dahil sabi nga nya mataas ang respeto nya sakin. May ari ang ina nya ng pabrika ng banig at ang tatay naman nya ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho. Mabait sya at matulungin na syang mas lalo kong minahal sa kanya.

"Ayieeeee" napatingin ako sa mga tao at mapanukso silang nakangiti samin at nakatingin.

Napayuko ako dahil sa pag iinit ng pisngi.

"Ayieeee Ate Paris" sabi ni Neneng kinukurot kurot pa ko sa tagiliran kaya napapaigtad ako.

"Ikaw talaga Neneng lika na nga" sabi ko. Tumingin ako kay Daniel at nagpaalam na.

"Daniel una na ko ah? Salamat ulit sa pagsayaw at dito sa rosas" nakangiting sabi ko

"Basta ikaw ,honeybabes" kumindat naman ito kaya't muli kaming tinukso ng mga tao

"Baliw " sabi ko pero nakangiti at hinampas ko pa sya ng pabiro sa braso ,kinikilig ako eh bakit ba?

"Sige na uwi na ko ah?" Paalam ko ulit

Tumango lang ito ,lumapit naman ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi at minutawi ang mga salita na alam kong hinihintay nya.

"I love you" ani ko at naglakad ng mabilis papuntang bahay nakasunod naman sa akin sina Neneng at Johan.

Nakangiti akong pumasok sa bahay at sumunod naman sina Johan na may mapanuksong ngiti sa mukha.

"Ayieee si Ate" ani ni Neneng

Natawa naman ako sa kanya.

Mabilis akong nagbihis at nagluto na ng pagkain para sa hapunan. Dito kasi kakain sina Neneng at Johan kaya naman nagluto ako ng Adobong kangkong na sobra sobra para sa amin dahil ang iba'y ibibigay ko para sa mga bata na nakatira sa tulay.

Matapos ko magluto ay naglagay na ako ng ulam at kanin sa tupperware at lumabas na ng bahay para magtungo na sa tulay. Nang makita ko ang mga bata na nandoon ay may pinag kakaguluhan sila.

Mabilis akong lumapit sa kanila at mukhang napansin naman nila ako ay lumapit sila sakin at niyakap ako. Tuwang tuwa sila dahil may dala na naman daw akong pagkain. Agad silang kumain nakangiti naman akong pinapanood sila ngunit napatingin ako sa batang pinagkakaguluhan nila kanina . Batang babae ito at lalaki na nakasuot na parehong kulay na mukhang mamahalin na damit umiiyak ang mga ito ,sa tingin ko'y nasa pitong taong gulang ito pareho, kambal ata sila.

Lumapit ako at naupo sa harap nila upang mapantayan sila. Ang batang babae lang ang umiiyak at ang batang lalaki naman ay inaalo ito. May kung anong humaplos sa puso ko ng makita ko ang mga mukha nila at tila bigla nalang bumilis ang puso ko ng makita ko sila. Kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko na para bang kilala ko na sila ng matagal.

"Mga bata ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanila ,napalingon naman sila sakin at nagtama ang mga mata naming tatlo.

Dark gray eyes,ang kulay ng mata nilang parehas , ang labi nila'y sing pula ng sakin at ang kulay ng buhok ay light brown ,maputi ang kulay ng balat nila at may hahahabang pilikmata at matangos na ilong.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang itsura nila hindi ko alam kung bakit. Ngayon lang ako nakaramdam na parang gusto ko silang yakapin at hagkan.

Bakit ganito nararamdaman ko? Anong meron sa mga batang ito? Bakit...bakit parang matagal ko na silang kilala?

Vote|Comment

PARIS (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon