Mabilis lumipas ang araw at dalawang buwan na ang nakakalipas at hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung kambal. Ewan ko ba minsan feeling ko kasi may koneksyon ako sa kanila kaya lagi ko silang naiisip.Kapag naiisip ko sila titingnan ko nalang yung kwintas na naiwan nila. Natatandaan nyo yung kwintas na suot ni Parsha? Naiwan nya dito.
Maaga kong nagising ngayon para pumasok sa trabaho. Si Dennis din hindi na nagparamdam mula ng dumating ang kambal. Minsan naiisip ko may halaga pa ba ko sa kanya? Ni hindi manlang sya tumawag o magtext, pero ganon pa man di ako makaramdam ng sakit sa dibdib ko, ang nararamdaman ko lang ay tampo dahil sa di nya pagpaparamdam.
Natigil ako sa pag iisip ng may kumatok sa bahay.
"Ate Paris!" dinig kong tawag ni Neneng sa akin mula sa labas habang kumakatok. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon.
"Bakit, Neneng?"
"Ate tingnan mo!" sabi nya sabay turo sa labas ng bakuran ko.
Nakatayo doon ang grupo ni Dennis may hawak na lobo at mga bulaklak. Tumingin ako sa paligid, sa dadaanan ko ay may mga petals ng rosas ang nakakalat sa likod naman ng grupo ni Dennis ay may karatula na ang nakalagay ay 'Happy Birthday , Paris/Ate Paris!'
Natutop ko ang bibig ko dahil sa nakita ko, napaka simple nito pero ang ganda dahil nag effort sila. Naglakad ako palabas at tiningnan ang mga tao na nakangiti sakin. Hindi ko manlang naalala na birthday ko na pala.
Lumapit si Dennis sa akin at inabot ang bulaklak na hawak niya. Tinanggap ko ito at inamoy. Tumingin ako kay Dennis at ngumiti.
"Salamat Den nagabala ka pa." ngumiti sya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Alam mo namang mahal na mahal kita, Paris at gagawin ko ang lahat ng ikasisiya mo." napaisip ako bigla ng sabihin niyang mahal nya ko. Pinakiramdaman ko ang puso ko hindi mabilis ang tibok pero sinasabi ni isip ko na mahal ko si Dennis dahil sya nalang ang masasandalan ko.
"Mahal din kita,Den. Oo nga pala bakit noong mga nakaraang buwan ay nawala ka bigla? " tanong ko dito. Nawala ang ngiti nya dahil sa sinabi ko. Natahimik sya. Magsasalita na sana ako ng tawagin ako ni Neneng.
"Ate Paris!" tumingin ako kay Neneng nang tawagin nya ko.
"Bakit?"
"May naghahanap sayo doon sa labasan tatlong lalaki na naka kotse." kumunot ang noo ko. Sino naman ang mga lalaking maghahanap sa akin?
Bumitaw ako sa kamay ni Dennis at nagpaalam para puntahan ang mga lalaking sinasabi ni Neneng. Malapit na ako sa labasan at nakikita kong nagkukumpulan ang mga dalaga sa tatlong kotse na nakaparada doon, hindi ko makita ang mga lalaki dahil sa mga nakaharang.
Binilisan ko ang paglakad at nakiraan sa mga babaeng nagkukumpulan.
"Makikiraan, excuse me." nakahinga ako ng maluwag ng makadaan ako sa kumpulan. Tumingin ako sa mga lalaki at napatameme ng makita ang mga itsura nila.
Ang isang lalaki ay moreno. May kulay kayumanggi itong mga mata, matangos ang ilong, mapula ang labi at nakataas ang buhok na halatang nilagyan ng wax. Ang isang lalaki naman ay mestizo. Kulay abo naman ang mga mata nito, matangos din ang ilong, mapula din ang labi at bagsak naman ang buhok nito. Bumaling ang tingin ko sa isang lalaki. Mestizo ito katulad ng dalawa mapula ang labi at matangod din ang ilong nito pero ang kulay ng mata nito ay parang pamilyar sa akin. Kulay blue-green ang mata nito na seryosong nakatingin sakin at parang hinihigop ako. Ang buhok nito na kulay tsokolate ay gulo gulo pero ang lakas pa rin ng dating nito.
Napakurap ako ng tumikhim ang lalaking moreno at lumapit sakin tsaka ako tinitigan.
"Si Paris ka ba talaga?" tanong nito sa akin. Kumurap ako at lumayo ng kaunti sa kanya.
"Oo ako nga si Paris, anong kailangan nyo sakin?"
Nabaling ang tingin ko sa kotse na kulay mint green nang bumukas iyon. Iniluwa niyon sina Parker at Parsha.
"Mommy!" tumatakbong lumapit sa akin si Parsha at yumakap sa paa ko pati narin si Parker. Napangiti ako at pinantayan ang kambal.
"Parsha. Parker. What are you doing here?"
"Mommy, it's our birthday next week so I together with Kuya Parker, Tito Kurt, Tito Marco and Daddy decided to go here and invite you to our birthday!" she said happily.
"Birthday nyo ba next week? akala ko ba ay padadalhan nyo nalang ako ng invitation e bakit kayo ang nandito?" nakita kong nawala ang ngiti ni Parsha dahil sa sinabi ko.
"Don't you miss us, Mommy? Especially Daddy? Don't you miss our home? How about Spart? Don't you miss them?" paiyak ng ani nito.
"No...no I mean of coures I miss both of you. It's been two months since I saw you of course I will miss you! Both of you." nakangiti kong sabi. Unti unti syang ngumiti at niyakap ako.
"So Mom? Will you come home with us?" tumingin ako kay Parker ng magsalita sya.
"I...ahmm-"
"Kids." napatingin kaming lahat nang magsalita ang lalaking may blue-green na mata.
"What?" Parsha and Parker asked.
"Kung ayaw sumama sa inyo huwag ninyo pilitin." sabi nito ng malamig ang boses at tumalikod na tsaka sumakay sa kulay mint green na sasakyan at pinaharurot ito paalis. Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ng lalaking iyon.
Tumikhim ang lalaking may abong mata at ngumiti sakin.
"Paris, pagpasensyahan mo na iyon ah? Overwhelmed lang iyon dahil nakita ka na."
Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang salitang 'nakita ka na'.
"Anong ibig mong sabihin?" ngumiti nalang ito sa akin.
"Wala mauna na kami sayo muna sila Parker at Parsha l, susunduin ko nalang kayo sa Monday para sa party, hindi kasi maganda ang lagay ng ama nila hehe sige bye, Paris. It's nice to see you again." sabi nito at umalis na at yung moreno naman ay kumaway lang at umalis na din sakay ng kanilang mga sasakyan. Nakatingin lang ako sa mga sasakyan ng mga weirdong lalaking iyon hanggang sa mawala sa paningin ko.
Nabalik lang ako sa pag iisip ko ng kalabitin ako ng kambal. Tumingin ako sa kanila at hinawakan na sila at iginiya papasok sa bahay ko. Ang mga babaeng nakikiusisa kanina ay nawala na din pag alis nung mga lalaki.
Pagpasok sa bahay ay naupo kami sa kusina at kumuha ako ng tubig. Hinarap ko sila Parsha at Parker.
"Daddy nyo ba ang masungit na lalaking iyon?" tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa baso tsaka ito ininom.
"Yes Mom! He's your husband. You don't know him?" nasamid ako sa sinabi ni Parker at napaubo.
Asawa?!
vote|comment
BINABASA MO ANG
PARIS (On-going)
RomanceI don't know anything about my past, but I do know that I love you. - Paris