Nag aayos ako ng gamit ko na gagamitin ko sa trabaho ng may yumakap sa paa ko. Napatingin ako sa paa ko at napangiti. Si Parker at Parsha nasa paanan ko at nakangiti kahit medyo gulo ang buhok nila dahil bagong gising. Sila yung mga batang nakuha ko kagabi ,iniuwi ko sila dito sa bahay dahil iyak sila ng iyak ng sabihin kong ibabalik ko sila sa mga magulang nila."Mga bata ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanila ,napalingon naman sila sakin at nagtama ang mga mata naming tatlo.
Nagsimula na namang kumabog ang aking puso. Kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko sa mga batang ito."Mommy..." ani ng batang babae at agad na tumakbo at yumakap sa akin doon siya umiyak at nagsumbong.
"I'm scared Mommy please let's go home." ani ng pa nito habang umiiyak.
Lumapit naman sa amin ang batang lalaki at tinawag din akong 'Mommy'
"Mommy ,where have you been? " tanong ng batang lalaki sa akin? Hindi ako sigurado kung sa akin dahil bakit naman nila ko tatawagin na Mommy? Wala naman akong anak.
Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap ng batang babae sakin at lumingon sa likod ko ,sa kanan at sa kaliwa. Wala namang tao ako lang at ang dalawang batang ito dahil kanina pa naka alis ang mga bata na umaaway sa kanila kanina.
"Hmm baby di ako ng Mommy nyo ah? Tsaka-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng agad na umiyak ang batang babae. "No! You're my Mom look " sabi nito at ipinakita ang kwintas nya na may picture ng isang babae at lalaki , nagulat ako ng makita ko ang mukha ko doon at ang mukha ng isang lalaki. No maaring kamukha ko lamang ang babae at napag kamalan lang nila na ako ang mommy nila.
BINABASA MO ANG
PARIS (On-going)
RomanceI don't know anything about my past, but I do know that I love you. - Paris