3

3 0 0
                                    


Nakatingin lamang ako kila Parsha at Parker na nakaupo sa hita ng lalaki na kausap ni Mayor kani-kanina lang. Nandito kami sa bahay ko.

"Tito Kel! You know what Neneng teach me how to play 'piko' but she always win." natutuwang kwento ni Parsha kay Kel.

"Really? "

"Yes! And you know what Kuya Parker said he didn't like Neneng , Neneng said she didn't like Kuya too. She said Kuya is so masungit and bossy." humahagikgik na ani nito.

Natawa nalang si Kel sa kanya.
Kung titingnan ang tatlo mukha silang mag aama dahil nga kamukha ni Kel ang mga bata ngunit sabi nito ang tunay na ama daw ng dalawa ay ang kakambal nya na nasa America. Doon nakatira ang dalawang bata kaya minsan lang ito mag tagalog.

"Ahm Paris." tawag sakin ni Kel.
"Bakit?"

"Salamat sa pag alaga sa mga bata ah? Pasensya na din at napagkamalan ka nilang mommy nila kamukha mo talaga si Paris , yung nanay nila." sabi nito ng nakangiti sakin.

"Ayos lang nakakatuwa nga silang tingnan eh."

Ngumiti lang ito sakin. Tumayo na ito at ibinaba sila Parsha.

"Kung ganon pwede ko na sila iuwi?"

Nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang sinabi nya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa di malamang dahilan. Ngumiti ako ng peke sa kanya at tumango.

"O-oo p-pwede na." nauutal na sambit ko. Ano bang nangyayari sakin?

Ngumiti ito at bumaling ang atensyon kila Parsha at Parker.

"Parsha and Parker say goodbye to your Ate Paris." he said.

"Why, Tito? We're going home but Mommy can't go with us?" Parsha asked.

" Yes and Parsha don't call your Ate Paris 'Mommy' , she's not your Mom, ok?" Kel explained.

" No! She's my Mom!" Parsha said at tumakbo papunta sakin at niyakap ang paa ko. Si Parker din ay pumunta sa gawi ko at lumayo sa Tito Kel nila.

"Mommy! You're my Mom, right?" tumingin ako kay Parsha at sumikip ang dibdib ko ng makita ang mga luha sa mata nya. Tumingin ako kay Kel at nakita ko din ang sakit sa mga mata nya habang nakatingin kila Parsha.

"Mommy please tell me. You're our Mom right? Tell us please. And please tell Tito Kel that he's wrong." umiiyak na anito.

Tumingin ako kay Kel at tumango nalang sya sakin. Lumuhod ako para makapantay ko ang dalawang bata.

"Baby , don't cry. I'm your Mom ok? Tito Kel is wrong. I'm your Mom so stop crying." nakita kong lumiwanag ang mukha ni Parsha dahil sa sinabi ko.

"See tito?! She's my Mom! I told you you're wrong!" tumatalon na sabi nito kay Kel.

"You're wrong, Titoooooo." paulit ulit na sabi nito.

Napakasay nito sa sinabi ko kaya wala akong balak na bawiin 'yon.

"Mom! So you're coming with us in America?" natulala ako sa sinabi ni Parker. Tumingin ako kay Kel para humingi ng tulong.

"Ahm Parker your Ate I mean your Mom she can't come with us."

"why?" tumingin sakin si Parker.

"Kasi may trabaho si Mommy, baby and hindi ko 'yon pwede iwanan agad agad, but I promise pag may time si Mommy dadalawin kita sa America, okay ba 'yon sayo?"

Ngumiti ito sakin at tumango tango.

"Okay! Promise me Mom that you will go to our birthday party!" she said.

Ngumiti ako sa kanya at inayos ang buhok nya.

"Of course pupunta ko but please don't forget to give me an invitation!" sabi ko nalang syempre hindi ko alam ang birthday nila.

"Okay!" magiliw na sabi nito.

"So babies, can we go now? Male late na tayo sa flight nyo. Naghihintay na ang Daddy nyo doon."

Tumango tango nalang ang mga bata. Hinatid ko sila sa labas ng bahay hanggang sa maliit na gate ng bahay ko. Nasa labas na kami ng dumating si Neneng at Johan.

"Parsha! Aalis na kayo?" tanong ni Johan.

"Yes! We're going home na but Mommy can't go with us so she'll just visit us when she have enough time." sabi nito ng nakangiti sakin.

"Kailan ulit tayo magkikita kung ganon?" tanong naman ni Neneng na may halong lungkot. Marahil napalapit na sya kay Parsha sa maikling panahon kagay ko.

"I don't know , Neneng. But I promise na babalik kami." Parsha said para mapasigla lang si Neneng.

"Totoo?" tanong naman nito.

"Yup! Ang if you want to , you can come with Mom when sge visit us on our birthday." Parsha said happily.

"Talag--" naputol ang sasabihin ni Neneng ng magsalita si Parker na kanina a tahimik.

"Why do you have to invite her, Parsha?" malamig na sabi nito sa kapatid at tumingin pa kay Neneng.

"Because she's my friend, Kuya." mahinahon na sabi naman ni Parsha at bumaling din agad kay Johan.  "Johan come with Mom too , ah?"

Tumango lang si Johan at ngumiti.

"Oh sige na baka mahuli pa kayo sa flight nyo." sabi ko nalang.

"Ok. Bye Mom! I love you." sabi ni Parsha. Humalik ito sa pisngi ko at sumakay na kotse na dala ni Kel.

" Bye, Mom. Love you." sabi naman ni Parker at hinalikan at niyakap din ako at sumakay na sa kotse.

"Hey." tumingin ako kay Kel ng magsalita ito.

"Thank you ah?" sabi nito ng nakangiti.

"Walang anuman , napakaliit na bagay non para sakin." sabi ko na lang.

"Sige ipadadala ko nalang sa address na ito ang invitation para sa kasal at birthday ng mga bata."

"Ikakasal ka na?"

"Oo so pano? Text or tawagan nalang kita pag may problema sa dalawa." nakangiting sabi nito.

"Sige, congrats ah?" sabi ko ng nakangiti nakakatuwa na ikakasal na ito.

"Salamat sige ah? Bye." sabi nito at sumakay na sa kotse nya. Kumaway ako sa kanila ng umpisahan na nitong painitin ang makina. Hindi ko alam pero nalulungkot ako na aalis ang mga bata. Masakit at nararamdaman ko nalang na may kurot iyon sa puso ko. Namumuo na ang luha ko dahil doon.

"Bye, Mommy! Bye Neneng and Johan!" sabi ni Parsha hanggang sa tuluyan ng umandar ang sasakyan nila.
Nakatanaw lang ako sa kanila at habang papalayo sila ramdam ko na pasikip ng pasikip ang dibdib ko at ang hirap huminga. Ano ba itong nararamdaman ko?

Ang luha na kanina ko pa pinipigilan ay tumulo na. Bakit napakasakit na mawalay sa kanila gayong saglit ko lamang silang nakasama? Bakit ang bilis kong napamahal sa kanila na parang matagal ko na silang kilala? Nakakalito. Ano bang nangyayari sa akin?

Third Person's POV

Habang nasa sasakyan si Parsha at Parker ay napansin ni Parker na parang may kulang kay Parsha.

"Parsha, where's your necklace?" tanong nito sa kapatid.

"Iniwan ko kay Mommy!" nakangiting sabi ng batang babae.

Vote | Comment

PARIS (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon