Episode 2: Prologue

174 9 1
                                    

Hindi namalayan ni KN ang oras at sya ay inabot ng antok. Tila maamong anghel na nahihimbing.

Payapa ang gabi, punong puno ng tala ang langit. Sa di kalayuan, mga sampung gusali lamang ang layo sa Evol Building,  isang anino ang dahan dahang naglalakad, awrang ramdam mo na tila parating na si kamatayan.

××××

Takot at pangamba ang nararamdaman ni ER, iniisa isa na sila ng Shadow of death. Una si Christannia,  sumunod si Mary,  tapos si Era,  kamakailan lang si Shua.

Ang noo'y akala nyang biruan lang ay tila nagbabalik na bangungot sa mga buhay nila.

Alam na kaya nila Feather,  Hailey, Benson at Jake ang tungkol dito?

Sana nga lang ay manatiling ligtas na lamang sila sa America.

Sana hindi na lang nila ginawa ang bagay na yun nung gabing yun,  Disin sana'y buhay pa ang iba nyang kaibigan.

Alam ni ER , na sya na ang kasunod.
Nakikinita nya na sa kanyang isipan, malamang ang isusulat nya

I killed that person that night.
I broke the rules and I am doomed.

Ramdam ni ER na parating na sya. Ilang sandali pa lang ay, may kumatok na sa pinto ng condo nya. At maya maya pa ay tumunog ang telephono nya.

1
Unang tunog na di nya namalayan

2
Ikalawang tawag saka pa lamang nya tiningnan

3
Ikatlong pagtunog, maiksi at mabilis

4
ika aapat ,tila nagbabadya na ito

5
ikalima, kasabay ng mumunting vibration ng telepono, may mga yabag na tila palapit na

6
ika anim na tawag ,nakaramdam ng takot si ER sa pangambang kakaharapin nya.

7
ikapitong pagtunog biglang may ibang tunog na tila sumasabay

8
ikawalo,  isinilent niya ang telepono

9
ikasyam,  di sumusuko ang unknown caller.
tila sinasadya nito ang putol putol na tawag na tila hudyat ng kanyang pagdating

10
ika sampu, Maya maya pa ay bigla ng bumukas ang pinto.

Nandilat ang mata ni ER sa nasaksihan.
Patuloy sa pagpitik ang mga kamay ng orasan , kumalembang na ang malaking kampana sa kalapit na simbahan.

Ang Oras?
4:15 na ng madaling araw.

Miss Detective,  I'm in loveWhere stories live. Discover now