Missing Persons

19 0 0
                                    

Simula daw nuon, sa tuwing may mawawalang mga tao, kagaya ng mga babae, bata at matanda, ito ay inaassociate sa tulay. Ang mga nawawalang tao ay wag na daw hanapin gawa ng ito daw ay ang mga tinatawag na alay.

Ang haka haka o chismis na isang puting van daw ang kumukuha sa mga ito ay nananatiling misteryo.

Ngunit ayon sa datos, Malaking kaso ng missing persons ay naikokonekta sa tinatawag na Human Trafficking.

Kagaya na lamang ng kwento at kaso ni Criselda.

Si Criselda ang batang saksi sa isa sa kontrobersyal na kababalaghan sa San Vicente.

Taong 1996 , ng naging headline ng mga balita at intriga ang testimonya ng 12 taong gulang si Criselda Martirez. Nasaksihan nya sa kanyang mga mata ang harapang pagpatay at pagdakip sa kanyang ina at kapatid.

Si Marta, ang kanyang ina na 29 lamang nuon at ang kanyang bunsong kapatid na si Dominic na 5 taon lamang nuon ay bigla na lang naglaho ng parang bula.

Si Marta ay kilala sa kanilang lugar bilang babaeng mababa ang lipad at maraming nagsasabi na si Criselda ay bunga ng panggagahasa kay Marta nung ito ay 17 taong gulang lamang. Na mga haka haka.

Nungit ito ay pinasungalingan ni Marta, na noon ay marangal na nagtatrabaho bilang tagatinda ng isda sa palengke.

Makailang beses nyang sinabi na ang kanyang asawa ay marangal na tao, at namatay nga lamang ng maaga.

Ngunit dahil sa Chismis ay naging iba iba na ang kwento.

Ilan na lamang dyan ay maaga daw umibig ang kanyang ina at napaniwala sa pangako ng pag ibig ng malaman nitong may asawa na pala ang kinakalantari nitong lalaki. At palihim silang sinusustentuhan.

Ayon naman sa iba, si Marta daw ay isang pokpok na kung sino sino ang lalaki kayat di na nito maalala kung sino ang mga ama ng kanyang anak.

Ngunit ni isa sa mga chismis ay di totoo.

Si Marta ay naging biktima ng human trafficking.
Hindi maalintana na ang pagiging isang single mom at ang maging isang byuda ay napakahirap. Kaya't si Marta ay napilitang mangutang ng perang pampuhunan sa kanyang tindahan, ngunit dahil sa paninirang puri ng mga taong nakapaligid sa kanya, ito ay hindi naging matagumpay kung kaya't kinailangan nilang lumipat ng lugar malayo sa mga intriga at paninira.

Yun ang araw na sila ay nanirahan sa San Vicente. Marami na ang haka haka nuon na isinumpa daw ang San Vicente dahil nga sa mga karumal dumal na
krimen na nagaganap dito. May ilan pa ngang isinisi sa Engkanto, Masamang ispiritu o demonyo.

Ngunit wala daw nuon paki ang ina, Dahil para dito ang mga ito ay hindi totoo. Mas nakakatakot pa raw ang tao, dahil ito daw ang mga totoong may kakayahang pumatay.

-To be continued

Miss Detective,  I'm in loveWhere stories live. Discover now