1 The Nightmare

182 11 3
                                    

Tila naalimpungatan si KN, hindi nya namalayan mahaba na pala ang kanyang naitulog. Ang idlip na dapat ay saglit lang at naging 4 na oras ng himbing.

Nagising sya sa kalembang ng Kampana sa kalapit na simbahan. Nang tingnan nya ang oras tila kakaibang kaba ang kanyang naramdaman.

Unti unting bumalik sa kanyang gunita ang mga tanong na

Anong nangyari sa 4:15 am

Nadagdagan ito muli ng mga tanong ,
Anong meron sa kalembang ng kampana?
Ngayun nya lang ito muli narinig umugong ng ganon kalakas.

Dali daling tumayo si Smile at iniligpit ang kanyang gamit, upang imbestigahan ang pagkalembang ng kampana ng San Vicente Church.

××××

Hindi magawang makagalaw ni ER, gulat na gulat sya sa nakita.

Papaanong nangyari yun?Tanong nya sa kanyang isip
Paano ka nabuhay? Paano ka nakabalik ,kitang kita ko nung gabing yun ang nangyari, paano.

Sinubukan nya sumigaw, ngunit walang tinig na lumabas sa kanyang bibig.

Magpakalalaki ka ER!!!

Mas lalong kinabahan si ER ng magsalita ang nilalang sa harap nya.

"Namiss nyo ba ko?" sabay tawa, tawang nakakapanindik balahibo sa pandinig.
Unti unti itong lumapit sa Kanya at nilapitan sya. Hinawakan nito ang kanyang pisngi na para bang may ginugunita.

Tinitigan ni ER ang mata nito, ang dating malaanghel na pungay nito ay tila napalitan na ng malademonyong kinang, mamula mula ito. At ang dati nyang matamis na ngiti ay tila naging ngisi ng isang baliw.

Muli itong nagsalita.
"Alam mo bang matagal kitang hinanap? Hindi ko na mabilang ang oras at araw. Ngunit sa wakas narito ka na sa aking harapan. "

At bigla itong lumuha na tila nahimasmasan. Kitang kita ni ER ang patak ng Luha nito na tila likidong itim, dala marahil ng eyeliner sa mga mata nya.

"Bakit nyo yun ginawa sa akin? Ano bang naging kasalanan ko? Naniwala lang naman ako sa mga sinabi mo. "

At biglang bumalik ang talim ng titig nito.

××××

Walang tao sa kampana ng datnan ito ni Smile, este ni KN 😂 Ngunit walang humpay pa rin ang pagkalembang ng kampana. Patuloy itong tumutunog na tila hagulgol ng isang ina na malapit na mawalan ng buhay ang anak. Bigla dumampi sa ala ala niya ang Kwento ni Sisa. Nagulat na lamang sya ng tila nagulat ang matandang aleng naglalakad sa tunog ng kampana . Dinig na dinig ni KN

"Sus mar yosep!! May bago na namang kukunin ang itim na anino ng dilim. "

Napaisip tuloy si KN, sya ba ang tinutukoy ng ale, dahil sa nakaitim syang Jacket at marahil tila anino sya tingnan mula sa ibaba?

"Hay naku! Mga matatanda talaga, old school superstition pa rin, pagkamalan ba naman akong anino ng dilim. Tsk tsk "

Pababa na sya ng kampanilya ng salubungin siya ng dalawang paslit na lalaki. Ang matanda ay tila 12 anyos, samatalang ang maliit ay mga nasa pito o otso. Nanlalaki ang mga mata nila ng makita si KN at ang walang humpay na paghagulgol ng Kampana .

"Waaaaaaaaaahhhhhhh, Espin takbo!!!
Andito na naman ang anino ng dilim.
Sigaw ng mas nakakatanda

Ngunit tumutol ang mumunting bata

"Kuya Basil, parang Hindi naman sya nakakatakot eh, tingnan mo sya kuya, mukha syang anghel. "

At nuon din ay nagsalita si KN

"Huwag naman kayo manakot dyan, ako ba yung tinutukoy nyo? Kasi kung hindi malapit na kong maniwala sa sinasabi nyong anino ng dilim. "
Salaysay ni KN habang nagmasid rin sa kanyang likuran.

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!"
Nagtitiling tumakbo ang mga batang paslit.





A/N
Hi guys!!
Alam ko may mga nakapansin na natawag ko si KN as Smile 😂
Sorry po binasa ko po kasi ulit ang Twenty Two Smiles at nagkaroon ng hang over dahil sa comments .

By the way Congratulation Guys!!

By the way Congratulation Guys!!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Miss Detective,  I'm in loveWhere stories live. Discover now