TIME

4 0 0
                                    

*Cringggggg*

Huh? Is that my alarm clock already?

I guess not

"Wake up ! You sleepy head" Boses na ni ate yon ahhh sh** late na naman ako.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at hindi nga ako nagkakamali bunganga nga ni ate Iris yon.

"Ano?! Wala ka pang balak tumayo? " Nakapamewang siya sa harap ko habang nakaluhod sa kama ko
" Ang aga aga pa ate ano ba?! " Sabay tulak ko sa kanya at nagtaklob ng kumot ,  ko ng mata ko   alarm clock.

Sh** 7:30 na!

Napatayo agad ako at tumakbo na sa CR habang ang ate Kong bungangera yon walang katapusang sermon.

Pero di ko na siya pinansin dahil late na talaga ako at tatayo na naman ako sa upuan nito , Math pa naman ang first subject namin at hindi talaga nagpapalagpas ng late si Ma'am Corre.

Pagkatapos kong magbihis kinuha ko agad yung sandwich na saktong kakatapos lang gawin ni mama kinagat ko ito at inayos ang necktie ko.

"Alis na po ako" nagwave lang ako kay ate na hindi pa rin tapos manermo at kumiss kay mama , sabay takbo na mala- naruto papuntang school.

Sobrang lateee ko naa 7:50 na jusmeyo!

Yan lang ang nilalaman ng utak ko ngayon.

Bakit ako late? Well 6:30 lang naman ang pasok namin at dahil may flag ceremony pa ang am session mas maaga ang pasok paktay talaga ako nito sh**.

"Will you stop running? " Hindi ko alam kung sino ang nagsabi non pero boses lalaki siya at kasa likod ko siya.

Shet ngauyon pa ba ako mahohold-up kung kailan late na ako.

"Si-sino ka?" Nauutal na ako shems pero di pa rin ako tumigil sa mabilis kong lakad.

"Huwag kang mautal hindi kita ho-holdapin"  shemss nababasa niya ba utak ko?! Nasasabayan na din niya bilis ko.

"By the way sabi ko nga wag ka magmadali kasi  late ka na rin naman " medyo natatawa pa siya may sapak ata toh eh.

"Wala akong time for you okay " yon lang ang sinabi ko sa kanya tumakbo na talaga ako papasok ng gate.

"Ms. Morales! Your late again " ten ten ten ten ito na shemss

"Sorry ma'am ano kasi"

"Ano na namang idadahilan mo aber?! Na kesyo namatay yung pusa mo kaya late ka pinalamayan at pinalibing mo pa ha?! " shems nababasa ba nila utak ko ? Wala na tuloy akong dahilan.

" Parang ganon na nga ho" sabay kamot ulo ko pa.

"I Don't wanna waste my time on you , Ms. Morales you already know what to do!"

So ending yon ang nangyari nakatayo ako sa upuan ko sa likod the whole period kainis kailan ba ako hindi malelate?!

Lunch break na sa wakas!

Saktong paglabas ko may nakita akong lalaki na kanina pa nakatingin sakin nung nakatayo pa ako sa upuan nginingitian niya ako nangaasar ata toh ahh!

"Psst kanina ka pa nakangiti jan inaasar mo ba ako ha?!" Medyo matangkad siya kaya tumingkayad ako para kunwari maangas.

"Isn't fun?" Ngumisi na siya ngayon nangaasar talaga.

"Anong fun kita mong pinatayo ako don masaya yon?! " nahihigh blood ako dito.

"Nakakatawa lang na wala namang pinagbago nung nagkagebunshin technique ka makapunta lang dito sa paglalakad lang late ka pa rin naman diba ? "

Whut? Anong kagebunshin pinagsasabi nito.

Sasagot pa sana ako ng may humila sa kamay ko si Nicole lang pala bestfriend ko.

"Hoy babae anong nangyari sayo? Mukha kang nagang rape sa kanto , late ka kasi palagi !" Pati siya sasali pa sa pangbubulyaw sakin gaya nitong isa.

Ehhh?

"Nasan yung lalaki dito? "

"Malay ko sayo tara na gutom na ako"

Kasabay ng paghila ni Nicole sa kamay ko parang nagslow motion yung paligid ko sabay may malakas ng hangin na humampas sakin.

"I can be your time"

Bulong ng familiar na boses.

Hindi ako pwedeng magkamali siya yon!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SHORT STORIESWhere stories live. Discover now