Prologue

529 25 12
                                    

"Nagsisisi ka?" tanong ni Liam. He was under the covers next to me. He used his arm to hold himself half-propped, half-lying across me. Pabalik-balik ang isang kamay niyang banayad na humahaplos sa tagiliran ko.

"Hindi... Mahal kita... kaya hindi ko pinagsisisihan ang namagitan sa 'tin."

Nagugulo ang takbo ng isip ko dahil sa ginagawa niya. Iba rin ang dulot ng katawan niyang nakadikit sa akin, walang saplot na nakapagitan. Naglakbay ang kamay niya papunta sa dibdib ko. Hinimas niya iyon. Saglit na huminto ang paghinga ko at kasabay ng pagpisil niya roon ay ang pagbuga ko ng hangin.

"You didn't enjoy it." It was a statement, not a question.

"I did," agad na tanggi ko.

"No'ng umpisa lang siguro." Tumitig siya sa akin.

Hindi ko napigilan ang init na kumalat sa katawan ko. Nakaramdam ako ng hiya. Naalala ko kasi iyong nangyari kanina. Sinubukan kong pigilan siya, no'ng matiyak ko kung saan papunta ang mga halik niya. Pinagdikit ko pang mabuti ang mga hita ko. He was persistent though. Nagtiyaga siyang halikan ang paligid ng kaselanan ko hanggang bumigay ako. I heard him growl with satisfaction when his face was just inches from mine. I felt his hot breath before it was replaced by his warm, wet tongue.

"You weren't with me towards the end, but the next time will be different," patuloy ni Liam. "Was I rough?"

Umiling ako. Masuyong hinaplos ko ang kaniyang pisngi. "You were gentle. Masaya ako na sa 'yo ko ibinigay ang sarili ko."

"Ano'ng gumugulo sa isip mo? H'wag mo nang itanggi, nababasa ko 'yon sa mga mata mo."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago ko sinabing, "Natatakot ako."

"Saan?"

"Na iwan mo. Wala na akong puwedeng ipagmalaki ngayong nakuha mo na ang gusto mo sa 'kin."

"Lara, ngayon mo pa ba ako pagdududahan? Nasa kolehiyo pa lang tayo, boyfriend mo na ako."

"Pero gano'n naman ang mga lalaki, 'di ba? Nagtitiyaga. Nanunuyo. Naghihintay. Tapos tatalikuran ka na lang nang basta-basta 'pag nagsawa na."

Tumawa siya. I liked the sound of his laugh, low and sexy. "It won't happen. Alam mo kung ga'no kita kamahal. Napag-uusapan na nga natin ang kasal."

He dipped his head and kissed me on my shoulder. Pinagpatuloy niya rin ang paglamas sa dibdib ko. Naramdaman ko ang solidong katawan niya nang pumatong uli siya sa akin. Nawala nang tuluyan ang mga agam-agam ko. Dalang-dala ako kaya hindi rumehistro sa isip ko ang ingay na nagmumula sa bag. Napansin ko lang iyon nang huminto si Liam sa paghalik. Sabay pa kaming napalingon sa gawi ng upuang kinalalagyan ng bag ko.

"May tawag ako," sabi ko.

"Hayaan mo na. Titigil din 'yon." Hinalikan niya uli ako.

Sunod-sunod pa rin ang tunog ng cell phone. Naitulak ko si Liam nang may maalala ako. "Si Nanay 'yon. May usapan kami na magkikita. Nagpapasundo siya sa pinapasukan niya!"

"Can't it wait?"

Umiling ako. Humagikgik ako nang makitang umikot ang mata at bumagsak ang balikat niya. "May next time pa naman. Do'n ka na lang bumawi."

Itinulak ko uli siya. Padarag na ibinagsak niya ang katawan sa tabi ko. Hinawi ko ang kumot bago ako tumakbo papunta sa banyo. Ewan ko ba kung bakit nahihiya akong makita niya ang buong katawan ko kahit na may namagitan na sa amin. Kinando ko ang pinto ng banyo para hindi sumunod si Liam. I showered, but I didn't wash my hair. Mahirap na, baka maghinala pa si Nanay kapag nakitang basa ang buhok ko.

Faithlessly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon