"Ano 'yan?" tanong ni Jessica.
Muntik mabitiwan ni Yasmin ang hawak na cell phone. "Kakagulat ka, bigla ka na lang sumulpot d'yan."
"Focus na focus ka kasi sa binabasa mo. Ano ba 'yan?"
"Wala, may tinitingnan lang ako." Itinabi niya ang kaniyang cell phone. Naisip niya, bakit niya gugustuhing magkasakit para lang mapalapit kay Ethan?
"Gusto mong sumama sa 'kin mamaya?"
"Sa'n lakad mo?"
"Magsha-shopping. S'weldo, eh. Saka, kailangan kong bumili ng makeup. Ubos na kasi 'yong lipstick at blush on ko."
Hindi kalakihan ang suweldo ni Yasmin. Tamang-tama lang sa pang-araw-araw na gastusin at sa pinapadala niya sa probinsiya. Kadalasan, humihingi pa ng dagdag na pera iyong magulang niya. Kaya iyong kaunting naitatabi niya, naibibigay niya rin.
"Ano, sama ka?" tanong uli ni Jessica.
"Sige, para malibang naman kahit paminsan-minsan. Lagi na lang bahay-clinic ang routine ko."
"Ayan, napapayag din kita!" Lumapad ang ngiti nito. "Bumili ka rin ng mga gamit mo, ha. Nagsasawa na akong makita 'yang suot mo. 'Di naman masamang tumulong sa pamilya, pero dapat, 'di mo rin pababayaan 'yang sarili mo. Minsan, dapat din nating pagbigyang ang luho ng katawan natin. Mabu-burn out ka kung puro trabaho na lang."
"Magkaiba kasi tayo. Ikaw, p'wede kang magbuhay dalaga. Kaya ng magulang mong pag-aralin mga kapatid mo. Ako, hindi. Mahirap lang kami. Malaki ang obligasyon ko sa pamilya ko."
"Huhu. Kakaiyak ang life story mo, beshy." Jessica pretended to cry, pointing at her face as if there were tears falling.
Hinampas niya ito sa braso. "Hirap mo talagang kausap. Para kang baliw."
"Masyado ka kasing seryoso. I don't know, but I hate hearing distressing stories. Nakakatanda!"
"Sa'ng mall ba tayo pupunta? Saka bukod sa mga bibilhin mo, ano pang gagawin natin?" Yasmin turned the conversation back to shopping.
"Ako nang bahala ro'n." Tumaas-baba ang kilay nito. "Hindi lang ako ang may bibilhin, ha. Pati ikaw. Deal natin 'yan. Or else, 'wag ka nang sumama. 'Di ko kailangan ng alalay."
Sa beauty salon sila unang nagpunta. Napahinuhod na rin si Yasmin na magpagupit ng buhok. Hindi naman siya nagsisi. Her new hairstyle suited her better. It drew attention to her face.
Bumili rin siya ng makeup, iyong mga essential lang. May bitbit siyang dalawang pares ng sapatos, skirt at ilang pirasong blusa pag-uwi niya. Nagastos niya halos kalahati ng perang naipon niya. Nagi-guilty nga siya, ngayon lang kasi siya gumastos nang ganoon, parang nagtatapon ng pera. Pero naisip niya, kailangan niya iyon sa kaniyang trabaho.
Iyon nga kaya ang dahilan? O, tinamaan ang ego niya sa sinabi ni Jessica na wala siyang laban sa asawa ni Ethan?
Whatever her reasons were, she went home with a light heart.
MAAGA pa lang, nasa clinic na si Yasmin. Excited siya. Feeling niya kasi, ang ganda-ganda niya. Bagong gupit, bagong damit, bagong sapatos. At bagong mukha. Nag-apply siya ng makeup for the very first time.
Kunyaring nagulat si Jessica pagkakita sa kaniya. Itinutop nito ang kamay sa dibdib. "Sino ka? Hindi kita kilala! Umalis ka na bago pa ako tumawag ng guard!"
Tumawa siya, mataginting. Umikot siya sa harapan nito. Parang commercial sa TV na sumunod ang buhok niya sa kaniyang galaw. Pakiramdam niya talaga modelo siya, lalo't suot niya ang sapatos na may takong. Nakakadagdag rin pala iyon ng confidence.
BINABASA MO ANG
Faithlessly Yours
General FictionFor Dr. Ethan Olivares, everything that comes his way is a challenge. Hindi siya takot sumugal kasi alam niyang mananalo siya. When he saw Lara for the first time, he decided she is his for the taking. He is determined to have her at all cost. Wala...