Kinakabahan pero determinado. Iyon ang nararamdaman ni Yasmin.
Talagang hinanap niya ang paaralang pinapasukan ng anak ni Ethan. Nakatayo na nga siya sa harapan ng gate at matamang pinagmamasdan ang mga taong pumapasok sa loob. Sigurado siyang tama ang pinuntahan niya. May malaking banner kasi sa gate at nakasulat doon ang aktibidad ng araw na iyon.
Karamihan, sakay ng kani-kanilang sasakyan ang mga estudyante kasama ang magulang at iba pang miyembro ng pamilya. Mayroon ding bumababa sa harapan ng gate at naglalakad na lang papasok sa loob.
Nakahinga si Yasmin. Tamang-tama ang tiyempo niya. Hindi siya mapapansin ng security guard dahil sa sunod-sunod nagdatingan ang mga tao. Nagkunyari siyang kasama ng isang pamilya nang dumaan siya sa gate.
Alam niyang sa gymnasium gaganapin ang event, pero hindi siya pamilyar sa lugar kaya't sumabay na lang siya sa agos ng tao.
Walang naging problema. Nagawa niya pa ngang makipag-usap sa mga magulang ng bata. May nakilala rin siyang titser, Melanie ang pangalan. Baguhan lang at parang magkasing-edad lang sila.
"Sino hong anak n'yo rito, Ma'am Yasmin?" tanong ni Melanie.
"H'wag mo na akong tawaging Ma'am, Yasmin na lang. Naiilang ako, mukhang magkaedad lang naman tayo. Saka wala akong anak, dalaga pa ako." Iginala niya ang paningin sa paligid. Hinanap niya iyong pamilyang nakasabay niya kanina. Nang mamataan niya, itinuro niya iyon. "Pamangkin ko 'yon. Alam mo na, supportive tita. Ako ang paborito niyang tita at s'ya rin ang paborito kong pamangkin."
"Ah, 'yong naka-ponytail na pink ang ribbon?"
"S'ya nga. Kilala mo?" Kumabog ang dibdib niya. Baka mahuli siyang nagsisinungaling.
"Hindi, elementary kasi ang tinuturuan ko."
Pinakawalan niya ang hinigit na hininga. "Preschool pa lang si... si Scarlet." Naalala niyang iyon ang pangalan ng bata nang tinawag ito kanina.
Luminga siya sa paligid. Huminto ang pag-inog ng kaniyang mundo nang mahagip ng paningin niya si Ethan. Hawak nito sa kamay ang anak. Dapat sana'y masayang mukha ang nakapinta sa kanilang mukha. But the two looked lost and uncomfortable.
Ethan was always in control, confident, and even arrogant. Pero ngayon, he seemed out of place, unsure of where to go or what to do next. Ewan ba ni Yasmin kung bakit naawa siya sa mag-ama. Sila lang kasing dalawa ang magkasama. Samantalang iyong ibang bata, bukod sa magulang, kasama pa ang ibang miyembro ng pamilya.
"Nasa nursery si Scarlet, tama ba?" tanong ni Melanie.
Lumingon siya sa kumausap sa kaniya. Scarlet?
Ilang sandaling inisip niya kung sino si Scarlet bago siya nakasagot. "Oo, tama ka."
Sana nga, nursery student si Scarlet, naiusal niya sa sarili.
Minabuti niyang magpaalam na bago pa magkabuhol-buhol ang sasabihin niya. Iisa lang naman ang pakay niya rito-ang mag-ama.
Sigurado ang bawat hakbang niya kahit nangangatog nang bahagya ang kaniyang tuhod.
"Dr. Olivares!" bati niya, her voice laced with surprise.
Kumunot ang noo ng lalaki bago lumiwanag ang mukha nito nang makilala siya. "You're working with us, right? At the reception desk?"
Ngumiti siya nang malawak. "Yes, Doc. I'm Yasmin."
Tumango ito. "Yeah, yeah. Yasmin."
Luminga ito sa paligid, may hinahanap. Kinalimutan kaagad siya.Yasmin tried to ward off her feeling of disappointment. Pinasaya niya ang boses nang sinabi niyang: "S'ya ho anak n'yo, Doc? Ang ganda-ganda niya!" Lumuhod siya sa harap ng bata.
BINABASA MO ANG
Faithlessly Yours
General FictionFor Dr. Ethan Olivares, everything that comes his way is a challenge. Hindi siya takot sumugal kasi alam niyang mananalo siya. When he saw Lara for the first time, he decided she is his for the taking. He is determined to have her at all cost. Wala...