Dr. Ethan was a very generous person.
Matagal nang namamasukan sa kaniya si Nanay kaya't kabisado na nito ang ugali niya, ang mga quirk niya. Tulad ng mga pagkaing malapit pa lang mag-expire, ipinapatapon na niya kaagad iyon. Gusto niya rin na laging bagong luto ang tinapay. Ayaw niya kahit dalawang araw pa lang ang itinagal niyon. Araw-araw dumadaan si Nanay sa bakery para lang bumili ng bagong bake na tinapay. Nanghihinayang si Nanay na itapon ang mga iyon kaya't inuuwi nito iyon. Puwede pa naman kasing kainin. Biruan nga sa bahay na kalahati yata ng kinakain namin, galing kay Dr. Olivares.
Kapag may dala siyang takeaway food at nilagay niya iyon sa refrigerator, siguradong nandoon lang iyon hanggang mabulok. Kaya't hindi na nagdadalawang-isip pa si Nanay, inuuwi kaagad nito iyon. Kahit kailan hindi ito sinita ng amo nito.
Kami nga lang yata ang mahirap na nakatikim na ng lobster. Hindi basta-bastang lobster, luto pa iyon ng kilalang chef sa mga pangmayamang restaurant.
Birthday ni Dr. Olivares noong nagkita uli kami sa pangalawang pagkakataon. Isinama ako ni Nanay sa bahay ng amo niya, kailangan nito ng tulong sa pag-aayos at pagliligpit ng mga gamit kapag natapos ang handaan.
Nagliliwanag ang buong paligid ng bahay. Napapalibutan kasi ito ng maniningning na ilaw na may iba't ibang kulay. Klasikong awitin ang pumapailanlang sa paligid. Nakabukas ang salaming pintuan sa likod ng bahay kaya't malayang nakakalabas-masok ang mga panauhin. Malalanghap sa hangin ang masarap na amoy ng mga pagkain na isang sikat na caterer ang naghain.
Marami siyang bisita. Pinapanood ko sila habang nakatayo ako sa gilid ng bahay, sa lugar na walang makakapansin. Nagulat nga ako nang tumayo si Dr. Olivares sa tabi ko. May hawak siyang kopita sa isang kamay.
"What do you think of the crowd?" tanong niya.
Nablanko sandali ang utak ko bago ko sinabing, "Ehm... m-mukhang lahat sila may kaya, Doc."
Tumawa siya nang mahina. "Most of them are my colleagues. Iyong iba, mga kaibigan ni Papa. So yeah, they're all rich and successful."
Sinulyapan ko siya. Hindi gaanong maliwanag sa kinaroroonan namin, pero naaaninag ko ang hitsura niya. He was wearing a suit, his hair combed backwards. He looked distinguished like the rest of his peers.
Siya iyong tipo ng lalaking magugustuhan ng mga babaeng seguridad ang habol. Iyong kapal ng bulsa ang tinitingnan, hindi iyong panlabas na hitsura. Hindi ko sinasabing pangit siya. Malakas din ang sex appeal niya pero sa edad ko, he seemed foreboding for me.
He had a strong and masculine feature, the kind of face that has character more than looks. Age would be his bestfriend. He would look better as he got older.
Sabi ni Nanay, mahilig daw mag-jogging si Dr. Olivares. Kaya siguro lean ang muscles niya, definitely not the bodybuilder type—wide back, broad shoulder, thick arms and legs. What he had was a body of a runner.
Kung hindi ko nobyo si Liam, magugustuhan ko ba siya? Sasagutin ko ba siya kung sakaling manligaw sa akin?
Siguro, pero ang layo ng agwat ng edad namin. Twenty two pa lang ako. Siya, nasa thirties na.
"How's your boyfriend? Still dating him?"
"Err... y-yes, Doc. Going strong ho 'yong relationship namin."
"Going strong? You're still young to have a serious relationship, you know. You have to explore the world before you commit to just one person."
"Wala naman ho sa edad 'yon. Pareho naman na ho kaming may trabaho ni Liam," defensive na sagot ko.
Matamang tinitigan niya ako. Parang may tumusok na maliliit na karayom sa likod ko. Bakit ba hindi pa siya bumalik sa mga kasama niya?
"This Liam, ano bang natapos n'ya?"
"Engineer ho s'ya at nagtatrabaho s'ya sa isang malaking kompanya," pagmamalaki ko.
"How long have you known him?"
Naiinis na ako sa mga tanong niya. Para kasing gusto niyang palabasin na hindi ko pa kilalang masyado si Liam, pero ipinagyayabang ko agad ang relasyon namin na going strong kami.
Babarahin ko sana siya. Natakot lang ako na magsumbong siya kay Nanay na binastos ko siya. O, 'di kaya'y tanggalin si Nanay sa trabaho at maghanap ng ipapalit rito.
"Matagal na ho kaming magkakilala. First year college ako noon. S'ya, fourth year na."
"How did you meet? Pareho ba kayo ng course?"
"Commerce graduate ako, major in Marketing. Lumaban ako sa beauty pageant ng school. Do'n n'ya ho ako unang nakita."
"Somehow, I wasn't surprised to hear that." Mababa ang boses nito at mahina pa ang pagkakasabi niyon.
"Ano ho?"
Pumihit ito paharap sa akin. Lumiit ang distansiya sa pagitan namin. Pakiramdam ko lang ba iyon, o talagang sinadya nitong lumapit sa akin?
"I wasn't surprised that you joined the competition"—tinitigan niya ang bawat detalye ng mukha ko—"because you're beautiful."
Uminit ang mukha ko. Hindi ako sanay makitungo sa lalaking katulad niya, sinasabi kung ano ang nilalaman ng isipan na hindi man lang iyon sinasala. His nearness was also unsettling.
"T-thank you, ho."
"I bet hindi ka na tinantanan nitong Liam."
May halong kaba ang tawa ko. "Parang gano'n na nga ho. S'ya ho 'yong pinakamasugid na manliligaw ko. Makulit hanggang sa sagutin ko s'ya. Apat na taon na ho kaming magnobyo."
"Pareho pala kami."
Tumaas ang kilay ko, nagtataka ang mga mata.
"I go after what I want like a lion to it's prey." Itinaas niya ang kamay na may hawak sa kopita bago ito tumalikod sa akin.
Nahihiwagaang sinundan ng tingin ko ang papalayong likod niya.
Lions were stealthy animals. They were known for being patient. They stalked their prey quietly until they were ready to pounce.
May koneksiyon ba sa akin ang sinabi niya, o talagang ganoon lang ang kaniyang pananaw kapag may ginusto siya?
Nakailang hakbang pa lang siya, humarap uli siya sa akin. "By the way, don't call me 'Doc', because you're not my patient. And don't address me with a 'ho', I'm not that old." Ngumiti siya para mabawasan ang pagiging maawtoridad niyon. "I'm simply Ethan to you... I'll see you again, Lara."
BINABASA MO ANG
Faithlessly Yours
General FictionFor Dr. Ethan Olivares, everything that comes his way is a challenge. Hindi siya takot sumugal kasi alam niyang mananalo siya. When he saw Lara for the first time, he decided she is his for the taking. He is determined to have her at all cost. Wala...