Author's Note:
Isa pang one shot horror story na ginawa ko...
...noong kasagsagan ng pagkainip dahil sa paghagupit ni HABAGAT.
Handog ko sa inyo para sa 1ST ANNIVERSARY ko sa WATTPAD.
Dedicated to Ms. Yume dahil pinagbigyan niya kaming mga readers niya, nang i-update niya ang "NOTUS CERTANUS Season II ". Aabangan ko uli yung mga susunod na chapters! God Bless.
X|S
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Halos maghahating-gabi na nang matapos ang serbisyong ginawa ni Nana Iska sa malaking mansyon ng pamilya Sta. Maria.
Ayaw sana niyang tanggapin ito, dahil nga sa sama ng panahon. Napakalakas ng ulan at ihip ng hangin dahil sa bagyong sumasalanta ngayong linggo. Pero nang alukin siya ng malaking halaga ay napilitan na lang siyang pumayag.
Pagkalabas niya ng malaking bahay ay ihinatid pa siya ng katiwalang lalaki palabas ng gate.
" Sige, dito na lang ako. " paalam niya rito.
Pansamantalang tumila ang ulan kaya naman sinabi niyang wag na siyang ihatid pauwi.
" Isasakay ko na lang po kayo ng taxi Nana Iska. " alok pa sa kanya nito.
" Wag na, ako ng bahala sa sarili ko. " masungit na sagot sa kanya ni Nana Iska. Tinalikuran pa niya ang lalaki para tumawid na sa kabilang kalye.
"Sige po, ingat na lang po. " magalang pa ring sagot ng katiwala.
Ilang minuto na ang lumipas, marami ng nagdaang taxi sa tapat niya. Pero tinatanggihan lang niya ang sumakay dito, dahil gusto pa lang niyang sa jeep na lang sumakay para makatipid ng pamasahe. Ayaw kasi niyang mabawasan pa ang malaking halagang ibinayad sa kanya.
" Ano ba yan,wala pa ring jeep! Sa'n na ba yung mga hayup na drayber na yun. " pagmamaktol niya sa sobrang pagkainip. " Tumila na ang ulan ay takot pa ring pumasada. " sumbat pa niya.
Isa na naman taxi ang huminto sa kanyang harapan.
" Nay, sakay na po, baka abutin pa kayo ng malakas na ulan..." magalang na alok sa kanya ng payat na drayber nito.
" Sabing ayoko ko eh. " galit na sagot ng matanda.
"Sige na po. Baka ho umulan pa ng malakas maya-maya." paliwanag pa ng drayber dahil sa awa sa matanda. Napakapayat kasi nito, halatang napakatanda na ng edad. Nasa 60 plus sa tingin niya.
" O sya, sasakay ako kung bababaan mo ang singil mo sa'kin. "
" Opo Nay, yung sapat lang po para sa mga senior tulad nyo. "
" Pero gusto ko yung mababa pa dun..." giit pa ni Nana Iska.
Napakamot sa ulo ang drayber dahil sa hinihiling ng matanda. Pero nananaig pa rin talaga ang awa niya dahil nakikita niya kay Nana Iska ang kanyang yumaong lola.
" Eh san po ba kayo uuwi? "
Hindi na niya inisip na babaratin lang siya ng pamasahe nito.

BINABASA MO ANG
Misteryo
ParanormalAng MISTERYO - Hiwaga ng Buhay ay naglalaman ng iba't ibang kuwentong katatakutan at puno ng hiwaga... * Rainbow Girl * So call you maybe... * Iyak * Balat