Misteryo | "...so call me maybe. "

1.8K 28 6
                                        

Author's Note:

Ito na po ang second one shot horro story na ginawa ko...

...noong kasagsagan ng pagkainip dahil sa paghagupit ni HABAGAT.

Handog ko sa inyo para sa 1ST ANNIVERSARY ko sa WATTPAD.

Dedicated to Ms. AegyoDayDreamer dahil nagustuhan ko ang kanyang mga kwento, lalo na ang Wizard's Tale, dahil mala-Harry Potter. :D

CAST:

Xerun Salmirro as Mervin Capistrano

Myrtle Gail Sarrosa as Ynna

X|S

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[ You had been registered to TALK20 valid for 1day. To call, dial *6630 + 11-digit SMART/ TNT number. ]

" YES!!! "

Napasigaw si Mervin sa sobrang saya nang matanggap na niya ang notification mula sa SMART. Patakbo siyang bumalik sa kanyang kwarto para kunin ang kanyang maliit na notebook.

Napapangisi pa siya habang dahan-dahang binubuklat ang mga pahina nito.

" Ikaw muna ngayong gabi..." aniya habang nakaturo ang kanyang hintuturo sa numerong nakasulat.

Idinial niya ang numerong ito.

Napangisi na naman siya nang marinig ang pagring ng kabilang linya.

" Hello Dad, kamusta na po si Mommy??? "

Halatang-halata sa boses ng babaeng kanyang kausap ang sobrang pag-aalala.

" Dad??? "

Tanong uli ng babae nang di pa rin sumasagot si Mervin.

Bigla na lang niyang kinansel ang tawag, saka muling tinawagan ang numero ng babae.

" Daddy, papunta na po ako sa hospital ngayon. " garalgal na sabi ng babae dahil sa pag-iyak.

" Wag na...patay na kasi ang mommy mo. " seryosong sagot ni Mervin.

" Ha?!!! "

" Hahaha! "

Tuwang-tuwang si Mervin nang muli niyang kinansela ang tawag ng babae. Kaya naman ito na ang tumawag sa kanya.

" Hello, sino 'to? Totoo ba yung sinabi mo? "

Sunud-sunod na tanong sa kanya nito.

Pero malakas na halakhak lang ang isinagot ni Mervin sa kawawang babae.

" Haha, may naloko na naman ako..." sabik na sabik niyang sabi habang tinatakpan ang mouth piece ng kanyang cellphone.

Isang siraulong prank caller lang naman si Mervin Capistrano. 20 years old na tambay sa kanilang tindahan. Kaya naman pag wala siyang magawa, o kaya naman pag tinatamaan ng pagkapraning, naghuhula siya ng mga cellphone number na tatawagan niya at lolokohin to the maximum level.

Ang babaeng ito ang kanyang ika-613 na naloko.

" Sandali lang..."

Napahinto siya sa pagtawa nang biglang mawala ang boses ng babae. Pero may naririnig pa rin siyang ingay sa kabilang linya.

MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon