Author's Note:
Hindi ko po alam kung ano ang naisip ko para ipost ito dito sa Wattpad hehe! Isinulat ko kasi ito nung down na down ako habang naghahanap ng trabaho.
Pero ngayon, natatawa na lang ako pag binabasa ko 'to. Ang EMO-KULETZ ko dito eh.
X|S
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagising na lamang ako dahil sa isang butil ng tubig na pumatak sa aking mga mata. Sa aking pagmulat, nakita ko ang isang bagong kapaligiran.
"Nasa'n na ba ako?" tanong ko sa aking sarili.
Napakaingay ng buong paligid. Pawang mga busina ng mga sasakyan ang umaangkin sa katahimikan ng isang mahabang kalsadang puno rin ng mga di mabilang na taong nagdaraan.
Tumayo na ako upang mabatid kung nasaan nga ba ako. Di kaya saklaw ito ng aking panaginip?Alam ko kasi ay sa bahay namin ako natulog kagabi. Bakit ngayon nandito na ako sa lugar na ito?
Pagtayo ko saka ko napansin na nasa lilim pala ako ng isang puno ng acacia.
"Pa'no ko nakatulog dito?" Tanong ko muli sa aking sarili.
Sa tigas ng lupang tinubuan ng puno, tiyak akong walang kayang matulog rito. Ewan, marahil siguro kapag talagang pagod na pagod na.
May dalawang piraso ng papel ang nahulog mula sa hawak kong envelope. Ang dalawang pahinang bumubuo sa aking resume. Kaya naalala ko na, nag-aaplay pala ako kaya narito ako sa lugar na ito. Marahil dala ng labis na pagod ay naisipan kong maupo sa lilim ng puno, ngunit di ko na namalayang dinalaw ako ng antok.
Sa pagdaan ng tatlong saleslady ay nabatid kong nasa Makati pala ako. Dito nga pala yung kompanyang inaplayan ko. Nahagip ng aking mga mata ang mga kamay ng relo ng isa sa mga babae. Alas kwatro na pala ng hapon.
Naglakad na ako palayo sa puno upang makauwi na. Siguro kanina pa ako hinihintay ng Mama ko. Dumukot ako ng pera sa aking kanang bulsa. Ngunit wala akong nasalat na anuman maliban sa isang barya. Pagtingin ko ay limang pisong barya lang pala.
"Pa'no na 'to?Pa'no ko makakauwi?"
Wala na akong pamasahe pauwi. Naubos na ata ang pera ko ng di ko namamalayan. Malayo rin kasi yung Makati eh. Isa pa ngayon lang ako nakarating dito. Kulang pala ang baon kong pera.
Kinapa ko naman ang kaliwang bulsa ko. Nagbabasakaling may naiwan pang pera rito, pero wala na talaga. Naroon lang ay ang 3310 unit na cellphone ko. Regalo ni Mama nung birthday ko noong nakaraang linggo.
Nakita ko mula sa rito ang anim na text mula sa girlfriend kong si Jasmine. Tinatanong niya kung nasaan na ba daw ako. Di ko na nareplyan kasi na-check operator na ako. Ubos na rin pala pati load ko.
"Malas talaga!" sigaw ko sa inis.
Badtrip naman talaga. Pa'no na ako makakauwi nito? Kung natanggap lang sana ako bilang Encoder of kahit Office staff lang sa inaplayan ko kanina, sana kahit pa'no ay masaya ako ngayon. Pero di ako natanggap eh. Lasma lang talaga ako.
Alas syete palang ay narito na ako sa Makati. Maaga para ma-impress ang employer baka sakaling matanggap agad ako. Kasama ko dapat ang bestfriend kong si Emman,p ero iniwan ako sa ere. Di ako sinipot, pero okay lang babawian ko siya pag nagkita kami.
Talaga atang ganito na ang kahihinatnan ng mga gaya kong college graduate. Akala ko pag nakapagtapos na kami ay madali ng makakahanap ng trabaho, di pala. Mali ako sa bagay na iyon. Mabibilang lang din pala ako sa ilang libong taong walang trabaho sa Pilipinas. Dakilang tambay sa bahay bilang mga pa-la at kain-tu.
BINABASA MO ANG
Misteryo
МистикаAng MISTERYO - Hiwaga ng Buhay ay naglalaman ng iba't ibang kuwentong katatakutan at puno ng hiwaga... * Rainbow Girl * So call you maybe... * Iyak * Balat