Chapter 3: The Contract Marriage

1 0 0
                                    

'The Contract Marriage'

As a sign of our love, in every beat of our green heart, and bringing a sunshine into each other when our skies are gray.
This contract will be the attest of our love.

As you sign this, you agree that me and you will gonna live happily.


________________
Husband


____________
(Y/N)
Wife

,,,,,

Nang matapos mo itong basahin, bigla ka nalamang napasalampak sa kama at hinagis ang papel na hawak mo. Napabuntong hininga ka nalamang at hindi makapaniwala kung paano ka nalagay sa ganitong sitwasyon at bakit sa dinarami-daming babae sa mundo bakit ikaw pa ang napili na gumanap ng ganitong klase sa buhay.

Muli mong pinulot mula sa sahig ang kontrata at paulit-ulit na binasa ang laman nito.

"Tss..." Pailing-iling mong sabi dahil sa salitang 'in every beats of our green heart' na nakalagay sa kontrata. Gusto mong tawanan siya dahil sa paglagay ng kulay berde kahit na pula naman talaga ang kulay ng puso lalo na't ito ang nag-papump ng blood sa ating katawan.



Muli mo namang tinitigan ang perma niya, at lalo kang napahagikhik sa isipan mo dahil sa hugis itong puno. Muli ka namang napaisip,

"Ang kulay ng puso niya ay green, tapos ito namang perma niya puno at may dahon, at ang kulay ng dahon ay green! Tss.. Malamang favorite color niya ang green."

Ngunit mabilis na nawala sa isipan mo ang mga ito at narealize na walang pangalan niya ang nakalagay, tanging perma niya lang ang sinulat niya at 'BTS Jhope' sa loob ng dahon ng puno. Libo-libo na namang thoughts ang tumama sa isipan mo kung ano ang kahulugan ng Jhope, iniisip mo rin na may kilala o nakilala ka bang Jhope ang pangalan noon...ngunit sa kasamaang palad, wala.



Wala nga ba? O wala ka lang talagang matandaan. Hmm...

Nagtataka ka rin kung bakit alam na alam niya ang buo mong pangalan. Naisip mo nalang na baka matagal ka na niyang ini-istalk at ngayon lang napagpasyahan kidnapin ka at dalhin sa hindi pamilyar na lugar.

At dahil sumasakit lang ang ulo mo, napagpasyahan mo nalang na kunin ang ballpen sa mesa at buong desisyong pinermahan mo iyon.

Para din naman ito sa kabutihan mo at sa pagsagip ng virginity mo. Kaya pinermahan mo nalang.

My Romantic Kidnapper (Jung Hoseok X Reader)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon