4

8.7K 96 4
                                    

I went back to the receiving area only to find out na magsisimula na daw ang meeting namin. Gosh, uhaw na uhaw na talaga ako. Ano ba tong resort nila't wala man lang nagseserve na mga waiter? Maybe I should suggest that later in the meeting.

"Magsisimula na?" Tinanong ko si Jakee habang nag-aayos ako sa upuan ko.

"Oo. Saan ka galing?"

"Ah dun lang sa tabi tabi. Nauuhaw kasi ako, eh wala naman akong nakitang maaaring hingan ng tubig." Tumatango tango lang si Jakee nang nakita naming may babaeng tumayo sa aming harapan. She looks like in the age of mid thirties, wearing a pencil skirt, ruffled white top and jet black blazer. She paired them with black wedges too.

"Good evening and welcome to Isla Del Fuego! I am Elena Bustamante, the manager of Salagdoong Beach Resort. I will guide and rate you according to your performance for your OJTs. So it means, sa akin naka base ang inyong future grades." She laughed at her own words kaya napangiti din kami sa sinabi niya.

Maam Elena explained to us the mechanics on how the OJT will go for us. She also shared to us her early years of working here in the resort, how she got her ranks, and how good the owner of the resort is.

"In fact we have Mr. Riego here tonight. Good evening Sir!" She pointed out her hand sa aming likuran dahilan kung bakit napatingin nadin kami sa likod. Nagpalakpakan ang aking mgakasamahan pati narin si Mrs. Arcilla. Habang ako ay nakatunganga lang.

What the? He can't be right?

"Bes! Tignan mo oh! Siya yung may ari." Awe were in Roseth's words.

Hindi ko ma proseso sa aking utak na siya ang owner ng resort. How can he be so public of his affection with his girlfriend?

"Ang gwapo!" Rinig kong sabi ni Lynea habang nakikipag chismisan kina Liz. Napairap nalang talaga ako sa kawalan. Pati si Mrs. Arcilla ay parang nakakita ng masigabong showdown sa kakatutok niya sa lalaki.

"Bes! Ano ka ba at estatwa ka dyan!" Pinagpalo palo pa ako ni Roseth nang hindi pinapahalata. I just sighed in disbelief. Nakipagkamayan siya sa mga lalaki at isang ngiti lamang ang binigay niya sa mga babae.

"Good evening once again. I see you have met Elena." He glanced at Maam Elena and nodded.

"Ako nga pala si Mikael Riego, owner of Salagdoong Beach Resort. I've been running this resort with Elena for 5 years at ngayon lang kami nakatanggap ng mga OJT students. So it's a great privilege for us, to cater you." I couldn't look at him straight in the eye, palagi kong ginagala ang mga mata ko sa iba't ibang bagay at kapag napupunta ang mga ito sa kanya ay tumitingin din siya sa akin.

Marami rami siyang sinabi sa amin tungkol sa resort at nang mag alas syete y media na ay napagpasyahan naming lahat na mag dinner sa resto. It's a group dinner kasama si Maam Elena at Mr. Riego kaya hindi ako masyadong mapakali.

"Quin! Ano ka ba! Kanina ka pa tahimik, na mimiss na kita!" Inirapan ko lang si Roseth, nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sa kanya ang pagtatagpo namin ni Mr. Riego kanina o hindi.

"OA mo. Ilang oras lang yata tayong hindi nagkausap." I scanned through my facebook feed habang naghihintay sa food namin at kay Mr. Riego. Nakita kong mayroon ng mga post ang iba naming kaklase na nasa ibang resort. Naibalik ko lang ang atensyon ko sa hapag nang tumikhim si Shy sa pagdating ni Mr. Riego. Sino kayang malandi ngayon, tsk.

"Did I keep you guys waiting?" His baritone voice sent shivers down to my spine especially when looked at me longer. And gosh it felt like hours!

"Hindi naman po Sir, the food is not yet served." Mrs. Arcilla answered. Napatingin ako sa kasama ni Mr. Riego at saka ko lang na realize na siya yung babaeng kahalikan niya sa balcony! She is wearing a white body con dress paired with white stilletos too. She looks sophisticated, with her high cheek bones and heart shaped lips.

Mr. Riego smiled at Mrs. Arcilla as he offered a seat for the lady with her.

"I would like to introduce to you all, Sahara Gordoncillo." Sahara smiled sweetly. I gave them both my smile but sandali lang. Ayaw kong makipagplastikan so I showed them that I'm not interested with whatsoever they are talking about.

The food was served at dahil uhaw na uhaw ako, inuna kong inumin ang drinks.

Siniko ako ni Roseth. "Masyado ka atang uhaw bes!" Habang tumatawa. Nakita kong napatingin si Mr. Riego sa akin.

Pinandilatan ko si Roseth ngunit ngumiti din para hindi mahalata.
"Eh kasi naman bes, hindi ako binigyan nung waiter kanina eh. Parang wala lang sa kanyang may babaeng nauuhaw."

Sinadya ko talaga upang marinig ni Mr. Riego ang aking sinasabi. Hah! Serves you right mister.

"It's just so disappointing Mr. Riego, wala bang hospitality ang mga service crew niyo rito?" Umigting ang bagang niya. Napatingin din sa akin ang mga kasamahan ko. Pati si Shy, na sa kabila ng pagiging maldita niyay nagawa kong paawatin siya't tumingala sa akin.

"If what you mean is what happened earlier, then I'm so--"

"No, no, no. It's perfectly fine Mr. Riego." I cut him off and smiled sarcastically. Nakita ko siyang tumikhim. Sumulyap ako kay Sahara at nakita kong nakasulyap din siya sa akin. Umiling iling lang si Mrs. Arcilla, ang iba naman naming kasama ay busy sa kani kanilang pag-uusap. Si Roseth ay nag ngising aso lang.

"Bes, kilala kita." Alam ko na ang sasabihin ng isang to. Napagpasyahan namin ni Roseth na mag lakad lakad na muna sa resort bago matulog. Panay ang tanong niya kung anong meron sa pag-uusap namin ni Mr. Riego.

"Ano bang pinagsasabi mo Roseth? Hibang ka ba?" Umiling ako at saka tumawa.

"Hindi mo matatago yan sa kin. Bruha ka talaga, ano ba kasi! May hindi ka talaga sinasabi eh." My bahid ng pagtatampo ang kanyang boses. Hinila ko siya sa isang sulok na cottage ng resort at sinabi sa kanya amg nangyari.

"Hahahahaha! Talaga bes?! Nakuha mo pa talagang maging mataray ah. At napag tyempohan mo pa talagang owner ng resort na ito." Humagalpak sa tawa ang loka. Tinikom ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Kahit kailan, ang laki talaga ng bunganga mo Roseth! Nakakarindi!"

"Eto naman, natutuwa lang naman ako. Eh ngayon ka lang kaya ulit nagkwento tungkol sa lalaki mula nung naghiwalay kayo ni Jasper." She pouted. Oo nga, noon kasi palagi kong kinikwento sa kanya ang mga kagagahan ko sa lalaki.

"Sabagay, sino ba namang aayaw sa halik ng isang Mikael Riego?" Sabi niya with matching taas kamay pa na parang nag woworship. Loka.

Tawang tawa kami sa aming pinag-uusapan. Hindi namin namalayan si Mr. Riego na nasa kabilang cottage lang pala naka istambay. Teka, di kaya narinig niyang pinag-uusapan namin siya?

Siniko ko si Roseth. Kumunot ang kanyang noo at tumingin sa kung saan ako nakatingin. Nang makita kong nakatingin din si Mr. Riego sa kung nasaan kami ay umigting ang kanyang bagang at tumikhim. Dali dali kaming naglakad ni Roseth nang nagsalita siya.

"Going somewhere? I overheard you talking about me." He said with all his confidence.

"Excuse me? W--" I was cut off of what I was about to say.

"Uh. Goodevening po Sir Riego. Nag-usap lang po kami ni Quin tungkol sa resort niyo." Sabi ni Roseth. He nodded while looking at me like he's waiting for my reasons.

"A-ah hehe. Yes Mr. Riego. R-Roseth is right. You have a wonderful resort and we admire it as well." Damn, did I just stutter?

"Mabuti naman. At ayaw ko ng mga tsismosang trabahante." He said coldly dahilan kung bakit matalim akong napatingin sa kanya.

How dare he accuse us as gossipers?!

Tamed (Isla Del Fuego Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon