10

7.1K 84 0
                                    

"Ma kakadating lang namin sa pier." kausap ko ngayon si Mama sa cellphone dahil kakadating ko lang sa Dumaguete galing Siquijor. Sabado ngayon at naka pag decide akong bumisita muna kay Mama. Si Roseth naman ay nasa kanilang probinsya sa Siquijor.

"Okay Nak. I'm here sa Robinsons, nag order ako ng lunch for us. I'll text you the details okay? Ingat ka."

I smiled at her words. "Sge po, I'll be on my way. Ingat ka din." and turned the call off.

Dumiretso lang ako sa lugar na tinext ni Mama sa akin since hindi naman gaano ka dami ang dinala ko. Isang duffel bag lang namam dahil babalik rin naman ulit ako bukas sa Siquijor.

"Quin! Anak." Mama hugged me tight nang nakita niya ako. I can't help but hug her the same way too. At hindi ko na rin napigilan ang iilang luha na namumuo sa aking mata.

"Ma, kamusta?" we took our seats in the table she reserved for two. I looked at her closely and marveled sa kaniyang magandang hugis nga mukha at kayumangging mga mata. Maganda si Mama, puting makinis at matangkad. Minsan naiisip ko kung bakit morena ako eh parehos namang maputi si Mama at Papa.

"Ayos lang ako hija. Ikaw? How's your OJT? Pansin kong medyo busy ka doon ah? Masungit ba ang boss mo?" now that she mentioned it, saan kaya si Mr. Riego ngayon?

"Hindi naman masyado Ma. At saka, mabait si Mr. Riego." I reassuringly smiled at her ngunit si Mama ay nabigla sa kaniyang narinig.

"Did you just say he's a Riego?" ang kaniyang mga mata ay kumikinang sa interes. Hay nako si Mama talaga.

"Yes, and he's just hmm I don't know. Maybe 5 or 6 years older than me?" i said habang sinisimulan ang pag kain ng nasa harap namin.

She eyed me carefully, like it's a big thing to be with a Riego.

"You know, parang kakaiba lang."

"Ang alin?" I asked her, confused of what she was saying.

"Riegos are known for their power and riches. But that is in Manila, Ilo-ilo, Costa Leona or I don't know anywhere else. But not in Siquijor."

Riego. Wala akong maalalang kakilalang Riego, kundi ngayon lang. At si Kael iyon. I don't know what's up, pero pakiramdam ko sasakit ang tiyan ko sa nerbyos.

"Ma, maybe it's just a coincidence that he has the same family name with the Riegos you are talking about. Alam mo namang may nangyari ng ganyan. Dba?"

Tumango lang si Mama, convinced of my answer. Natapos ang kainan naming iyon na nag-uusap lamang tungkol sa aking pag o-OJT at kung gaano siya ka bagot na mag-isa siya sa bahay. It was the first time after a long time we went shopping. Binilhan niya ako ng bagong sapatos, mga pantalon at saka formal dresses. Dito muna ako matutulog sa amin dahil Sabado naman at bukas na ako babalik sa Siquijor.

I ran my fingers through my hair before going to bed. Habang nakahiga ako, I couldn't stop myself from recalling how soft and how good his sheets smell. Pinikit ko ang mga mata ko, nagising lamang sa isang tawag galing sa isang unregistered number.

"Hello?" I heard a deep sigh on the other line.

"Yes, hello." May baritonong boses ang nagsalita.

"Sino to?"

I have this feeling.

"It's me." I knew it. Abot tahip ang kabog sa aking dibdib. Why am I feeling this anyway? Eh kakausap palang namin ni Mama sa kanya't agaran na siyang nagparamdam?

"Mr. Riego. N-napatawag k-ka?" I could almost imagine his smirking face now. O di kaya'y ang pakikipagsama niya sa mga babae naman. Bitterment filled my system.

Tamed (Isla Del Fuego Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon