"Okay, line up muna!" Sigaw ng aming teacher. Andito kami ngayon sa tapat ng welcome board ng Isla. I roam my eyes around and admired its fascinating beauty of their landmarks.
"Bes! Excited na talaga ako! Sana ay sa magandang resort tayo i-assign." Roseth just can't stop nagging about the resorts that can be found in the island. And I must say, kahit na sa pag apak pa lamang namin dito sa isla ay manghang mangha na ako nito.
"Since there are 24 of you in this batch, ihahati ko kayo sa tatlong grupo. So each group will have its eight members." Agad namang nagbulong bulongan ang aming mga kaklase sa kung sino ang makakasam nila sa grupo. Well as for me, kung kasama lang kami ni Roseth ay ayos na.
"Heps! Heps! Heps! Syempre, ako ang mamimili kung sino ang ikakasama niyo. So each group will be assigned to different resorts. It will be a cycle every month so each group will have the chance to be in different resorts." Excited ang aming mga kaklase sa pag explain ni Mrs. Arcilla tungkol sa groupings. Kaya sinimulan na niyang tawagin ang iba't ibang mga pangalan para sa mga grupo. Huling grupo na at hindi pa kami natatawag ni Roseth ibig sabihin ay magkasama kami.
"Para naman sa group 3. Jakee Abueva, Dominique Elwin Acosta, Lizondrah Feliz Uy, Brian Chuang, Rosario Margareth Nicolas, Shynyah Mel Ruiz, Jasper Mercedito at Lynea Lim." Tumili naman si Roseth sa kanyang narinig. May pa talon talon pa talaga. Umiling lang ako sa kanyang reaksyon at tumawa.
Sa likod namin ay tuwang tuwa pa si Shy na magkasama pa talaga sila ni Jasper. Sabi ni Mrs. Arcilla ay sa Salagdoong Beach Resort ang grupo namin ma a-assign. Kaya naman si Roseth ay hindi na talaga mapakali. May van na nagsundo sa amin at habang nasa loob kami patungong resort ay tanaw ko ang magagandang tanawin ng Isla.
Mga malalaking rock formations ang makikita sa gilid ng highway kung nasaan kami ngayon at kung sa kabila naman ay mga bulubundukin at matatayog na punongkahoy ang makikita. I can't help but wonder on this island. How will it feel to live on this peaceful place? Away from the crowd, away from traffic and pollution. It is such a relaxing place to be.
Medyo malayo layo pa ang byahe kaya naman pagdating namin sa resort ay gutom na gutom na kami. Kumain muna kami sa kanilang restaurant by the sea. Fresh sea foods were served at their best and also fresh buko juice na nasa bukong pa talaga ang mismong buko!
"Okay! Girls? Boys? Magpahinga muna kayo sa rooms niyo. One room ay tig apat kayo. Balik kayo sa receiving area by 6pm."
Agad kaming dumiresto ni Roseth sa aming rooms. Kasama namin doon si Shy at si Jakee. Kahit kailan talaga, naniniwala ako sa kasabihang 'sa isang grupo, may iba talaga'. Ang I believe si Shy yon. Napatawa ako sa aking iniisip at umiling nalang. Sky blue ang interior ng room namin, may aircon, mayroon ding dalawang ceiling fan na medyo antique. Mayroon ding veranda na nakaharap sa dagat at rock formations ng resort. Galing dito ay tanaw ang puting buhangin ng resort and the blue pristine waters. Napakaganda din ng mga corals na nakikita galing dito sa veranda.
Dahil sa interes ko sa resort ay nagpasya akong maglibang.
"Seth, labas muna ako." Tinanguan lang niya ako habang may kinakausap siya sa kaniyang cellphone.
I'm wearing a beige colored sleevless romper. Sa hem nito ay may detailed design that makes it look bohemian. Medyo v-neck din ang design ng neckline nito at medyo kita ang aking cleavage. Nakalugay lang ang aking buhok dahil feel na feel ko ang hangin ngayon. My skin tone complemented the color of my romper dahil hindi naman ko masyadong kaputian. Matangos naman ang aking ilong at ang mga mata koy kulay brown. Other people describe my beauty as either eastern or Latin.
Dala ko ang aking instax habang naglalakad ako sa puting buhangin. It's still 4 o'clock in the afternoon ngunit nagsisimula ng maging kulay kahel ang langit. Nilaro ko ang mga pebbles sa dalampasigan.