"Where's Iya?" tanong ng daddy niya during dinner. Katatapos lang niyang magluto nang dumating ito. Agad itong pumunta sa kusina para kumain. Even though his dad works at a restaurant, he makes sure to come home every dinner to eat with his family.
Yun lang kasi yung oras na nakakapag-usap sila at nakakapagkumustahan.
"Still mad at you," his mom answered.
"Still?" kunot-noong tanong ng daddy niya. "Tuesday na a."
Pareho silang nalungkot na mag-ama. Kung magkakatampuhan man sa pamilya, hindi iyon tumatagal ng isang araw. Kaya nga tuwing dinner time, naglalabasan na rin sila ng sama ng loob. Para kinabukasan, okay na sila ulit.
But not this time. Iya's refusing to cooperate. Simula nga kahapon sa school ay hindi siya nito kinakausap. Si Abby ang kasama nito maghapon. Kahit ang mga kabarkada niya'y nagtataka na rin.
"Ikaw kasi," naiiling na sabi niya.
"Anong ako? Ano bang mali sa ginawa ko?" reklamo naman ng daddy niya.
"Dapat kasi hindi mo na sya pinasundan kay Ken. Feeling tuloy nung bata wala kang tiwala sa kanya."
"May tiwala naman ako kay Iya. Dun lang sa ka-date nya wala," dahilan ng daddy niya.
Maging siya man ay nagsisisi dahil pumayag sya sa gustong mangyari ng daddy niya. Siguro nga, maganda yung intensyon nilang mag-ama pero hindi naman maganda 'yong paraan na ginamit nila. Ang dating tuloy, parang wala silang tiwala kay Iya.
--
Kinabukasan, Iya commuted to school again. Maaga itong umalis. Kumakain pa lang sila ng daddy niya ng agahan ay wala na ito sa bahay. Pagdating niya sa school, naabutan niya si Ahn sa may gate. Lalampasan sana niya ito but she saw him first.
"Hi, kuya! Good morning po!"
Binigyan niya ng tipid na ngiti ang kinakapatid.
"Morning."
"Nasa'n po si Ate Iya?"
"Naunang pumasok e."
"A, sige po kuya. Una na 'ko," paalam nito.
Gusto niya itong pigilan. Gusto niya itong sabayan kahit sobrang lapit lang ng building nila mula sa gate. Pero bago pa man niya iyon magawa ay naharang na siya ng isang babaeng mukhang halos kaedaran lang ni Ahn.
Nakasimangot ito at halatang kaiiyak.
"Kuya..."
"Bakit?" kunot-noo niyang tanong.
"K-Kasi po... hinintay po kita nung Sabado," naiiyak nitong sabi.
"Huh? Busy kasi ako nung Sabado. Bakit, ano bang meron?"
Tuluyan na itong naiyak. Nagtatakbo ito palayo. Sya naman ay naiwan sa gitna, pinagtitinginan ng mga tao. May ilang nailing at bumulong na may na-heart broken na naman dahil sa kanya. Gusto niyang magmura. Ni hindi nga niya alam kung bakit bigla-bigla na lang itong umiyak. Ano ba ang meron noong Sabado?
"Lagot ka, Ken!" bungad sa kanya ng kaibigang si JL. Nakakuba siya nang akbayan siya nito. Mas maliit kasi ito sa kanya.
"Bakit na naman? Ano na naman ba ang ginawa ko?"
"Nakalimutan mo na? Yun kaya yung nag-invite sa 'yo sa 16th birthday nya!"
Saka lang niya naalala. May nag-imbita nga pala sa kanya noong isang linggo. Sixteenth birthday daw nito. But he was preoccupied that day. Kailangan kasi nyang manmanan si Iya nung nakaraang Sabado.
BINABASA MO ANG
I Just Loved Too
Teen FictionThis is the sequel to a very long series that started with I Just Loved (Femi - Rico - Gale - Toby - Jazz). It can be considered a spin-off or a stand-along, but if you're interested with the rest of the characters, you can start reading I Have Some...